N/A:
Inuulit ko. Pakitingnan po ang bilang ng kabanata nang hindi maligaw sa parti na iyong binabasa. Ginugulo pa rin ng Wattpad ang pagkasunod-sunod ng mga pahina ng librong ito.
I changed some minor details sa plot ng mga naunang chapters kasi na realised kong mga plot holes pala 'yon. Sabi ko nga na first draft pa lang 'to kaya expect na may mga revisions talaga.
My final revision will be the hard copy na hoping ay mapublish ng isang publishing house kasi ia- apply ko 'tong librong 'to sa isang legit na publishing house after na ipanglaban ito sa WATTYS( I don't know what year, hoping next year ay mailaban na). Syempre ay may revisions ito na pang malakasan para hoping manalo tayo. Please support me!
My final revision for Wattpad yearly contest ay pakatapos ng buong libro. Hindi naman mababago ng ganun ang plot, ayusin lang ang mga mapapansing plot holes at maybe ay may mga dagdag na scenes para mapalakas pa ang storyline pero ganun at ganun pa rin ang mangyayari sa ending.
Updated na ang mga artistang gusto kong gumanap sa mga characters ko. Read ending notes sa Chapter 1, Enjoy!!
____________________________________
Minulat ni Auriga ang mga mabibigat na mga mata. Namamaga ang talukap at ibabang bahagi nito, namumutlang muka–muka siyang trenta anyos kahit dalawampu't-apat na taong gulang pa lang.
Makailang ulit niyang tinawagan si Malcolm magdamag, umiyak, nagsisi ngunit buo na ang pasya ng kasintahan.
Kung bibigyan ba siya ng pagkakataon na baguhin ang nagawa ay babaguhin niya? Hindi, nararapat iyon dahil mas naunawaan niyang mahalaga sa nobyo ang tiwala. Natutunan ni Auriga na sa isang relasyon, ang pagdududa ay parehong nakakasakit sa dalawang taong pinili na maging parti ng buhay ng isa't-isa. Ang huling aksyong natira ay paggalang sa hiling ni Malcolm.
Sunod-sunod na katok ang kumalampag sa pinto. Masidhing pananabik ang dumaloy sa damdamin niyang tanging ang nais lang makita ay ang nobyong nakaalitan.
Patakbo siyang pumasok sa banyo at mabilis na naghilamos. Sinuklay niya ang sabog na buhok at maningning ang ngiting binuksan ang pinto.
Sumalubong ang yakap ni Shenara. “Umaga nang nabasa ko ang mga chat mo.”
Tila upos na kandilang natunaw si Auriga sa bisig ng matalik na kaibigan. Pagod na talaga siya, akala niya'y ubos na ang luha sa mga mata ngunit nang humigpit ang yakap ni Shenara ay nag-unahang bumagsak ang mga proweba ng bighating bumabalot sa kalooban ng director.
Ang basag na boses niya ang nagtulak sa matalik na kaibigan upang himasin ang buhok niya.
“Beb, umalis talaga si Malcolm.”Humihikbing sumbong ng director.
Mapait ang ngiting lumitaw sa labi ni Swyrie, lumapit siya sa kaibigan at inalo niya ito.
_______
Sa sahig ay nakalatag ang mga kape at pancakes na dala ng magkapatid na Beñetes. Habang pinagsasaluhan ay binuod ni Auriga ang nangyaring away nilang magkasintahan nang hindi detalyado at ang ugat ng problima na kawalan ng tiwala ang takbo ng istorya.
“Babaero pala ang mokong,” husga ng bunsong Beñetes.
Nabilaukan ang director sa ininom na kape. Handa na siyang ipagtanggol ang nobyo.“Nakikinig ka ba?” tanong ng panganay na Beñetes. “Sinabi ba ni Auri na may ibang babae si Malcolm?”
“Parang ganun na nga.”
VOUS LISEZ
Eventide Interference
Mystère / ThrillerSi Auriga Delvante ay may mga panaginip na kasama ang grupo ng mga tao na hindi nya nakita o nakilala ni-minsan sa kanyang buhay, pero pakiramdam nya ay malapit ang loob nya sa kanila. Ang kakaiba at tuloy-tuloy na panaginip ay bigla na lamang humi...