Kabanata VI

29 11 1
                                    

          Tumakbo si Auriga pababa ng hagdan, sa pagtakbo nya ay dinausdus nya ang palad ng kaliwang kamay sa kaliwang hawakan ng hagdan. Binuksan nya ang pinto ng kanyang bahay at tinakpan ang mga mata gamit ang kanang kamay nang masilaw sa liwanag ng araw. Nagmamadali siyang naglalakad sa kanyang hardin, huminto siya at masayang tiningnan ang paglabas ni Malcolm sa kanyang asul na kotse. Sinara nya ang kotse at ngumiti kay Auriga,"Ang laki ng bahay mo."

          Inakay nya papasok ng bahay si Malcolm, pagdating nila sa tapat ng hagdan ay hinawakan ni Auriga ang kaliwang braso nya, huminto siya at lumingon sa direktor."Sa hardin na lang tayo mag almusal," mungkahi nya na sinang-ayunan naman ng lalaki.

           Sa pagpasok ni Auriga sa kusina ay nanlaki ang mga mata nya nang hilahin siya ni Yalex. Ang lalaki ay balisa na lumingon sa pintuan. Binitawan nya ang direktor, lumapit siya sa pinto at tumingin sa labas ng kusina.

          "Yalex, anong problima mo?"

          Hindi sumagot si Yalex, ilang segundo siyang tumingin sa labas ng kusina. Sinara nya ang pinto, pagkatapos punasan ang pawis sa noo gamit ang kanang kamay ay tiningnan nya ang direktor. "Ganito, layuan mo si Malcolm. Mapanganib siya."

          "Ano bang sinasabi mo?"

          Lumingon siya ng saglit sa pinto at muling
nilingon ang direktor na kunot-noong nakatingin sa kanya."Masama ang kutob ko. Kahina-hinala ang ibang detalye sa buhay nya."

          Ang takot at kaba ni Yalex ay nauunawaan ni Auriga, gustuhin nya mang layuan si Malcolm, hindi nya iyon pwedeng gawin; ito lamang ang paraan para mas makilala nya siya. Kailangan nyang malaman ang plano ng lalaking may pekas sa muka.

          "Magbigay ka ng magandang dahilan para layuan ko siya."

           Natahimik si Yalex, yumuko siya, nakatingin lang sa sahig."Katulad ng sinabi ko, masamang kutob ang meron ako ngayon,"Nag-angat siya ng ulo; tiningnan ng direkta ang mga mata ni Auriga,"Pakiusap, layuan mo siya."

           Malakas na tumunog ang relo na nasa ibabaw ng mesa nya, napilitan siyang bumagon sa kama at pinatay ang nag-iingay na relo. Malakas na hinampas ni Auriga ang kanyang kama,"Bakit ba sa tuwing maingay ang paligid, nauudlot ang panaginip ko!"

          Naisipan nyang kumain ng almusal sa labas, minsan nya lang ito gawin at kapag nagpasya siyang kumain sa labas ay gusto nyang makapag-isip nang mabuti. Si Auriga ang tipo ng tao na gumagana nang matino ang utak sa tuwing maraming tao sa kanyang paligid.

          Sa pagpasok ni Auriga, naamoy nya ang matapang na aroma ng kape, ang bakanting upuan at mesa ay bilang sa daliri. Karamihan ng mga kumakain ay may edad na, ang iba ay isang buong pamilya, ang iba naman ay mga  estudyante at mga naka-suot ng sibilyan na damit.

         Nginuya nya ng dahan-dahan ang  matamis na pancake, habang hawak ang tasa ng purong kape at paglagok nito ay ang pag-alala ng huli nyang panaginip,
"Sino ka ba talaga, Malcolm?"

        "Malcolm, siya ba ang nobyo mo?" tanong ng babaing umupo sa harapan nya.

        "Shenara, sinusundan mo ako?"

        Mahinang tumawa si Shenara, sumagot siya gamit ang lenggwahing Ingles,"Dito ako nakain ng almusal. Masama bang bumati?"

        "Aminin mo na, taga-hanga ka ni direktor Auriga," nakangiting singit ni Yalex na naglakad patungo sa tabi ni Shenara, itinaas nya ang kanang kamay, "Ako nga pala si Yalex Tiago."

        Nakipagkamay si Auriga kay Yalex at tipid na ngumiti sa kanya,"Auriga Delvante... .. ... Kaano-ano mo si Tiabes Tiago?"

        "Tatay ko siya."

Eventide Interference Where stories live. Discover now