Kabanata XVIII

14 5 0
                                    


N/A: Patingin na lang ng number of chapters para malaman niyo kung nasaan na ang chapter na binabasa niyo. Kahit anong update ay ginugulo pa rin ng Wattpad ang pagkakasunod-sunod ng chapters.

_____________________________________________________________

            Matapos ang imbistigasyon sa bar ay nalaman nilang tumakas ang waiter sa labasan ng kusina. Abala ang lahat sa selebrasyon at hindi pinaghinalaan ang huwad na tagasilbi.

            Nakita ang lahat sa CCTV. Nagpalit ang lalaki sa CR at nagkunwaring waiter. Hinanap niya si Auriga at inabot ang papel bago umalis. Tiningnan ang kuha ng CCTV sa labas. Lumihis ang lalaki sa mga daanan na walang CCTV, tingin nila ay kabisado niya ang lugar at mga dapat iwasan.
 
            Ang hinala ni ditektib Miguel ay peke ang bigote ng salarin. Napansin nilang kakaiba ang muka nito, ang balbas sa  panga at kulay ng muka ay hindi natural, tingin nila ay nakasuot siya ng maskara na gawa sa prosthetic.
 
                                              ------------
    
                              
           
            Tahimik na nakaupo ang pamilya Delvante. Nasa opisina sila ngayon ni Swyrie. Nilingon nila ang pintuan nang pumasok ang apat na unipormadong pulis, sumaludo sila kina Swyrie, Aziel at Rowan. Tumuwid ang tayo nila, matatag ang tindig sa pagpasok ng mga kapwa naglilingkod sa gobyerno.

             Nakangiting nilapitan ni Elmondo ang lalaking nasa unahan ng lahat. “Kumpadre, salamat at narito ka na.”
 
            Ang kumpadre ay malinis at maikli ang gupit ng buhok. Bilugan ang muka,parihaba ang maliit na itim na mga mata, mayroong manipis at itim na balbas sa itaas ng labi, gilid ng labi, baba hanggang tainga. Kayumanggi ang balat.

           Siya si Verhilio Juaquin, ang Senior Police Officer I
ng ikalawang distrito ng Metro Manila.

           “Narito na ba lahat?”tanong ni Swyrie. Tumungo ang mga naninilbihan sa pamahalaan. “Pinatawag ko kayong lahat dito upang tapusin ang banta sa buhay ni Ms. Auriga Delvante. Bawat isa sa inyo ay magkakaruon ng malaking parti sa planong isasakutaparin natin.”

         
                                      ----------------------

             Pinindot ni Auriga ang bukasan ng ilaw sa kwarto. Nagliwanag, nadaanan ng sikat ng bumbilya ang silid. Malinis, sa tagal ng oras na nilagak niya sa labas ay maaayos ang lahat ng bahagi ng silid.

             Sinarado niya ang pinto, hinalughog ang laman ng aparador, umupo sa kama at binuklat ang talaaan ng panaginip.

             Inisa-isa niya ang mga pahina ng kwaderno, mabilisang binasa ang mga sulat.

           Ang pagdalo ni Shenara sa kasiyahan, wala iyon sa panaginip. Sa trabaho niya nakilala ang matalik na kaibigan. Si Malcolm, nagkakilala sila nang iligtas niya ang direktor, dapat ay pasasalamat niya siya at bibigyan ng pabuya; magkikita sila ulit sa art exhibit, doon sila tuluyang nagkakilala.

         Mas malapit siya kay Yalex, pinili niyang kilalanin ng mabuti ang nobyo ng kaibigan dahil gusto niyang malaman ang tunay na pakay nito kay Shenara.

        Maraming kulang. Ang mga blangko at payapang panaginip ang nagbigay ng agwat. Biglang sumulpot si Malcolm at pinakitang konektado siya sa pagkamatay ng matalik na kaibigan. Nagbago ang takbo ng lahat, nagpasya siyang mas kilalanin ang lalaking mayroong pekas sa muka.
 
          Ang lalong gumugulo sa isip ng direktor ay ang mga taong nagtatangka ng buhay niya. Hinagis niya ang kwaderno at hinampas ang unan sa kama.

          Naninikip ang dibdib ng direktor, hinihingal siya. Sinundan niya ang paghinga hanggang sa bumagal na ito at makahinga siya ng maayos.

         Napukaw siya ng mga regalong nakapatong sa mesa. Kinuha niya ang regalo ng mga kaibigan.

Eventide Interference Where stories live. Discover now