Kabanata XIV

20 10 1
                                    

   

           Narinig ni Auriga ang malakas na kalabog dulot ng paghila kay Gail. Pinigilan niya ang sarili na lumingon, sing bilis ng takbo niya ang tibok ng puso. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang ingay ng sapatos ng kriminal na sumusunod sa kaniya.
       
           Patakbo siyang bumaba sa hagdanan na nasisinagan lamang ng kaunting ilaw mula  sa ikalawang palapag. Tumulo ang malagkit na pawis sa kaniyang noo at nanlamig ang katawan niya.

            Sa gitna ng hagdanan ay hinablot siya sa kamay ng kriminal. Ngumisi siya habang nagpupumiglas ang direktor, “Bitawan mo ako!”

            Kinuha ng lalaki ang maliit na kutsilyo, ang talas nito ay makinang at nakita ni Auriga ang sarili niyang repleksyon dito. Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi. Pilit siyang nagpumiglas, sa pagpupumiglas niya ay nabitawan siya ng kriminal at gumulong-gulong siya sa hagdanan.

            Nagdugo ang ulo ng direktor, hinihingal niyang inangat ang ulo at tiningnan ang lalaki na bumababa ng hagdan. Malawak ang ngisi ng kriminal. Mahigpit ang hawak niya sa patalim.

            Malalim ang boses ng lalaki na nagsalita,“Sandali lamang ang pakay ko sa'yo...  Hayaan mo ng tapusin ko ang trabaho na ibinigay sa akin.”

            Itinaas niya ang kutsilyo, nakatingin siya sa dibdib ni Auriga. Inakala niyang itatarak ito doon. Nagkamali siya, lumipat ang tingin ng lalaki sa hita niya at doon dahan-dahang idiniin ang patalim. Lumubog ang talas nito, unti-unting nagkahiwa sa tela ng damit at balat. Tumulo ang namumulang dugo at humapdi ang balat niya. Kumuyom ang kamao ng direktor, humiyaw siya nang malakas sa sakit. Malakas na tumawa ang kriminal, sunod ay ngumiti siya nang malawak. Namilog ang itim sa mga  mata niya na nagpalipat-lipat ang tingin sa hita at sa muka ni Auriga.

            “Lakasan mo. Sigaw, isigaw mo ang sakit!”malawak ang ngiting himok ng kriminal.

           Samantalang dumaosdos ang duguang polo ni Gail sa tiles ng ikalawang palapag. Duguan at namamaga ang muka niya. Pagapang siyang lumapit at sinilip ang namimilipit sa sakit na direktor. Nag-igting ang panga ni Gail, “Auriga!” Sumigaw siya gamit ang natitirang lakas, “Tulong, tulungan niyo kami!”

          Malapit ng umabot sa buto ng hita ni Auriga ang dulo ng patalim. Hinugot niya ito kasunod ng pagpalahaw ng sigaw at iyak ni Auriga. Lalong lumaki ang itim sa mga mata ng kriminal. Ngumiti siya na para ng mapupunit ang labi niya sa lawak ng ngiti. Hinawakan niya nang mahigpit ang kutsilyo gamit ang dalawang kamay at ibinababa ito sa tiyan ng direktor, huminto siya nang malapit na sa tiyan ang patalim at tinusok ng dahan-dahan ang patalim. Naramdaman ng direktor na hinihiwa ng talas ang tela ng damit at hinihiwa ang balat niya. Nag-igting ang panga niya sa sakit na nararamdaman. Tumagas ang madaming dugo, sumirit ito sa muka ng kriminal at dinilaan niya.

          Nakarinig sila ng maingay na sapatos, hininto ng kriminal ang pagdiin sa kutsilyo. Sa harap niya ay huminto si Malcolm na nanlilisik ang mga mata.

         Malakas niyang sinipa ang lalaki habang sinasabi ang mga katagang, “Itigil mo 'yan!” Bumagsak siya sa hagdanan at napaungol nang tumama ang likod dito. Lumapit siya sa nakahandusay na kriminal. Umupo siya sa ibabaw niya, mahigpit na hinawakan ang t-shirt at malakas siyang pinagsusuntok, “Anong karapatang mong saktan ang taong pinaka mamahal ko!? Ang lakas ng loob mong sumugod ng nag-iisa!” Pumutok ang labi ng kriminal at nagdugo ang gilid ng kanang mata niya. Patuloy siyang inundayan ng suntok. Kong nakakamatay ang tingin, marahil ay namatay na ang kriminal at mistulang nagwawalang liyon ang nobyo ng direktor.

        Nanlalabo na ang paningin ni Auriga, ang huli niyang narinig ay malakas na kalabog sa likuran niya bago siya tuluyang mawalan ng ulirat.

                                            __________
        

Eventide Interference Where stories live. Discover now