Kabanata VII

20 11 0
                                    

        
           Sabi nila, maikli lang ang buhay. Kahit kailan ay pwede mong harapin ang oras ng kamatayan; sa oras na naglalakad ka, kumakain, natutulog; kong ubos na ang oras mo, oras mo na talaga. Naintindihan ni Auriga ang gasgas na kasabihan na 'yon nang bawian ng buhay ang kanyang ina.
        
           Ginawa ni Leana Smith o ng ina ni Auriga ang lahat ng kaya nya; gumaling lamang sa sakit nya sa puso. Lumaban siya ng labing-pitong taon, akala ng pamilya nya ay gagaling siya nang sinabi ng doktor na umaayos ang  tugon ng katawan nya sa mga gamot; kung tuloy-tuloy ay maaari na siyang magpagaling sa sariling bahay.

           Dumalaw si Auriga sa ospital makalipas ang isang lingo matapos ang kanyang labing-anim na kaarawan.

           "Ma! Dinala ko ang paborito mong–"

           Nabitawan nya ang hawak nyang basket ng mga prutas noong nakita nyang gusot na ang damit ni Leana sa higpit ng hawak nya sa telang nasa dibdib nya. Tinawag nya si Auriga, ang tawag ay naging bulong sa kapos nyang hinga. Nang nakalapit ang nag-iisang anak na babae, pangalan ni Auriga ang huling nasabi nya bago lumabas ang huling hininga sa kanyang bibig.

         Sandaling na blanko ang isip ni Auriga, isa-isang nag-unahan na lumabas ang kanyang mga luha. Tinawag nya ang mga doktor, sinubukan nila; huli na ang lahat, patay na siya.

         Malakas ang iyak ni Auriga noon, sa pagdating at pag-alo ni Gail ay tumindi ang iyak nya. Humina lang ang iyak ni Auriga nang napansin nya si Don Elmondo, tiningnan nyang mabuti ang kanyang ama; lahat ng parti ng muka at ng kilos ay sinundan ni Auriga, ano mang paraan nang tingin ang gawin nya ay walang bakas ng lungkot o luha sa muka ni Don Elmondo. Akala nya noong ginagamot si Leana ay malaki lang talaga ang tiwala ng kanyang ama na gagaling siya kaya bihira lang bumisita sa ospital, puro trabaho ang inatupag ni Don Elmondo sa panahon ng gamutan.

          Ipinalibing ni Don Elmondo ang asawa makalipas ang dalawang araw ng kamatayan nya. Sa dalawang araw na lumipas, tiniyak ni Auriga ang emosyon at kilos ng ama. Walang bakas ng lungkot, walang bakas ng luha. Sa oras na inilibing si Leana, hindi nagbago ang paraan ng pagharap ng kanyang ama sa puntod. Mula noon hanggang ngayon, ang tingin ni Auriga sa ama ay sinungaling; hindi nya talaga minahal ang asawa nya.

           Sa lumipas na mahabang panahon, hindi nagbago si Don Elmondo, wala ni-isang luha o lungkot ang sinayang nya sa namatay na asawa. Ni-minsan ay hindi nya nakita o nakasama ang ama sa pagbisita sa puntod.

            Nais nyang makita si Leana nang nakita nya ang mga ipininta ni Malcolm, masaya siya sa biglaang pagbisita. Nawala ang saya nang naalala nya ang ginawa ni Don Elmondo, sa tuwing narito siya ay laging sumasagi sa isip nya ang trato ng ama sa yumaong asawa. Dala nya ang galit na malaki ang ambag sa lungkot nya, minsan ay sinisisi nya si Don Elmondo sa nangyari. Buhay pa sana si mama, maaga siyang namatay dahil sa trato nya.

          Sumabay sa iyak ni Auriga ang huni ng mga ibon, lumipad sila sa puno at ang iba ay dumapo sa mga puntod na malapit sa kanya, ang sikat ng araw ay bumbilya ng ilaw sa paligid, banayad ang paglapat nito sa balat ng direktor.

           "Umiyak ka lang," malambing na sabi ni Shenara.
         
           Umupo siya sa tabi ng direktor, hinawakan ang maliliit na mga damo na sumakop sa lupa na kanilang unupuan at tipid na ngumiti kay Auriga.

           Pinunasan ni Auriga ang luha sa kanyang mga pisngi, "Anong ginagawa mo dito?"

          "Dito rin nakalibing ang lola ko. Masama bang damayan ka?"sagot ni Shenara,"Ramdam kita, si lola ang tinuring kong ina nang mamatay ang nanay ko. Iba man ang sitwasyon, pareho ang sakit na dinaranas natin."

Eventide Interference Where stories live. Discover now