Kabanata XV

19 7 1
                                    

         
         Tiningnan ni Miguel si Auriga, “Kailangan sumagot ni binibining Delvante sa ilang mga katanungan. Maaari bang lumabas muna kayo ng kwarto?”Inikot niya ang paningin sa mga taong nasa luob ng silid, “Pagkatapos ko siyang kausapin, kayo naman isa-isa ang kakausapin ko.”

          Isa-isang naglabasan ang mga tao sa silid, niyakap muna ni Shenara ang direktor bago tuluyang lumabas.

         Inukupa ng ditikteb ang iniwang upuan ng ama ni Auriga, binuklat niya ang maliit na kwaderno at huminto sa isang malinis na papel at inalis ang takip ng bolpen. Naglabas siya ng isang voice recorder at pinidot ito. Inilapag niya ito sa hita niya.

        “Maari mo bang ilahad ang lahat ng natatandaan mo mula nang bumalik ka kagabi sa bahay niyo hanggang sa mawalan ka ng malay?”

         Tumungo ang direktor at sinalaysay ang lahat ng alam niyang nangyari sa pag-uwi, pagpasok sa bahay, pag-akyat sa kwarto hanggang sa atakihin siya ng kriminal. 

         Itinaas ni Miguel ang kamay upang pigilan siya sa pagsasalita, “Anong napansin mo sa salarin? Maitim ba siya? Matangkad? Ilarawan mo ang itsura niya.”

        Tumingin sa kisame si Auriga at nag-isip,“ Nakasuot siya ng itim na bonnet. Mata lang at labi ang kita sa muka.” Saglit siyang huminto at pumikit, “Ang natatandaan ko. Katamtaman ang tangkad niya. Manipis ang labi at itim ang kulay ng mga mata.”

        Nang maalala ni Auriga ang mga mata ng kriminal, nagtayuan ang balahibo niya. Nanlamig ang katawan nang makita sa isipan ang imahe ng mga mata, ang paglaki ng itim sa mga mata niya nang nasiyahan siya sa pagdiin ng patalim at ang malalim na boses at pagtawa. Naglaho ang kulay sa muka ng direktor at nakatulala niyang niyakap ang sarili.

        Napansin ng ditikteb ang pagbabago sa kilos ni Auriga. Dinampot niya ang voice recorder na patuloy paring kinukuha ang kopya ng panayam niya sa direktor. Nilapit niya ang upuan. “Auriga. Huminga ka nang malalim. Nasa ospital na tayo. Ligtas ka na.”

        Nakatulala si Auriga na parang walang narinig. Sa isipan niya ay nakikita niya na nasa gitna ng unang palapag sila ng salarin. Nakaupo siya sa sahig at nakatayo naman sa harapan niya ang kriminal. Ilang hakbang lamang ang layo ng lalaki. Naiilawan ng kaunting liwanag mula sa kusina ang paligid. Nasa pagitan niya at ng kriminal ang liwanag ng ilaw, tama lamang ang ilaw kay Auriga at sa kriminal upang makita ang galaw at itsura nila. Sa likuran nila ay madilim na ang paligid. Nakangiti ang lalaki at matalim ang tingin. Sunod ay ngumisi siya at nilabas mula sa likod ang makintab na kutsilyo. Tumakbo siya palapit sa direktor, lumaki ang itim sa mga mata habang paulit-ulit na sumisigaw ng, “Papatayin kita!”

       Tuluyang nakalapit ang lalaki sa kaniya at napapikit ang direktor, muli niyang minulat ang mga mata nang walang maramdaman na saksak ng kutsilyo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malapit na muka ng kriminal. Nakaupo siya sa harap ni Auriga, nakataas ang patalim. Napaka lapit ng muka niya sa muka ng direktor. Lalong lumaki ang itim sa mga mata ng lalaki at mas lumawak ang ngisi niya. Tumawa siya nang malakas at tumulo ang luha niya na kalaunan ay naging malapot na dugo. Sumigaw siya ng malakas na dahilan upang manginig ang katawan ni Auriga at umagos ang luha sa mga mata, “Papatayin kita!”

        Malakas na sumigaw ang direktor at hinarang ang mga kamay sa muka.

         Samantalang mabilis na lumapit ang ditikteb at inalog siya. “Auriga! Auriga!”tawag niya sa pangalan ng direktor.

         Patuloy na sumigaw ang direktor, nanginginig ang nakaharang na mga kamay sa muka at nagmamakaawang huwag siyang saktan.

         Nag-aalalang pumasok sa kwarto si Malcolm at lumapit sa higaan ng sumisigaw na direktor,“Anong nangyayari!?”tanong niya kay Miguel.

Eventide Interference Där berättelser lever. Upptäck nu