C H A P T E R 2

16 2 0
                                    

WEIRD

The next 3 days, absent silang pito. Pero ngayong araw na 'to kung pumasok sila parang walang nangyari. Dumiretso sa tabi ko si Sunoo. Nilabas ko yung notes 'kong kokopyahin niya.

"Thank you." He smiled then nilabas niya na din yung notebook niya at nagsulat na. He said on the text na may emergency lang sa bahay nila kaya absent silang 7. That reasoning doesn't make sense but i pretend that i believed it. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka may ma-cross akong line. 3 weeks pa lang kaming magka- kilala para magtanong ng ganon.

Dumating na ang teacher namin kaya huminto na siya sa pagsusulat. Tiningnan lang sila ng teacher bago nagsimula mag-turo. Kumunot ang noo ko, hindi man lang sila tinanong kung bakit absent. Weird.

After class, lunch break na namin at himala dahil sumabay sa'kin si Sunoo. Usually kasi sabay sabay silang pito nag-l-lunch. Dito lang ako sa room namin kumakain dahil masydaong crowded sa cafeteria. May baon naman ako kaya ayos lang. Kumakain kami ng bigla siyang nagtanong.

"Saan galing 'yang singsing mo? Ang ganda." He said while looking at the ring on my finger.

"Binigay ng lola ko." Sabi ko at hinimas himas ang singsing. It has 3 gems.

"Can i see?" He asked. Nilapit ko ang kamay ko sa kaniya. Nagtataka niyang tiningnan yon.

"I can't take it off." Then i smiled shyly. Natawa siya don. Inabot niya ang kamay ko at mas tiningnan ang singsing. Hinawakan niya ang singsing pero agad niya ding nilayo ang kamay niya na parang napapaso.

"Bakit?" Nagtataka at nagaalala 'kong tanong. Saktong sasagot na siya ng tumunog ang phone niya. Tiningnan niya 'yon at tumayo.

"I have to go. Bye." Tatanungin ko pa siya pero agad din siyang nakalabas ng room.

After lunch break, 'di na bumalik yung pito. Nag-disappear na naman sila. At mukhang sanay na sanay na ang mga tao dito. Tsk.
Nang matapos ang klase nagligpit na ako. Medyo late na nga ako dahil nag overtime yung teacher ko. Kaya lakad takbo ang ginawa ko papuntang cafe. Pagdating nakita ko si Nali na nakaupo sa may counter.

"Sorry, nagovertime kasi yung teacher ko." Paghingi ko ng paumanhin. Ngumiti lang siya. Sa totoo lang ang ganda ni Nali. Para siyang anghel.

"Ayos lang. Wala din naman masyadong customer." Nagpaalam ako sa kaniya na magpapalit muna ako. Nang makapagpalit, sumunod naman si Nali. Nagpaalam lang siya nung paalis na. Lumipas ang 2 oras na paunti unti lang ang mga customer. Tahimik akong nagpupunas ng lamesa ng may maaninag akong dalawang pamilyar na bulto na nakaupo sa lamesa sa labas. Nakumpirma ko lang na si Jay at Jungwon yon nung humarap sa banda ko si Jay. Lumabas ako para tingnan sila. Nagulat pa si Jay nung nakita ako.

"Anika, what are you doing here?" Takang tanong niya. Tiningnan ko yung uniform ko kaya napatingin din siya doon tsaka napatango tango. Napatingin ako kay Jungwon na nakaupo at nakayuko ang ulo sa lamesa.

"What happened to him?" Tukoy ko kay Jungwon.

"Lasing. Can i order 1 americano and 1 hot cocoa, please?" Agad akong tumango at bumalik sa loob. Matapos 'kong ihanda ang mga in-order nila lumabas na ako. Nilapag ko na sa lamesa ang in-order nila, aalis na dapat ako ng hawakan ni Jungwon ang pulso ko. Nagangat siya ng tingin, at napansin na namula ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko, tinanggal ko ang kamay niya pero ayaw niya bitawan. Tumayo na si Jay at tinulungan akong tanggalin ang kamay ni Jungwon. Agad akong lumayo ng mabitawan niya ako.

"Sorry Anika." Ngumiti lang ako ng tipid kay Jay at bumalik na sa loob. Still bothered about what happened. Bumalik ako sa harap ng counter at tiningnan silang dalawa. Tama ba yung nakita ko? Naging pula yung mata ni Jungwon? Maybe he's wearing contact lense? But bigla na lang namula eh. Siguro sa ilaw lang.

Napatingin ako sa kamay ko ng bigla akong nakaramdam ng hapdi. Namumula mula ang pulso ko at may konting dugo doon. Kinuha ko agad ang first aid para gamutin ang sugat ko. Pano nagkasugat to? Ganon ba kahigpit ang hawak ni Jungwon sa'kin? Nang napatingin ako sa kanila ay wala na sila doon. Lumabas agad ako at lumapit sa lamesa nila. Ubos ang kape pero yung hot cocoa 'di man lang nabawasan. Binalik ko na lang sa loob yon at bumalik sa labas para punasan ang lamesa. Nahinto ako sa pagpupunas ng may napansing mga patak ng dugo sa upuan at sa may sahig. Hindi sa'kin galing to dahil maliit lang naman ang sugat ko. Bigla akong nagaalala kay Jungwon. Baka may sugat siya? Pero di naman siya mukhang namumutla kanina, tsaka kung may sugat siya dapat nagamot na yon at bakit ako nagaalala sa kaniya? Biglang umihip ang hangin, napatingin ako sa paligid dahil pakiramdam ko may nakatingin sa'kin pero wala akong nakita kahit anino.

Binilisan ko na lang ang pagaayos bago pumasok sa loob. Dahil kinakabahan at kinikilabutan ako kung mag s-stay pa ako sa labas. 1 hour na lang tapos na ang shift ko kaya nilinis ko na lahat ng dapat linisin. Sinigurado ko munang naka-lock ng maigi ang pintuan bago ako gumayak. Naglalakad na ako nang mapansin na may nakasunod sa'kin. Paglingon ko sa likod nakita ko si Sunghoon na nakatingin sa'kin.

"Tangina." Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Natawa siya ng mahina kaya napatingin ako sa kaniya. First time ko siya nakitang tumawa. Mas lalo siyang gwumapo pag nakangiti siya.

"Sorry, nagulat ba kita?" Tanong niya.

"Hindi ba obvious?" Pabalang 'kong tanong. Tinawanan niya lang ako. Ano 'bang nakakatawa?

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya dahil ngayon ko lang siyang nakita na dito dumadaan.


"Asa ka. Hindi ka maganda para sundan ko." Sabi niya. Nainis ako sa sinabi niya. Marunong pala siyang mamilosopo.

"Sagutin mo na lang ako. Ngayon lang kita nakitang dito dumadaan, sinusundan mo ba ako?" Nakita 'kong umikot ang mata niya.

"Hindi kita sinusundan. Same street lang tayo. Lagi akong dumadaan dito, nagkataon lang na nagsabay tayo." Sabi niya. Umihip ang hanging gabi kaya medyo lumamig. Nakaramdaman na naman ako na parang may nakatingin sa'kin kaya napalinga linga ako.

"Tara na." Napatingin ako kay Sunghoon ng bigla siyang nagsalita. Nakakunot ang noo niya, at swear, nakakatakot yung aura niya. Parang bigla na lang niya pipilipitin leeg ko pag tumanggi ako, kaya sumunod na lang ako dahil natatakot na din ako. At least may kasama ako. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa apartment ko. Pagtingin ko sa likod ko wala na siya don. What the heck? Kanina pa ba siya wala diyan? Bakit di ko napansin? Seriously, this day is soooo weird.

---

A/N:

What'd ya think of chapter 2? nukajan update ka muna hahahahahahhahah



















Hating Her, Loving HerWhere stories live. Discover now