C H A P T E R 17

10 0 0
                                    

Paguwi ko ng bahay ay humilata agad ako sa couch. Walang tao ang bahay. Ang tahimik. Ang sabi ni Sunoo may kung anong spell na daw ang paligid ng bahay para daw walang makapasok around the mansion. Siguro si Celestia gumawa non. Nakahiga ako nang makarinig ako ng kalabog. Binalewala ko iyon dahil baka guni guni ko lang pero kumalabog ulit at mas malakas ito ngayon. Napatayo ako at hinanap kung saan nang-gagaling ang tunog.

Napadaan ako sa may pintuan papuntang basement nila Jungwon nang kumalabog ulit. Lumapit ako doon at nilapit ang tenga ko sa pinto. May narinig akong nabasag kaya binuksan ko agad. Bumungad sakin ang madilim na hagdan pababa. Nakaka-aninag pa din naman ako. Naglabas ako ng apoy para mas makita ko ang loob. Hinanap ko ang light switch at nang mahanap ko ay pinindot ko agad. bumungad sakin ang basag basag na bote at nagkalat na gamit. Sa gitna ay si Jungwon na nakaupo at... umiiyak?

"Jungwon?" Tinawag ko siya pero hindi siya sumagot. Lumapit ako at hinawakan siya sa balikat.

Tuloy tuloy ang tulo ng luha niya. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganto. Niyakap ko siya. Alam kong galit siya sakin pero... ah basta. Nagulat ako ng yakapin niya ako pabalik. Sobrang higpit ng yakap niya na parang ayaw niya akong mawala. Na parang natatakot siyang mawala ako.

"Miss na miss na kita Hye Na." Bumagsak ang balikat ko dahil sa pangalan na binanggit niya.  Hye Na. Hindi ako si Hye Na. Naramdaman kong nagiinit na ang mata ko kaya tumingala ako. I cleared my throat.  I can't cry. Ayoko ng umiyak. I faked a laugh.

"H-hindi ako si Hye Na, Jungwon. Si Anika to. Lasing ka ba?" Obvious ba Anika. Humigpit ang yakap niya sakin.

"Wag ka nang aalis please,"

"Wag mo na akong iiwan ulit."

"Napapagod na ako, gusto ko na magpahinga." Kumirot ang puso ko. Kung akala niya ako si Hye Na. Kung akala niya ako ang babaeng mahal niya, kung ayon ang magpapagaan ng nararamdaman niya, siguro pwede naman akong magkunwari.

"H-hindi na ako aalis ulit. Dito lang ako sa tabi mo." Niyakap ko siya pabalik. Hindi ko namalayan na umiiyak na din ako. Dumaan ang ilang minuto na hindi na gumagalaw si Jungwon. Pagtingin ko tulog na siya. Pinunasan ko ang luha ko at nilibot ang tingin sa paligid. Paano ko siya maiiaakyat sa taas? Hindi ko pa kaya magteleport.

Inalalayan ko siyang inihiga sa may couch. Naghanap ako ng kumot at unan sa mga cabinet at buti naman meron. Pagkatapos ko siyang ayusin. Naglinis naman ako. Ang daming basag na bote at sira sirang gamit. Pinulot ko ang mga bote ng bigla akong masugatan. Tumutulo ang dugo ko kaya naghanap ako ng first aid kit, napadaan ako kay Jungwon na tulog. Ang payapa ng mukha niya. Mukha siyang maamong tupa, kabaligtaran ng ugali niya pag gising siya. Biglang humapdi ang sigat ko kaya napatingin ako dito at kay Jungwon.

Kung ipapainom ko sa kaniya ang dugo ko, mamahalin niya din ako diba? Pag ginawa ko yon hindi na niya ako kamumuhian. Hindi ko na namalayan na nasa harap na ako ni Jungwon agad kong pinigilan ang kamay ko. Hindi. Ayoko. Ayoko sa ganitong paraan. Hinanap ko na ang first aid kit at ginamot ang sugat ko. Napatingin ulit ako kay Jungwon na tulog. Napabuntong hininga ako. Ano bang pumasok sa isip ko at naisip ko iyon? Mabilis ko ng tinapos ang nililinis ko at umalis na doon. baka antok lang to. Umakyat na ako at natulog.

--------

Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang magluto. Nagayos na ako at bumaba, napadaan ako sa basement sinilip ko ito at nakitang tulog pa din si Jungwon. Hindi ko na siya ginising dahil mukhang pagod siya. Nagpunta na akong kusina at nagsimula nang magluto. Ilalagay ko na sana ang niluto ko sa lamesa ng biglang sumulpot sa harap ko si Jungwon. i was taken aback, I can't look at him. nilagpasan ko siya at nilapag ang pagkain sa lamesa. no one spoke between us.

"anong nangyari kagabi?" nabigla ako nang magsalita siya.

"naglasing ka. di mo maalala?"

"magtatanong ba ako kung naalala ko?" pabalang niyang sagot. hindi na nga lasing.

"naabutan kita doon, sa basement, nagwawala ka." i told him. umupo na din siya. nilapit ko ang niluto kong soup para sa kaniya dahil alam kong may hangover siya.

"ano to?" tanong niya habang nakahawak sa ulo.

"soup?"

"alam ko, pero para saan?"

"para kainin mo? may hangover ka diba?" he looked at me before eating the soup. namayani ang katahimikan sa pagitan namin. tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig. awkward. i feel awkward. nung isang araw we're just shouting at each other tapos ngayon kumakain kami nang sabay. he cleared his throat. he must've feel awkward too.

"sorry." he suddenly whispered. ano daw?

"ano?"

"sorry." napataas ang kilay ko. wow. si Jungwon ba talaga to?

"para saan?"

"doon sa sinabi ko nung nakaraan." napakurap ako. inaamin ko, masakit pa din yung mga sinabi niya pero nung nag sorry siya nawala lahat ng sakit. wow naman, di ko alam na ganto ako karupok.

"ahh, wala na yon. okay lang. naiintindihan ko." sabi ng utak ko wag ko tanggapin sorry niya kasi sobrang sakit pero hahaha ayoko nga. jungwon nodded. pagkatapos non wala nang nagsalita, hanggang sa makarating kaming S.U. walang nagsasalita.

sabay kaming pumasok ng room. nakita ko agad si Luna kaya agad akong dumiretso at umupo sa tabi niya.

"bati na kayo?"

"nag sorry na eh." napatango siya. the teacher came kaya nakinig na ako, while listening i accidentally glanced at the window and saw a human form standing in the terrace of the other building. i looked closely, hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil madilim ang lugar na kinaroroonan niya. i squint my eyes, i got startled when a crow suddenly hit the window. it made a loud thud that made the whole class look at it. even jungwon flinched. the class ignored it and went back on studying. but i can't. the crow... it's looking at me.

-----------

A/N:

wow nakatapos din ng isang chapter omg.





Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 08, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Hating Her, Loving HerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora