C H A P T E R 14

6 2 0
                                    

Anika's POV

"GISING NA PO!!!!!!!" Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may nagkakalampag ng pinto. Agad kong binuksan iyon at bumungad sa'kin si Ni-ki na nakangisi.

"Woah, ang galing." Bigla niyang tinuro ang kamay ko na may apoy na pa lang lumalabas. Agad kong sinara ang palad ko at naglaho yon. Napatingin ako kay Ni-ki na parang batang nakakita ng magic.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Gising na daw po hehe." Sabi niya at biglang umalis. Ang weird ng batang yon. Nag ayos na lang ako at bumaba na din. Nakita ko silang anim na nakaupo sa mahabang lamesa at kumakain.

"Good morning Anika!" Sabi ni Sunoo. Binati ko din siya. Umupo na ako sa upuan sa tabi niya. Binigyan naman ako ng pagkain ni Jay at umupo na din.

"Ni-ki bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Heeseung. Naalala ko ang kagabi bigla siyang napatingin sa'kin kaya umiwas ako ng tingin.

"Di ako pumasok, wala kayo doon." Napagalaman kong doon pala talaga si Ni-ki pumapasok sa dati kong school.

"Kamusta si Serenity? Iniiwasan mo pa din?" Tanong ni Jay. Whut? Pati si Ni-ki may lovelife?

"Syempre, ayoko siyang madamay." Pahina ng pahina niyang sabi habang pinaglalaruan ang pagkain niya.

"Aww, kawawa naman ang bebe na yan." Biglang dumating si Jake na may malapad na ngiti. Ngayon, kumpleto na sila. Pinapanood ko lang silang mag usap.

"Aba, lawak ng ngiti natin ah. Napasagot mo na?" Tanong ni Jay.

"Syempre ako pa. Hi Anika." Sabi niya tinanguan ko lang. Mukhang lahat talaga sila may lovelife. Napatingin ako kay Jungwon na seryosong kumakain. Siya kaya sino lovelife niya? Napatingin siya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin kasi naalala ko yung kahihiyang ginawa ko kagabi. Grabe, sinabi ko ba talaga yon? Pwede bang ierase yon? Pagtapos naming kumain lumabas na din kami ng bahay kasama ko sa karwahe ngayon si Sunoo at Heeseung.

"Mamaya hindi kami sa mansion uuwi ha. I-lock mo ng mabuti yung pinto kapag matutulog ka na." Sabi niya. Tumango tango na lang ako habang nakatingin sa labas. Actually, puro puno ang nadadaanan namin. Nasa liblib na lugar ata ang school. Sheesh, kinakabahan ako. Ano kaya mangyayari?

"Anika. Anika! Nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Sunoo na kanina pa pala nagsasalita.

"Ha?" Napairap na lang siya at nag-cross arms tapos nabulong.

"Sabi niya, mamaya sumabay ka daw sa'min mag lunch." Tumango na lang ulit ako. Matik na naman na yon. Napatingin ako ulit sa labas ng malapit na kami sa gate ng school. Matataas ang mga pader non, mahirap umakyat kapag binalak mong mag cutting classes, bahagyang madilim at may mga halaman sa paligid, sa ibabaw nakalagay ang pangalan ng school.

Sanguis University

Bumukas ang malaking gate at pumasok doon ang karwahe, paglagpas doon ng karwahe para akong napasok sa ibang dimensyon. Yung loob nito ay puro building madaming tao, i mean bampira at iba pang nilalang. Mukha itong syudad dahil sa mga building. Mapapansin mo agad ang tatlong malaking building. Ayon siguro ang main buildings ng school. Bumaba na kami ng karwahe, maiiwan nila ako doon kung hindi lang ako hinila ni Sunoo. Ang ganda talaga.

"School ba 'to?"

"Oo. Sara mo bibig mo, mukha kang tanga." Biglang sabi ni Jungwon na nasa kabilang gilid ko na pala. Naglakad na kami papasok. Nagulat ako ng may makitang kumpulan, parang inaabangan nila kami or should i say, sila.

'Shet namiss ko sila.'

'Gago hoy tawagin mo si Kali sabihin mo nandito na si Sunghoon!"

'ang pogi nila kywbsiwnzj'

'teka sino yon?'

'bat may babae silang kasama?'

'baka kapatid ng isa sa kanila?'

'girl, graduate na yung kapatid ni Jungwon, walang kapatid si Heeseung at Jake na babae, si Sunghoon naman bata pa kapatid niyan, halata namang hindi kapatid ni Sunoo yan, at walang kapatid si Jay. So sino yan?'

'grabe te alam na alam.'

Ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan. Shet, baka may umaway na naman sa'kin bigla nito. Huminto sila sa tapat ng malaking building dito. Tiningnan ko yon at may nakalagay sa pinaktuktok na '𝐈'.

"Sumama ka na kay Jungwon pumunta na kayong class niyo." Biglang sabi ni Sunoo kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano? Bakit? Dito lang ako sayo." Sabi ko at kumapit sa braso niya. Tinanggal niya yon ay tinulak ako ng bahagya papunta kay Jungwon.

"Tanga ka? Magkaiba tayo ng year. Sige na malalate na kami. Bye." Umalis na agad sila kaya wala akong choice at tumingin kay Jungwon na nakangisi na naman sa'kin. Inirapan ko lang siya. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod ako sa likod niya. Pinagtitinginan nila kami, medyo kinakabahan ako dahil baka malaman nila na hybrid ako. May ini-spray sa'kin na something si Sunoo kanina. Galing daw kay Celestia yon, pang cover daw yon sa amoy ko. Madaling malalaman ng mga bampira na witch din ako dahil sa amoy ko. The perfume is doing it's work naman. Amoy bampira pa din naman ako. Dinala ko na nga yon para, in case lang. Nakasunod lang ako kay Jungwon ng huminto siya kaya nauntog ako sa likod niya. Pagtingin ko may babae doon. Bigla siyang lumingon sa'kin kaya napatago ako sa likod ni Jungwon. Kanino na namang jowa to? Hindi kaya kay Jungwon to?

"Who is she?" Biglang tanong ng babae. Nakasilip lang ako ng konti at nakikinig na din.

"None of your business, Hera." Naglakad na papasok ng room si Jungwon susunod na sana ako ng biglang hawakan ako sa braso nung babae. Naramdaman kong bumabaon na ang kuko niya.

"Who are you?" Nagpapanic na ako kaya sinabi ko na lang ang dapat malaman siya para matahimik siya.

"Kim Anika. Pinsan ni Kim Sunoo." Sabi ko, more like bulong. Nanlaki ang mata niya, binitawan niya ako at bahagyang napayuko. What?

"Sorry." Tapos umalis siya. Ha? Napatingin ako sa loob ng room at lahat sila nakatingin sa'kin kaya umalis na ako sa harap at umupo sa upuan na bakante doon. Nagulat ako ng may umupo din doon. Akala ko magkakaroon na ako ng kaibigan pero si Jungwon lang pala. Nasandal ko na lang ang ulo ko sa bintana sa tabi ko. Wala pang nangyayari pero pagod na ako.

-----------------

A/N:

The last setence Anika said is what i feel right now ahsinqodnqkdnkqndmw.

Ps. I have a twitter account, i wrote au's din there but I'm not that active there for the mean time hehe. Here's the link if ur interested jwbdoand.

https://twitter.com/yangjwonloml?s=09

The link is on my profile din so u can check it there too! Thank you!!





Hating Her, Loving HerWhere stories live. Discover now