C H A P T E R 12

4 1 0
                                    

Anika's POV

Pagbaba ko pa lang ng karwahe sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. I looked around, and the vibe and aura of Yang empire is really different. Masasabi mo na seryoso ang mga taong nakatira dito. Sana seryosohin din ako ni Jungwon. Charot.

Sumunod na bumaba silang lima. Si Jake sa ibang school siya nag aaral. Sinundan niya daw yung babaeng nakita niya sa bar. Na-love at first sight. Wow. Lahat talaga sila may lovelife. Si Ni-ki naman sa dati niyang school since hindi alam ng pamilya niya na bampira siya. Pumupunta lang daw 'yon dito kapag gusto ng kausap at kasama.

May mga kawal na sumalubong sa'min. Napansin ko na ang sama ng tingin nila sa'kin kaya napahawak ako sa braso ni Sunoo na katabi ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Ang sama ng tingin sa'kin nung mga kawal wala naman akong ginagawa." Bulong ko. Bumubulong ako kasi parang bawal mag ingay dito. Tsaka baka bigla akong tamaan ng punyal sa ulo 'pag nag-ingay ako. Natawa naman sa'kin si Sunoo. Habang naglalakad papunta sa magiging titirahan namin puro puno ang nadadaanan namin pero ayos lang sanay na ako sa gubat. Kaya ko ngang umakyat ng malalaking puno. Sana lang walang lobo dito. May nakita na ako dati 'non kinuwento ko pa kay lola pero hindi siya naniwala at sinabing imahinasyon ko lang 'yon pero alam ko ang nakita ko, kulay puting lobo na may asul na mata.

Ilang sandaling paglalakad pa ng may matanaw na akong bahay. Actually mansion siya. Hindi siya katulad nung tambayan na bahay nila Sunoo. Eto, mansion. Tapos ako lang titira dito?! Dapat pala sinama ko na si Nieves kaya lang baka mapatay siya ni Jay so nvm.

Pagpasok namin agad 'kong nilibot ang paligid. Malaki yon at elegante tingnan. May mga paintings na nakadagdag sa disenyo ng bahay. Medyo madilim kasi nakasara ang malalaking kurtina. Agad akong lumapit sa malapit na bintana sa'kin at hinawi ang kurtina 'non. Napaubo ako ng makalanghap ng alikabok. Kailan pa 'to huling nilinisan?

"Hindi ba kayo naglilinis dito?" Tanong ko. Naupo sila sa may couch yung iba naman umakyat sa second floor ng bahay na kung saan ang mga kwarto. Kasama namin si Jungwon kanina pero dumiretso siya sa kastilyo para kausapin ang tatay niya.

"Naglilinis pero hindi naman kasi kami lagi nagbubukas ng kurtina." Sabi ni Heeseung. Maliwanag na kasi dito sa loob ng bahay kaya hindi na kailangan ng liwanag ng araw pero dahil maarte ako binuksan ko yung kurtina kahit wala ng araw.

"Pumunta na kayo sa nga kwarto niyo tapos bumaba na din kayo para makakain." Sabi ni Jay at dumiretso sa kusina. Napatingin ako kay Sunoo at Heeseung na umaakyat na kaya sumunod ako.

"Marunong ba 'yon magluto si Jay? Baka masunog ang kusina?" Sabi ko.

"Sa aming pito, si Jay-hyung lang ang marunong magluto." Sabi ni Sunoo. Wews. Swerte ng magiging asawa pala niya kung ganon.

Hinatid ako ni Sunoo sa magiging kwarto ko. Malaki siya pero hindi kasing laki ng kwarto ko sa Kim Empire pero ok na to kasi maganda naman. Nag-shower at bihis muna ako. Chineck ko ang cellphone ko at makitang may signal naman kaya tinawagan ko si Sunghee na nagaalaga ngayon kay Nieves. Siya nag volunteer since sabi niya gusto niya magalaga ng pusa. Minutes later she answered.

[Hello Unnie?]

"Sunghee, how's Nieves? Is she okay?" I asked. I heard a meow on the other side of the phone.

[Yes Unnie. She's currently playing. Kakatapos niya lang kumain.]

"Oh, okay. Just called to check on her."

[She will be fine Unnie. Anyways, goodluck on your new school! Fighting!] Sunghee said. After our talk, bumaba na ako at narinig ko silang nagk-kuwentuhan.

Hating Her, Loving HerWhere stories live. Discover now