C H A P T E R 13

4 1 0
                                    

Anika's POV

HINDI AKO MAKATULOG.

Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama halos ginawa ko na lahat ng posisyon sa pag tulog pero wala! Nadidistract ako sa amoy ng kama. Kaya ayon natutulala na lang ako sa kisame. Napatingin ako sa paligid at wala namang kalaman laman ang kwarto na'to. Halata ngang hindi ginagamit. Hindi talaga ako makatulog kaya lumabas muna ako at pumuntang kusina para uminom ng gatas ng makarinig ako ng tawanan.


"Gago HAHAHAHAHAHA." Rinig kong tawa ni Jay. Bakit gising pa sila anong oras na ah. Sumilip ako at mukhang nagiinuman sila. Ayos din tong mga to may pasok bukas pero nagiinuman. Nays. Binalewala ko sila at tumuloy na lang hanggang kusina ng tawagin ako ni Jay.

"Oh, Anika bat gising ka pa?"

"Di ako makatulog." Sabi ko na lang at kumuha ng gatas. Napagisipan kong lumabas para magpahangin pero nasa pinto pa lang ako ng tawagin nila ako.

"San ka pupunta?" Tanong ni Heeseung.

"Magpapahangin lang." Nuh bayan. Bawat galaw ko kailangan ba ipaalam ko sa kanila.

"Wag kang lalayo." Tumango na lang ako. Mukha tuloy akong bata nito.

Lumabas ako at umupo sa may bench doon. Nakatingin lang ako sa langit. Walang ka-bituin bituin. Buwan lang ang makikita sa madilim na kalangitan. Full moon pala ngayon. Full moon ko din dati nakita yung puting lobo. Matagal na daw silang wala kaya siguro hindi naniwala sa'kin si Lola ng sabihin ko sa kaniyang nakakakita ako dati ng puting lobo.


"Lola, kamusta ka diyan? Kasama mo ba sila mama diyan?" Nakatingin lang ako sa buwan ng may umupo sa tabi ko.


"Tapos na kayo?" Tanong ko. Tumango siya. Nakapamulsa siya at tumingin din sa buwan kagaya ko.

"Naniniwala ka sa lobo?" Tanong ko. Hunters sila kaya baka may alam siya tungkol sa mga lobo.

"Oo." Napatingin ako sa kaniya pero nakatitig lang siya sa buwan tas biglang napangiti. Luh.

"Nakakita ka na?" Tumango siya kaya napatakip ako ng bibig ko.

"Ako din!" Di ko mapigilang mapangiti. ngayon lang ako may kilalang naniniwala at nakakita na din ng lobo.

"Tandang tanda ko pa yung itsura nung nakita ko, puting puti siya tapos-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang tinakpan ni Heeseung ang bibig ko umalma ako pero sinenyasan niya akong wag maingay. Pinakiramdaman ko ang paligid at may mga nariinig akong kaluskos na papalayo. Parang natakbo ganon. Binitawan niya ang bibig ko at tumayo.

"Hoy teka saan ka pupunta?"

"Ichecheck ko lang, pumasok ka na sa loob."

"Ha? Teka sama ako." Sasama na sana ako ng bigla siyang nawala. Napakamot na lang ako sa ulo ko at pumasok na lang sa loob.

"Oh, nasaan si Heeseung-hyung?" Tanong ni Sunoo na nagliligpit sa sala.

"Ewan, may titingnan daw siya." Sabi ko. Tumango lang si Sunoo at sinabihan ako umakyat na. Umakyat na ako sa kwarto ni Jungwon. Dumiretso muna ako sa balcony ng kwarto niya, dinadamdam ko ang hangin ng may napansin ako. Si Heeseung yon at may kausap siya. Hindi ko masyadong makita yung kausap niya kasi madilim at nasa likod pa ng puno. Napatakip ako sa bibig ko ng biglang nagbagong anyo iyon at naging puting lobo. Omg. Sure akong ito yung nakita ko dati! Napatago ako ng bigla silang lumingon dito. Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago pero parang kailangan kasi. Bakit sila magkausap? Ang alam ko kinakain ng mga bampira ang mga lobo, ang paniniwala ng mga bampira na kaya nawala ang mga lobo ay dahil naubos nila ito kakahuli. Sa totoo lang ang tanga nga ng mga bampira eh, hindi ba nila naisip na baka nagtago lang yung mga lobo para hindi maubos? Pero ayun na nga, galing sa pamilya ng mga hunters si Heeseung at tiyak akong malaking pera ang makukuha nila kapag nagbenta sila ng lobo. Kaya bakit hindi niya hinuli?

Napasilip ako sa pwesto nila at nakitang wala na sila doon. Nakita ba nila ako? Sana hindi.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Ay lobo!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko si Jungwon lang pala at pulang pula ang mata.

"Nasaan?"

"Ha?" Yung ano?

"Yung lobo nasaan?" Kumunot yung noo ko.

"Pinagsasabi mo diyan?"

"May nakita ka bang lobo?" Naalala ko yung puting lobo kanina. Hindi ko alam pero parang kailangan ko na din i-sikreto na nakakita ako ng lobo.

"Wala. Diba wala na sila matagal na?" Pag mamaang maangan ko.

"Tsaka bakit ka nandito?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha siyang bagong ligo dahil basa pa ang ulo niya at may nakasabit pang towel sa leeg, naka puting shirt siya at pajama pants.

"Kasi kwarto ko to?" Lumapit siya kaya lumayo ako. Naramdaman ko ang puso kong malapit ng kumawala. Hoy kalma lang.


"Bakit ba lagi kang lumalayo sa tuwing lumalapit ako?" Tanong niya at nakatingin ng diretso sa'kin.

"Malamang. Gusto mo bang mahalikan na lang kita bigla diyan?" Napatakip agad ako sa bibig ko pagkasabi ko non. Tangina naman. Parang hindi na ako yung may ari ng katawan ko. Parang may ibang kumokontrol.

"Ano?" Patawa tawa pa siya. At lumapit kaya tinulak ko siya pero agad ko ding binawi ang kamay ko dahil para akong nakuryente.

"Nangaasar ka ba?!" Kinulong niya ako sa pagitan niya at ng railings ng balcony.

"Hulaan mo." Ngumiti pa siya ng nang aasar maya lumabas ang dimple niya sa pisngi. Hmm, putangina. Pigilan mo Anika. Hindi ko alam pero napatitig na lang ako sa mata niya. Ganun din siya sa'kin. Ang ganda ng mga mata niya.bNakatitig siya sa'kin ng bigla siyang umiwas at lumayo. Doon lang ako nabalik sa katinuan. Wtf?

"Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." Sabi niya at lumabas ng balcony sumunod naman ako sa kaniya.

"Saan ka matutulog?" Tanong ko pero dere-deretso lang siyang lumabas ng kwarto. Tsk, di man lang sinagot ang tanong ko. Humiga ako sa kama at niyakap ang isang unan doon. Ano kayang mangyayari bukas? Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.


----------------

A/N:

Naks may titigan mumints na aywisnwkndnabd














Hating Her, Loving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon