C H A P T E R 3

8 1 0
                                    

MASK

Nasa harap ako ng ATM machine, kaka-withdraw ko lang. Kailangan ko na kasing mag-grocery dahil konti na lang ang stock sa bahay. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Kakatapos lang ng morning shift ko. Pag weekdays, night shift ako. Pag saturday, morning shift ako. Day off ko ang Linggo kaya may araw ako para magpahinga. It's already 3 pm kaya gumayak na ako. Dumiretso ako sa grocery store. Nilagay ko na lahat ng kailangan ko sa push cart tsaka pumuntang counter para mag bayad. Nasa labas na ako ng napadaan ako sa parking lot. Sa may malayong banda nakita ko sila Jay, Heeseung at Jake, sigurado akong sila yon. Dahil naka side view sila. Tatawagin ko sana sila ng may naunang tumawag sa'kin.

"Anika-ssi!" Napatingin ako kay Sunoo.

"Sunoo, anong ginagawa mo dito?" Tumingin ulit ako sa banda nila Jake pero wala na sila doon. Paanong nawala sila doon? Namamalikmata lang ba ako? Kumurap kurap ako pero ganon pa din. The heck did i see?

"Yah! Earth to Anika-ssi?" Napatingin ulit ako kay Sunoo ng pumitik siya sa harap ko.

"Ano ulit 'yon?" Tanong ko pero panaka-naka akong tumitingin sa spot kung saan ko nakita sila Jake pero wala pa din. Am i seeing things? Nababaliw na ba ako?

"I'm asking if you're free today? Tara sa mall?" Sabi niya.

"Ano 'bang tinitingnan mo diyan?" Nakitingin din siya. I shaked my head.

"Nothing. Baka namamalikmata lang ako. Para kasing nakita ko si Jake, Heeseung, at Jay." Sabi ko

"That's impossible. Nasa bahay sila ngayon." Sabi niya. Lalong kumunot ang noo ko.

"Tara na. 'Wag mo nang isipin yon." Hinila na niya ako papuntang kotse niya. Dumaan muna kami sa bahay para ibaba ang mga pinamili ko.

"Ang cute ng apartment mo." Sabi niya habang nakaupo sa couch. It's true, kahit maliit lang siya maganda pa din. Mahilig kasi ako magdecorate.

"Cute din kasi may-ari." I heard him gasped. Natawa ako sa reaksyon niya.

" I didn't know na mahangin ka din pala Anika-ssi." Then we both laugh. After ko ilagay yung mga pinamili ko umalis na kami. That day was fun. Nag-enjoy akong kasama siya. I admit, the first time i saw Sunoo, i have a crush on him but nag fade din yon. I see him now as my bestfriend. Pumunta kaming arcades, sa mga department store though ako nagtingin tingin lang. Sa beauty cosmetics store, na pinilit niya pa akong bumili ng skin care dahil kailangan ko daw yon. Nagpumilit siyang ilibre ako kaya wala akong nagawa. Marupok ako sa libre. Kung ano anong kinuha niya, hinayaan ko lang kasi hindi naman ako maalam doon. Tinuturuan niya din ako kung paano gamitin, may iba akong naalala pero yung iba nakalimutan ko na. 'di bale se-search ko na lang sa internet. And now we're eating in a fine restaurant, siya daw mamimili tutal siya daw manlilibre.

"Akala ata ni Ate mag-jowa tayo." I laughed. Yung babae kasi kanina sa dept. store kinikilig sa'min kasi pinipilian ako ni Sunoo ng damit.

"Mukha kaya akong yaya kung itatabi sayo 'no." Sabi ko. Grabe kasi mukha nitong ni Sunoo. Alagang alaga yung balat ang puti pa.

"Maganda ka tanga, mag ayos ka kasi." Sabi niya tapos inirapan ako. Sa sobrang komportable namin sa isa't isa. Nagpipilosopohan   na kami. Kumain na kami nung dumating na yung pagkain.

"Gamitin mo yung mga skin care ha? Tinuro ko na sayo kung paano." Sabi niya nung huminto kami sa tapat ng apartment ko. Napatawa ako dahil ilang beses na niyang sinabi yan.

"Oo na, gusto mo sendan pa kita ng picture." Sabi ko.

"'Wag na baka akalain na naman ng kung sinong makakita na gf kita." Then he acted like he's disgusted.

"Grabe ka!" Tinawanan niya lang ako.

"Sige na, layas na. May pupuntahan pa ako. Bye." Sabi niya. Bumaba na ako ng kotse at kumaway sa kaniya. Binuksan ko na ang pinto ng may bigla akong narinig na ngumiyaw. Napatingin ako sa kulay puting pusa na nasa tabi ng pintuan ko. Umupo ako para magkasing-lebel kami.

"Hi, gutom ka ba?" Parang tanga kong tanong sa pusa. Ngumiyaw siya.

"I'll take that as a yes." Binuksan ko ang pinto at pumasok naman agad siya sa loob. Nilagay ko muna sa kwarto yung mga gamit tsaka bumalik sa pusa. Kumuha ako ng sardinas sa may cabinet at binigay sa kaniya. Hinimas himas ko ang balahibo niya.

"Wala 'bang may ari sa'yo?" Tanong ko.

"Kasi kung wala, aampunin kita." Tumingin ito sa'kin tsaka ngumiyaw.

"Is that a yes? I'll assume it's a yes. Hmm, anong ipapangalan ko sa'yo?"

"What about Nieves? Do you like that?" Ngumiyaw ulit siya. I just watched her eat. Hanggang sa maubos niya. Nilinis ko muna ang kinainan niya at nilinisan na din siya. I guess, i have to buy a cat food na. Sinama ko siya sa kwarto ko. Ginawa ko na yung skincare ko, nag picture pa ako habang naka lagay yung facial mask. Para may proof ako kay Sunoo. Napansin ko si Nieves na nakahiga sa kama ko at natutulog na, pinicturan ko siya at pinost sa social media ko.

Anikim_: goodnight nieves!^^

May mga nagcomment at react. Hinayaan ko na lang. Nag-scroll scroll muna ako ng makaramdam ng gutom. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Pagkatapos kong kumain niligpit ko na din aakyat na sana ako ng may napansin akong tao sa tapat ng bintana ko, looking at me. It looks like it's wearing a mask. Kinabahan ako. Lumabas ako para kausapin pero paglabas ko biglang nawala. Tiningnan ko ang buong paligid na posible niyang pagtaguan pero walang tao doon. Pumasok ulit ako sa loob at kinuha ang cellphone ko. I have no choice but to call Sunoo since siya lang ang kaibigan ko. Naka-ilang attempt ako bago niya tuluyang sagutin.

"Thank god you answered, uh, i know it's already midnight but can you come here in my house. May tao kasi sa labas and he's looking at me then nung lumabas ako biglang nawala. I'm scared so can you come here?" After i said that silence was all i heard.

"Hello?" Nagulat ako ng biglang end tone ang sumunod. Then a text came in. Galing kay Sunoo.

Sunoo:
Wait 4 me.

Napakunot ang noo ko, hindi ganito mag text si Sunoo. Kumpleto lagi typings 'non. Siguro tinatamad lang yon. I waited for him. Lumabas na nga din si Nieves sa kwarto at humiga sa lap ko. Nakaupo lang ako sa couch habang hinihimas ang balahibo ni Nieves ng may kumatok, tumayo agad ako at binuksan yon.

"Sorry sa abala ha? Natatakot lang---JUNGWON?!?" Siya ba talaga 'to?

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. He just smirked and enter my apartment.

"Nice apartment." Sabi niya. Humarap siya sa'kin ng matapos niyang libutin ng tingin ang apartment ko.

"Saan mo siya nakita?" Tanong niya

"Ha?"

"Ha?" Pang-gagaya niya sa'kin. Tumingin siya sa mukha ko. "Can you please remove that mask first? You look more scary." Napahawak ako sa mukha ko at doon ko lang naalala na naglagay pala ako ng facial mask sa mukha. Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko tsaka tumakbo papuntang kwarto. Shit, nakakahiya.




--------









Hating Her, Loving HerWhere stories live. Discover now