C H A P T E R 15

2 1 0
                                    

Anika's POV

Natapos ang klase na wala akong maintindihan. Though alam ko na ang iba sa mga tinuro dahil nagbasa basa ako ng libro sa Kim Empire at dahil na din sa notebook na iniwan nila mama at papa.

"Lunch na ba?" Tanong ko kay Jungwon na nagliligpit ng gamit. Tumango lang siya kaya sumunod ako. Naglalakad kami papuntang cafeteria ng mapansin kong may mga nakatingin samin. At meron nga. Ang sasama ng tingin nila sakin kaya lumayo ako ng kaunti kay Jungwon. Si Jungwon pa ata magpapahamak sakin nito. Tahimik lang kaming naglalakad ng may mabangga ako.

"Ouch, watch where you're going nga!" Pagtingin ko yung shota pala ni Sunghoon to at mukhang namukhaan niya din ako.

"Oh, look who's this. Anika right?" Left po char. Tumango na lang ako.

"I'm Kalianna Yoon, Sunghoon's girlfriend." Napatango tango ako. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin kaya napalayo ako.

"Are you sure you don't like Sunghoon?" Sasagot pa lang ako ng biglang may nagsalita.

"Don't worry Kali, she likes me." Napatingin ako kay Jungwon. Wow ha.

"Oh, okay. Take care." Then Kalianna left.

"Confident mo naman na gusto kita."

"Bakit hindi ba?" Then he flashed his freaking irritating smirk.

"Oo, di kita gusto."

"Eh bakit ka ganon tumingin sakin kagabi? Tsaka ano nga yung sinabi mo? 'Gusto mo bang mahalikan na lang kita bigla diyan?' Halik agad Anika? Masyado ka namang speed." Pangaasar niya, sinamahan niya pa ng tawa.

"Ikaw din naman ah, ikaw nga unang tumitig sakin eh. Siguro nagugustuhan mo na ako?" Biglang nagbago ang mukha niya. Biglang sumeryoso.

"Hinding hindi kita magugustuhan." Puno ng poot niyang sabi. Grabe, ganon ba siya kagalit sa mga kauri ko? Na pati ako nadadamay.

"Tingnan mo, pikon ka pala." Bulong ko.

"Di ako pikon." Luh narinig niya pa yon.

"Eh ano yan? Yang mukhang yan? Hindi ba yan napipikon?" Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Iba ako mapikon Anika, hindi mo gugustuhing makita." Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Oh, ginagawa niyo diyan?" Napatingin ako kay Heeseung na naglalakad papalapit samin. Napakapit ako sa kaniya.

"Bat ka kumakapit oy?"

"Si Jungwon, mukhang bubugahan na ako ng apoy." Sabi ko. Natawa lang si Heeseung at naglakad na. Tiningnan ko si Jungwon pero mukhang malalim ang iniisip niya. Tsk. Mangaasar tas pag siya inasar mapipikon. Pag dating namin ng cafeteria nakita namin agad sila. Sa lakas ba naman ng boses ni Sunoo sinong hindi makakapansin diyan.

"Bat ang tagal niyo?" Tanong ni Sunghoon.

"Nakabanggaan ko yung shota mo." Napangiwi ako habang sinasabi yon.

"She's not my girlfriend." Sabi ni Sunghoon.

"Eh? Ang pakilala niya sa sarili niya girlfriend mo daw siya." One sided love ba itu?

"Tsk." Hindi na sumagot si Sunghoon.

"Oh, kumain na kayo." Inabot ni Jay samin yung pagkain. Naka tray yon, may meat, gulay, may prutas din tapos may kasamang pack ng dugo ng hayop. Kumain na ako dahil parang naubos ang energy ko.

"Hoy, umayos ka nga ng kain mo. Pamangkin ka ng hari ng Kim Empire wala ka man lang ka poise poise." Napahinto ako dahil sa sinabi ni Jungwon. Ganun ba ako kakalat kumain? Bigla akong nahiya. Dahan dahan na lang akong kumain.

Hating Her, Loving HerWhere stories live. Discover now