1

3.7K 32 15
                                    

•••

"Mads, sino 'ya—hey! Si..."

Maddie smiled back at Jia, "Yes, si Bea De Leon! We're actually friends!" Maligaya niyang saad at in-elbow niya si Jia nang mahuli ang pamumula ng pisngi nito. "Giiiirl! Crush na crush mo naman siya, graveh!"

Napakagat si Jia sa kanyang labi sa hiya at pamumula. Hanggang crush lang naman ako, ibang level kaya siya! Hindi maabot at mahirap. Pagkumbinsi niya sa kanyang sarili habang tinatanaw ang FB profile sa phone ni Maddie. Lord, ang gandang nilalang tapos ang pogi. Mukhang matangkad pa.

"Oy, titig na titig. Search mo na lang kaya siya sa gamit ang phone mo mamaya." Pagpukaw ni Maddie sa kanyang atensyon habang nakangisi. Natawa siya nang ibaling muli ni Jia ang kanyang sarili sa ginagawang trabaho. "Jia, puro ka trabaho. Tatanda kang dalaga niyan. Relax mo naman ang sarili mo pag may time!"

"Alangan naman pabayaan ko 'to, buti nga ikaw wala na masyadong tinatapos." Jia retorts while finishing leftover paper works that are due today. She then became curious about Maddie being friends with Bea, her crush since she saw her in a get together at Maddie's house six months ago. "Gaano katagal na kayong magkaibigan?"

"College pa sis! Atenista rin 'to!" Jia's eye grew wide in shock for she also went to the same University before, but never met Bea there. Maddie grabs a piece of Nachos, giggling at her reaction. "Masyado ka kasing studious kaya hindi mo nasilayan si Bea throughout our stay sa Ateneo. Kaloka ka! Tas ngayon puro ka trabaho. Asan ang social life mo, girl?"

Jia rolled her eyes, "Makasabi ka naman parang wala akong naging kaibigan. Ayoko lang pabayaan pag-aral ko." Bigla niyang hinampas si Maddie ng mahina dahil buong stay nila doon ay wala manlang binanggit ito tungkol sa crush niya. "Naiirita ako sa'yo, hindi mo manlang binanggit noon pa!"

"Malay ko ba na magkaka-crush ka doon? Tsaka baka siya pa maging dahilan ng pagkawala ng concentration mo sa studies. Edi nagalit sila Tito at Tita sa'yo kesyo pinapabayaan mo ang pag-aaral." Maddie rightfully reasoned out. Totoo naman, may pagka-strict ang parents ni Jia at katunayan ay sheltered siya tapos mataas rin ang expectations sa kanya. Kaya hirap rin sa social life si Jia dahil dito, kailangan pa idaan sa matinding paalam bago payagan sa gala.

"They are not strict—atleast not that much compared sa nung nag-aral pa tayo. But yeah, tama ka." Jia agreed in defeat, thinking about how exciting her College life could have been if only she received enough freedom like her friends had. "What course did Bea take back in Ateneo?"

"AB Management tapos doon rin siya kumuha ng Masters. Alam mo ba, siya lang Atenista sa family nila? Lasallista silang lahat." Maddie answered and Jia nods in amazement.

"Jia, sino naman 'yan?" Mich butts in and Maddie shows her phone with Bea's FB profile on it. "Uy! Nahanap na Facebook ng crush niya. Yieee!" Akmang babatuhin siya ni Jia ng ballpen nang umiwas agad ito.

"Isa pa." Pagbabanta ni Jia na halatang pinipigilan ang kilig. Saglit siyang tumingin sa paligid at namataan ang mga katrabaho na gumawi sa direksyon nila. "Ang ingay niyo, marinig pa tayo ni Boss niyan!" Mahina niyang bulong sa dalawa.

Sakto naman na dumaan malapit sa kanilang pwesto si Mr. Jose Viceral o mas kilala bilang si Vice Ganda. Siya ang kanilang Boss sa kumpanyang pinagtatrabahuan nila. Tuwing nadaan ito ay tila napapawi ang ingay sa paligid, dahil na rin sa katarayang taglay nito. Takot na takot ang lahat kumibo, maski ang charms ni Maddie ay hindi umuubra sa attitude ni Vice Ganda.

One Night, UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon