13

428 15 2
                                    

•••

"Good morning!"

Alam ko na agad kung kaninong boses nanggaling 'yun. My day quickly turned sour by just hearing her speak. Hindi pa ako naka-recover sa ginawa niya nung isang araw. Muntik na kaya niya agawin ang first kiss ko nung umupo siya sa aking tabi! And I can't believe I wasn't able to shoo her away from me!

Inis na inis ako sa kanya hanggang ngayon!

"Walang good morning sa'yo." Oo, wala talaga dahil sinira niya na agad ang araw ko. "Pwede ba, stop invading my space? Alisin mo 'yang braso mo sa taas ng cubicle ko."

"Wala ka pala eh!" Napatingin ako para hanapin kung sino ang nagsalita. Nandoon 'yung Maddie at Kat na nakangiti pang tumitingin sa aming dalawa, mukhang nang-aasar sila kay Bea.

"Galit na galit ka parin sa akin? Tinabihan lang kaya kita." Nakangusong tugon nung hayop tapos nag-puppy eyes pa pagbalik ko ng tingin sa kanya.

Nafe-fed up na ako sa babaeng 'to, dapat hindi tinatanggap dito ang mga taong bastos at nanggugulo. Umagang umaga ginugulo ako kahit hindi pa nagsisimula ang trabaho! I am loathing her to the bottom of my core! Hindi ako matatahimik hangga't nakikita ko siya sa opisina namin.

"Aalis ka o aalis ka?" Nakapamewang kong tanong at sinamaan siya ng tingin.

"How can I leave when I also work here?"

"Namimilosopo ka pa!" Inis kong sambit habang naririnig ko ang mahihinang tawa ng mga kasama namin. "Bakit hindi ka na lang bumalik sa cubicle mo?"

Ang hayop na ito, tinawanan lang ako. I totally hate this woman, parang bata kung umasta. She crossed her arms and pouted at me, "Baka ikaw ang dapat bumalik sa cubicle mo, Julia?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, siya nga itong wala sa cubicle nila. I crossed my arms and matched her gaze, "Cubicle ko 'to! Can't you see my—"

Napahinto ako nang makita ang nameplate sa desk. Kumunot lalo ang noo ko dahil ibang pangalan ang nakalagay doon. When I read it naririnig ko na ang boses niya na tawang-tawa. Tinignan ko ang gamit na nandoon, at wala akong makitang gamit ko.

"Jia, ba't napunta ka dyan?!" Natatawang sambit ni Mich habang palapit sa akin. "Girl, pwesto niya 'yan! Ikaw ha."

When I realized, napamura na lang ako sa isipan ko. Nanggagalaiti akong tumitig kay Bea na halos maghalumpasay na sa kakatawa, pati ang iba naming katrabaho ay tumawa na lalo ng malakas. Hindi ako nagsalita at kinuha na lang ang bag pati 'yung iba kong dala saka umalis doon.

"Tangina talaga nu'n, Mich!" Gigil kong sambit nang makarating na ako sa totoong cubicle ko. Naririnig ko parin si Bea na tumatawa sa pagpapahiya ko sa sarili ko. "May dala atang malas 'yun!"

Pinatong ni Mich ang isang kamay niya sa balikat ko, kita kong pinipigilan niyang tumawa. "Malapit na akong maniwala na destined kayong dalawa."

"Oo nga, mula nung dumating sila dito naging buhay na opisina natin." Singit ni Ana habang umiinom ng kape. Ang dalawang 'to, kampi pa ata sa kalokohan nung mokong na 'yun. "Tapos may nakakaasaran ka na. Ayiee!"

"Correction, merong umaasar sa akin ng wala sa lugar." Diniinan at nilakasan ko ang pagsabi dahilan para marinig niya at mapalingon. Nilagyan ko ng emphasis para damang-dama nung walang modong 'yun ang hinanaing ko. "Mahangin at namimilosopo pa!"

One Night, UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon