19

389 10 4
                                    

•••

"Jia!"

Ang bagal! Ang bagal talaga gumalaw ng kumag na 'yun! 8 na start ng duty namin at nagaayos pa siya. 7:00 AM na ng umaga at parating na ang car lift namin in 10 minutes! Ang sama-sama pa ng gising ko dahil maingay nanaman siyang nagpatugtog kagabi kahit na pinagsabihan ko na tungkol doon!

I'm crossing my arms as I wait for Bea while standing in front of the door. Isa pa na ayaw ko ay makasama siya sa iisang bubong. Kung hindi lang ako na-convince ni Ate Ella, sa ibang unit ako mag-stay. Kaya sabi ko na kung sa iisang unit kami, papayag lang ako kung may sariling kwarto.

Ayaw kong makatabi sa higaan ang kumag na 'yan!

"WALA PA BANG IBABAGAL 'YAN?!"

Nag-scramble na siyang magsuot ng sapatos niya na tumingin sa sa akin. Nakangiti pa, "Can you relax? We still have a few minutes."

Uminit ang dugo ko at kinuyom ang fists ko, "For your information, wala tayo sa Pinas ngayon. Hindi oras ang maghahabol sa atin dito. Tayo ang maghahabol sa oras pati na din sa mga importanteng bagay gaya ng trabaho. Kaya kung ako sa'yo, bilisan mo na ang pagsintas dyan sa mamahalin mong sapatos para makababa na tayo!" Halos pasigaw ko na sabihin kay Bea dahil nanggigil na ako sa pagbabagal niyang kumilos.

Bea raised her hands in defeat sabay inirapan ako, "Okay, I'm done na! Aga mo magalit sa akin." She sighed and finally stands up then takes her bag before going near me. I faced the door and felt her nose on top of my head, "I love your smell."

Tinapakan ko ang paa niya saka binuksan ang pinto at umalis. I don't have time for bullshit lalo na sa mga taong katulad niya! Hindi ko na siya hinintay at sinimulang lumakad pababa ng apartment.

Pagkalabas ay ramdam kong may humawak sa braso ko, "Jia naman! Ang bilis mo bumaba, natapakan mo nga na ang paa ko." Umaaray na sambit ni Bea pagkalabas namin. Winakli ko ang aking braso at bumaba ng hagdanan, sumunod lang siya sa akin. "Sungit..."

Lumingon ako at nagpamewang, siningkitan ko ang aking mata at nakitang ngumisi siya sa akin. Akala niya hindi ko narinig ang sinabi niya?! "Kung ako masungit, ikaw naman ang bastos, mayabang at walang modo!" Giit ko at tumalikod tapos nagpatuloy sa paglalakad papunta doon sa bakanteng bench.

Uupo sana siya sa tabi ko nang ituro ko kung san siya uupo. Umiling siya sa akin tapos tumawa, "Ano ako, parasite? Letting me sit at the edge of this bench?" Tanong niya at sinagot ko ng irap. Nagkibit-balikat siya at umupo sa dulo, "It's almost winter, pero mas malamig pa doon ang ugali't pagtrato mo sa akin."

Hindi ko matandaan kung ilang irap na ang binigay ko sa kanya, pero inirapan ko lang siya. Ilang saglit pa ay dumating na ang car lift na magdadala sa aming dalawa papunta sa trabaho. Tumayo ako at pumunta sa back seat, susunod sana si Bea pero pinigilan ko at sumenyas na sa harap siya umupo.

"Good morning, ladies!" Masiglang bati ni Manong driver. Kita kong napatingin siya kay Bea na parang hindi makapaniwala, "Oh, I've never seen this woman. Is she your friend?"

"Ye—"

"We're co-workers." Mabilis kong sabi at lumingon si Bea sa akin tapos umiling. Hindi naman kami friends kaya 'wag siyang feeling!

"I'm sorry, this is the first time you've seen me. I'm always late for work that's why." Paliwanag ni Bea kay Manong ng nakangiti. Tumawa naman si Manong sa kanya at tumango.

One Night, UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon