Chapter 7

1.4K 125 10
                                    

RESE'S POV:

"Hae cho!",our taekwondo class instructor yelled and we respond.

Pagkatapos ay pumalakpak kaming lahat. Di nagtagal ay nagsialisan rin kami.

"How's the practice?",tanong ni Xia nang magkita kami.

Sumali kasi ako dito sa WFA ng taekwondo gayong pwede na. Hindi kasi ako nakasali last year dahil sa sitwasyon ko noon at sobrang huli ko na para sumali.

"Okay lang",sagot ko kay Xia.

Napatango-tango lang siya.

Habang naglalakad kami ni Xia palabas ng campus ay bigla naming nakasalubong sina Reymar kaya nagkabatian naman kami.

"Ako na ang magdala niyan", alok ni Reymar. Tinutukoy nito ang sports bag ko.

"No, it's okay. Hindi naman mabigat", tanggi ko.

Sa totoo lang ay mas lalo akong na-aawkwardan sa kaniya mula noong magtapat siya sa'kin noong nakaraang linggo. Hindi niya naman ako pinasasagot agad ngunit nag-aalala pa rin ako dahil sa totoo lang ay hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya. Ayaw ko siyang masaktan dahil kaibigan na rin ang turing ko sa kanya.

"But it looks like one",pagpupumilit niya.

"Really, hindi talaga siya Reymar. Look",anas ko at itinaas ang sports bag.

He sighed.

"Alright",aniya.

Nang tuluyan kaming makalabas ay nagpaalam naman kami sa isa't isa maliban sa pagitan namin ni Xia.

"Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin naibigay ang sagot kanya?",tanong niya sa akin habang pinanood namin silang unalis.

"Oo...nag-aalala ako Xi...sigurado akong masasaktan ko siya kapag ginawa ko yun",sagot ko.

"Wala ka ba talagang nararamdaman sa kanya kahit konti?"

Umiling ako.

"Tanging kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya"

She sighed. "If that's really the case then I will respect you. But you should give him your answer when it's still early so he wouldn't expect something"

"Iniisip ko na rin yan pero wala akong mahanap na tamang oras",sagot ko.

"Kung gayon, gawin mo bukas pagkatapos ng lunch. Tutulungan kita. Gagawa ako ng paraan para magkausap kayong dalawa ng kayo lang"

"Okay. Thank you Xi"

*****

Kinabukasan ay tinotoo niya nga ang sinabi niya at kaharap ko na nga si Reymar. Nandito kami ngayon sa likod ng grade 8 building na siyang malapit lang rin sa canteen.

"So.. ano yung sasabihin mo sa akin?",tanong ni Reymar.

Lumanghap ako ng hangin pagkatapos ay malalim na nagbuntong-hiniga.

"Gusto ko nang ibigay sa iyo ang sagot ko",walang paligoy-ligoy kong sabi.

"Talaga? Sigurado kang buo na ang pasya mo? Alam mong maghihintay ako kahit kailan..kahit matagal"

SHE became the campus HEARTTHROB (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon