Chapter 13

701 55 0
                                    

SKY'S POV:

Habang nagtuturo sa harap ang guru namin sa physics ay abala din kami sa pagtitig sa orasan sa kanyang ibabaw. Ilang minuto ang nagdaan ay tumunog rin ang school bell. Agad naman kaming tumayo at nagsilabasan. Pero bago kami tuluyang makalabas ay rinig namin ang usapan ng ibang kaklase namin.

"Saan sila papunta?"

"Yeah. Ba't yun nagmamadali?"

"Tsk. Ewan ko. Ang alam ko lang eh lolokohin lang nila ang sarili nila", sagot ni Jay.

Inusisa naman siya ng mga to dahil sa agot ngunit hindi na namin ang mga ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-alis. Papunta kami ngayon sa dalawang may utang sa amin ng paliwanag.

Habang papalapit kami sa classroom nila ay pinagtitinginan naman kami ng mga studyanteng nadadaanan namin. Nasanay na rin kami dahil mula nung unang araw ng klase ay ganito na ang trato ng lahat sa amin.

"Asan sina Rese at Xia?", tanong kaagad ni Vinci sa isa sa mga kaklase ng dalawa pagkarating namin sa classroom nila.

Hindi kasi namin ang mga ito makita sa loob.

"H-huh? Ah eh....hindi ko alam...b-but napansin kong nagmamadali silang umalis kanina...",uutal na sagot ng babae.

Nagkatinginan naman kami at napagpasyahang umalis.

"Thanks", kindat ni Leo sa babae nang papaalis kami.

Napa-iling nalang kaming magkakaibigan sa ginawa nito. Sa susunod naming destinasyon ay napagpasyahan naman naming pumunta sa practice hall ng sinalihang club ni Rese, nagbabasakaling nandoon sila. Ngunit pagkarating namin sa lugar ay hindi namin sila nakita.

"Saan kaya pumunta ang dalawang yon?", lintaya ni Leo habang naglalakad kami.

We just shrug our shoulders. Ngunit maya-maya sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay bigla kaming may narinig na mga pamilyar na boses sa sulok ng magkatabing building.

Nagkatinginan naman kaming pito at dali-daling pumunta sa pinanggalingan ng boses. Ngunit bago kami tuluyang makalapit doon at mapansin nila ay bigla kaming pinigilan ni Wade.

Kunot-noo naman kaming napatingin sa kanya.

"Shh, let's listen first", bulong nito sa amin.

Sinunod naman namin siya. Kung kanina ay hindi namin maiintindihan ang sinasabi nila dahil sa layo ng pagitan namin ngunit ngayon ay rinig na namin.

"Why would change your mind? Pwede mo bang pag-isipan ng mabuti?", pakiusap ng isa sa kanila na siyang boses ni Xia.

"She's right. May nangyari ba Ash? Can you tell us what is it?",Rese.

Agad na nanlaki ang mga mata namin matapos marinig ang pangalang yon. Alam na naming 'siya' ang kausap nina Rese at Xia ngunit iba pa rin talaga kapag marinig mo na mismo ang pangalan nito.

Ilang segundo ang nagdaan bago si Angel makasagot.

Narinig namin ang pagbuntong-hininga nito bago magsalita. "No, nothing happened", anas ni Angel ko.

Hindi ko naman mapigilang ma excite matapos marinig ang boses nito at alam kong ganun rin itong mga kasama ko.

"Kung ganun, why? Akala namin babalik ka dito sa WFA?", Xia

SHE became the campus HEARTTHROB (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon