Chapter 8

1.4K 136 13
                                    

XIA'S POV:

"Thank you Mang Joe",pasasalamat ko sa driver namin nang marating na namin ang bahay.

Agad naman akong bumaba ng sasakyan.

"Walang anuman po Miss Xia",rinig kong sagot ni Mang Joe.

Habang papalapit ako sa pintuan ng bahay namin ay kumunot ang noo ko nang may marinig akong nagsisigawan sa loob. At nang buksan ko ang pintuan bumugad sa akin si Kuya Xenon na galit na galit ang mukha.

Magtatanong na sana ko sa kanya ngunit nilagpasan lang ako nito.

"Anong---?!",tanging naisambit ko lang habang pinagmasdan siyang papaalis.

Lumingon ako sa loob nakita doon si mom na problemadong nakaupo sa couch. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Are you okay ma?",tanong ko.

"Yeah, I'm fine. Sumasakit lang ang ulo ko dahil sa matindi kong pagsigaw",sagot niya.

Napabuntong-hininga ako."Sa susunod ako na ulit ang kakausap sa kapatid kong yun. Kaya wag na po kayong mag-abala na papuntahin siya dito upang kausapin."

"No, it's okay. This is my responsibility as a parent. Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo"

"Pero---"

"It's really okay Xi. Ang laki na ng naitutulong mo sa amin ng Dad mo sa tuwing dadalawin mo ang kapatid mong yun sa condo niya sa lugar namin",putol niya sa akin.

I sighed.

"Okay po"

"Nagugutom ka na ba? Teka, ihahanda lang namin ni Manang ang dinner",aniya at tumayo, at naglakad papuntang kitchen.

Sinundan ko lang siya nang tingin at naglakad na papuntang kwarto ko. Agad akong nagpalit ng damit at nang matapos ako ay tinawagan ko si Rese.

"Oh bruha..napatawag ka?",aniya.

"Kuya Xenon came here awhile ago",bigay paalam ko.

"Talaga? Mabuti naman at umuwi na rin siya diyan sa inyo. So, umayos na ba siya?"

"Sana yan ang nangyari pero hindi. Nag-away sila ni mom. Hindi ko alam kung ano ang dahilan dahil huli na akong dumating pero nasisiguro kong dahil pa din yun sa katigasan ng ulo ni kuya. Ewan ko, ako na lang ang naaawa sa parents namin ",bahagi ko sa kanya

"Malalampasan niyo rin yan Xi..magtiwala ka lang.... Hayss kung sana nandito lang si Ash",aniya.

"Oo nga. Alam mo, kung totoo talaga ang karma, siguro ito na ang kapalit sa ginawa ni kuya noon kay Ash"

"Ang harsh mo naman ata sa kapatid mo"

"Tama naman. Tingnan mo siya ngayon, nagdurusa. At hindi ko masisisi si Ash dahil mas malala pa dito ang ginawa ni kuya sa kanya. Oo, naaawa ako sa kalagayan niya pero mas naawa ako sa mga magulang namin. Marami na silang bagay na inaatupag pero dumagdag pa si kuya. Kaya minsan ay gusto kong ako na lang ang kakausap sa kanya"

SHE became the campus HEARTTHROB (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon