تسع

1.7K 99 4
                                    

Boyfriend


He ordered dinner instead of cooking kaya walang gagawin. I took a shower at sumunod naman sya. Sinamaan ko ito ng tingin na nakatingin din sa akin habang nagpupunas ng buhok nya. Kanina ko pa sya pinapauwi pero ayaw nya. Pinipilit nya talagang dito matulog.

" Babe, I will not do something you don't like, so, nothing to worry. I won't seduce you or anything tho I don't mind you seducing me. Bibigay naman ako agad. Hindi ako magpapakipot. "

Inis akong nagtalukbong sa kumot, parang pareho kaming magbibigayan pag isa sa amin gustong mangalabit ngayon. Talaga Nade? Mangalabit talaga.

Natatawang inalis ni Fagan ang kumot at hinila ako palapit sa kanya.
" I'm joking. I'm tired these past few days and I only want to cuddle with you and sleep. But if you..."

" Shut up and let's sleep Fagan. Pagod rin ako. "

Natatawa itong humiga sa tabi ko. May espasyo pa naman ang kama pero nakasiksik talaga sa akin. Umurong na ako kanina dahil baka di sapat ang pwesto nya pero ganun pa rin. Baka sa pag-usad ko ulit ay sa sahig na ang bagsak ko. Kinuha nalang ang cellphone sa gilid ko para tingnn kung may mensahe ang kaibigan ko pero wala. Umirap ako, masyado itong abala kay Jet. Mandy and I are not into facebook or other social media app, maraming perfectionist kasi dun. IG lang ang meron ako dahil pwede yun sa messaging and we're both into photography. Nakita ko na nag post ito ng mga bagong larawan. Kahit medyo may pagka blurred ang picture halata pa rin si Jet ang kasama nya. Ang huling picture na pinost ko ay yung solo getaway ko - at hindi na nasundan. Bigla kong naalala ang dahilan ng biglaang pag alis ko and I'm wondering if they're doing okay. Siguro naman okay lang diba dahil parehong may kanya kanya na silang buhay ng hindi ako kasama. I should have moved on. I promise to myself that I will work harder, save some money for myself in the future. I can't depend on my parents all the time especially now that they have various responsibilities.

And this brute beside me is watching me and my phone and I choose to ignore him. I suddenly stop scrolling my phone when I receive a notification that faganmalek started following me. I click his account and obviously, it's new. And he just posted a photo. As in, just right now. A photo of him, topless on my freaking bed. I gasped when there was me beside him in his photo pero nakatagilid at nakatalikod sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag. At least hindi malalaman ng mga nakakilala dito kung sino ako. He created his account at this moment and he already gained followers, and he only followed my account. Agad kong senet ng private ang account ko dahil ayokong tadtarin ng mga negative messages ng mga sumasamba sa kanya. Dumami na rin ang mga nagco-comment na para bang nag pyesta dahil sa curiosity kung sino ang katabi nya.

" Mahahalata pa rin nila kung sino ako dahil ako lang ang ini-stalk mo. "
Umirap ako.

" Fine, I will follow some assholes here. "
Mga kakilala o kaibigan siguro nila ang pina-follow nya. " I want to post a photo of us, but maybe in the future. I don't want them to harass you or worst, send some nasty threats. "

Natigilan ako dun. Oo nga pala, buti nalang hindi kita ang mukha ko sa pagkuha nya ng larawan.
" Hindi pa ba nahuhuli ang mga gumagawa nyan? "

" Nahuli na pero walang magbabago kung yung nag uutos sa kanila ay nagtatago pa rin sa katauhan ng iba. "

" May ideya ka kung sino? "

Binitawan nito ang cellphone kaya ganun ang ginawa ko.
" Yes, pero hindi pa sapat ang ebidensya ko na ipakulong sya. "

" Kung sino man ang taong yun, sana naman mapagod sya. "

" That person and around that person won't stop and will never get tired because if they succeed, they will not only obtain money but also connection and most dangerously, power."

" For what? Hindi ko maintindihan na kailangan nila pumatay just to have those? Tsaka, bakit ikaw? Anong meron? Kung successful ka, hindi lang ikaw. Kung mayaman ka, hindi lang din ikaw kaya bakit? "

" They are greedy and selfish. They don't mind killing people just for the sake of power. And they will get something from me, if...they can kill me. "

Hay naku...

" Ano naman? "
Those thugs are willing to shed blood for their selfish reason and I will never understand that.

" Let's not talk about them anymore. Stop thinking about this thing and get some sleep. Hmm? "

Huminga ako ng malalim at hindi na nanita ng hinila nya ako palapit sa kanya. Humalik ito sa ibabaw ng ulo, ang isang braso ay nasa bewang ko.

Maaga din ako nagising kinabukasan, nilingon ang katabi na mahimbing na natutulog. Ilang gabi ba itong walang maayos na tulog. After washing my face and brushed my teeth, I prepare our breakfast. Nagtitimpla ako ng kape ng lumabas ito ng kwarto na hindi man lang nag abala na magsuot ng damit, his messy hair looks good on him and his hard-on is sporting on his short. I rolled my eyes because he looks hot and unbothered. Like it's his typical self every day that I'm going to substantiate.

" Morning..."
Niyakap ako ng mahigpit at humalik sa leeg ko. Sa lahat ng pwede nyang halikan, leeg ko pa talaga.

" Morning...wala ka bang balak magsuot ng damit? "

Nagkibit balikat lang ito. Sabi ko nga, hindi big deal sa kanya ang nakahubad sa harap ko.

Ipagtimpla ko sya ng kape ng tumanggi pero nakiki-inom sa kape ko.
" I can make for you. "

" Don't bother. Your's are better. "

Huh? Parehong kape lang naman yun.

" What is your plan for today? "

Matulog at kumain buong araw?
" Hindi ko alam? May lakad ka? "

Umiling ito. " Let's have a picnic? "

Napatuwid ako ng upo. " Saan? Tsaka ayoko sa disyerto, mainit. "

He beamed. " I know some decent place. "

Tumaas ang isang kilay ko. " You bring your women in that place? "

Mahina nitong pinitik ang ilong ko. " Silly. That place is private, and no one is allowed to go there except me and the people I appointed to maintain my territory. I usually go there every time I need to get away from the city. "

" Tell me, malapit sa dagat? "

" Hindi. Do you want near the beach? "

" Kahit saan naman okay lang. Can we sleep over instead? "

" Good idea. Bring some things you need for tonight and clothes for tomorrow para dediretso na tayo ng opisina bukas. "

This is the first time that I spend my weekend with a man who is not my boyfriend.

One Night in DesertWhere stories live. Discover now