أربعة عشرة

1.6K 105 11
                                    

Definitive



Paasa talaga. Umaakto syang boyfriend ko kahit hindi naman. Nagalit nung hindi ako makontak pero ako hindi ko man lang sya masumbatan nung ilang araw syang walang paramdam tapos ngayon bigla nalang susulpot na para bang kasalanan ko pa. Sweet nga sya sa akin kahit hindi ko sya boyfriend. Nakakainis.

I turned off the tv and let the light from the kitchen on - baka naman madapa pag walang ilaw ang kusina at sala. Kinumutan ko ito saka pinagmasdan na mahimbing na natutulog. Ilang araw ba to na hindi natutulog? I made a list for my food hunting tomorrow at nag alarm para maaga akong magising. Iniisip ko pa rin ang lahat ng rason kung bakit sya nandito. Ano yun, nang inantok bigla nyang naisipan na pumunta dito?

Nagising ako bago pa tumunog ang alarm, may nakayapos na mga braso sa akin. Nilingon ko si Fagan sa tabi ko, at wala ng damit pang itaas? Mahimbing akong nakatulog kagabi na hindi ko na namalayan na pumasok ito. Dahan dahan, tinanggal ko ang isang braso nito, in-off ko muna ang alarm sa cellphone saka pumasok ng banyo para mag ayos at magbihis. He's still sleeping peacefully after my morning routine.

May mga bodyguards sa palapag kung nasaan ang unit ko - maging sa lobby ay meron din. Yung amo nila nanaginip pa samantalang sila ay puyat.

" Ay maam...sa likod nalang kayo dumaan. Maraming taga medya sa labas at may mga taong nakikiusyuso din. "

Kunot noo na tiningnan ko ang mga bodyguard ni Fagan, ang gwardiya, at ang maraming tao sa labas.

" Bakit po? May artista ba dito? "

Napakamot sa ulo ang may edad na gwardya, " hindi ko din alam maam eh. Basta tumawag nalang yung may ari nitong building na e-secure ang lugar na to at wag hayaan na may makapasok na iba. Kaya yung mga nakatira dito ay sa likod nalang muna dumaan at may mga nagbabantay din kaya hindi makakalapit yung gustong pumasok. "

Ganun ba? " Sige po, mamimili pa ako ng pagkain ko. "
May mga gwardiya nga sa likod ng gusali, at dahil kilala naman nila ako tuloy tuloy ang paglabas ko.

I bought what I writed on my list - pero naisipan ko dagdagan dahil sa lalaking yun. Baka sa bahay sya kakain? Hindi ko alam kung anong paborito nyang pagkain pero hindi naman siguro ito magrereklamo kung anong ilalapag ko sa mesa. Aba, wala din syang karapatan magreklamo noh!

Tumakbo na lumapit ang ilan sa mga bodyguard ni Fagan ng makarating ako sa likuran ng apartment - at kinuha ang mga dala ko. Hindi pa sila umalis?

" Miss, pwedeng sa susunod magsabi kayo kung aalis o kung saan kayo pupunta? His Highness is mad. Hindi makontak ang cellphone mo kasi. "

Taas ang aking kilay sa narinig. Oo nga pala, nakalimutan ko yung cellphone ko na naka flight mode pa rin hanggang ngayon at nakalimutan ko din mag iwan ng note.

" Hindi pa ba sya umalis? "

Umiling ang isang gwardiya. " Hindi pa. Hinihintay kayo. Kanina pa mainit ang ulo dahil baka mapano kayo. "

Bakit, ano bang mangyayari? Nag radyo ang gwardiya na nakarating na ako kaya sa labas pa lang elevator ay nakaabang na ang ilan. Pinagmasdan ko si Fagan na paroon parito, hindi mapakali. He's wearing a beige color of pants and fitted white shirt. He looks so hot and hard as usual. I mean, bumakat lahat...yung muscles nya.

" Where the fuck did you go? "

Uminit ang tenga ko sa bungad nya. " I went out to buy some fucking things to eat. "
I rolled my eyes to him. Nilapag ang bag sa sofa saka pumuntang kusina para maghugas ng kamay. Tahimik na inayos ang mga pinamili ng hindi ito pinapansin. Bahala sya sa buhay nya kung pairalin nya ang pagka mainitin ng ulo nya.

" At least nagsabi ka. "
Malambing ang boses. Yumakap ito mula sa likod ko, ang baba sa balikat ko nakasiksik.

" Hindi ako nabigyan ng memo na kailangan ko magpaalam sayo. You're not my boyfriend. Kaya pwede ba, sabihin mo na kung bakit ka nandito? Imposible naman na inantok ka lang para makitulog dito. "

Umalis ito sa likuran ko at umupo sa silya, nakaharap sa akin at tinitingnan ang ginagawa ko. Buti nalang marami akong binili dahil hindi lang naman ako o sya ang kakain. His men didn't get enough sleep and maybe food to eat. I doubt if they even have a coffee this morning.

" You're furious. "

Matalim ang tingin ko dito bago ipinagpatuloy ang ginagawa. I made coffee first para sa sandwich na binili ko. At least malamanan man lang ang sikmura nila habang nagluluto ako ng almusal.

" Ilan lahat ng tao mo na nandito? "

" Twenty. Why? "

Ang dami. May death threat na naman ba?

" Tawagin mo yung ilan sa kanila para madala tong sandwich at kape. "

" Why? "

" Why? They're human Fagan. Hindi lang ikaw ang may sikmura. Paano nila magagawa ng maayos ang trabaho nila kung kulang sa tulog at gutom? "

Nakipagtitigan muna ito sa akin saka inabot ang iphone sa tabi nito and called one of his guards. Nilagay ko sa tray ang mga paper cup na may kape,yung iba ay tubig at mga sandwich para madali madala ng mga tao nya.

" Yes, Your Highness? "

" Call someone to help you get this and share for everyone. "
I answered instead. Hindi ito nakapag salita agad, sa halip palipat lipat ang tingin sa akin at sa amo nilang suplado. Hindi ba to marunog ngumiti?

" You heard her? "

Mabilis itong tumango. " Yes, Your Highness. "
Lumabas ito saglit at may mga kasama ng pumasok para kunin ang mga pagkain at kape.

" Pakibalik ng mga tray ko ha? "

" Yes maam...and thank you. "

Ngumiti lang ako. Kumuha din ako ng sandwich para sa lalaking nakatitig sa akin at nilapag sa harap nito kasama ang kape.

" Kumain ka din tapos sabihin mo kung bakit ka nandito. "

Tahimik akong kumain, hinihintay ang sasabihin nya pero wala. And I can't give him all my time and wait for nothing. I made up my mind since yesterday, I'm not going to make myself available everytime he needed me. Titigil na ako sa pag asam na baka he like me. I will focus on myself, on my job and my future ng hindi ito kasama. I made list of what I'm going to do, I am planning to travel abroad alone - isa sa mga bagay na hindi ko na nagawa. I promise myself to treat me well, that not to worry what's in front of me cause I know - malalapagpasan din yun.

After I sipped my coffee nag umpisa na akong magluto ng totoong breakfast.

" I'm sorry about these past few days. I was really busy but that doesn't mean that I didn't think about you. I let them know that I'm not enthusiastic about the throne so that they can move on to the next person who's going to lead this nation in the future. Of course, some are pleased and some are indignant about my decision, some are already trying to bring me down what I worked hard to get things on my own. And I won't let them do all that. Not today, not tomorrow, or in the future. Especially now that I have a plan to settle down. I was making sure that everything is finalized before I came here. And love, you are right. I'm not your boyfriend. "

I snorted. " I know, right. So...."

" You're going to be my wife. You will bear my children. That decision is definitive. Whether you like it or not. "

Ano? Hindi ba dapat kaming dalawa ang made-desisyon?

One Night in DesertWhere stories live. Discover now