Four

98 5 0
                                    

Hans' Diary #4
Despite how this cruel world treated you, you were still able to grow as a warm hearted and kind person.




Sab's been busy for the past few weeks most especially since she's running as First Year Rep of their department. Minsan na lang kami magkita pero lagi kong sinisiguradong sabay kaming kumain ng lunch.

Sometimes I would treat her or she's going to pack some lunch for us and she's such a good cook. Ano bang hindi niya kayang gawin? Parang sa lahat ata ng bagay magaling siya eh.

"You're still here?" gulat na tanong sa akin ni Sab nung makita niya ako kaya ngitihan ko lang siya. Mabilis naman niyang hinubad ang jacket niya at pinasuot ito sa akin.

It's raining that's why I feel a little bit cold. And I love it when she does that— that's why sometimes I don't purposely bring my jacket with me.

"Hans, I told you not to wait anymore. Alam mo naman matatagalan ang meeting namin sa mga ka-group ko hindi ba?" nagaalalang tanong niya sa akin at nahihiya lang akong napangiti ulit sakanya.

I wanna show her that I am fine... that waiting for two hours is nothing for me, what's more important is that I was able to send her home safely.

"I know... I'm sorry. I just wanna make sure you'll be safe at pupunta ka pa sa cafe diba? You'll be more comfortable when I'll drive you home. Mas lalo ka lang mapapagod pag magko-commute ka." sabi ko sakanya pero nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

"Still... that is not enough reason to wait for me until we're done. Promise me you won't do that again." seryosong sabi niya sa akin na ikinatango ko ng dahan dahan ng maramdaman kong lumapit siya sa akin.

"I'm just concerned about you, Hans. Hindi sa lahat ng pagkakataon sa akin ka lang nakafocus. You still have a lot of things to do. Your requirements and upcoming quizzes at imbes na nagpapahinga, nandito ka naghihintay." malungkot niyang sinabi sa kaya naman napatango ako sakanya.

Of course, I understand her side and knowing her she doesn't wanna be a burden to anyone.

"I'm sorry..." sabi ko sakanya at ngumiti naman siya ng bahagya. "You don't have to. Well I am a little bit surprised that I saw you waiting but... please next time, alright?" saka na niya kinuha ang kamay ko para pumunta na kami sa may coffee shop.

Pagkatapos ng shift niya sa coffee shop palabas palang kami ng makita namin ang paglakas ng ulan.

"May payong ka?" tanong ko sakanya at napailing ito sa akin ng kunin ko ang jacket niya at lumapit na parang nakaakbay habang hawak ang jacket niya.

I am a little bit taller than her that's why it was easy to cover her up.

Halos sa tapat lang naman ng coffee shop nakaparada yung kotse ko kaya pinauna ko muna siyang pinapasok saka ako sumunod.

I was trying to start the engine of my car pero ayaw ng makita ko yung fuel na naka warning at naubusan na pala ako ng gas.

Shit! Ngayon pa talaga kung kailan umuulan? Our family driver Kuya Chito keeps checking my car every morning before I use it. Medyo puno din naman kanina at hindi naman malayo yung natakbo ng kotseng ito.

What happened here?

"Should I go get some Taxi?" tanong ko sakanya ng makita kong nililigpit niya yung bag niya. "Sunday naman bukas kaya iwanan na natin mga bag natin dito sa kotse mo baka mabasa lang mga notes at bag natin." sabi niya ng kunin rin niya ang bag ko at ginawa iyon saka nilagay sa may backseat.

I'll just text Kuya Chito to get this car and fill it up so that I can use it tomorrow morning.

"Jeep na lang tayo, masyadong magastos ang Taxi mas lalo pag mautak yung driver." sabi niya sa akin ng lumabas na kaya sumunod ako sakanya. Naglakad kami sa paradahan ng Jeepney papunta sakanila.

Faded Memories [Book I]Where stories live. Discover now