Twenty Two

85 7 0
                                    


Diary #22
What could this be? A strange deeper feeling... It's as if she touch something in my heart that gave some warmth in it.






Pagkatapos kaming ihatid sa suite namin dumiretso na ako sa CR para maligo kasi kanina pa ako nilalamig. It was really a stupid idea to run going to the parking lot. Now it's my fault why I'm stuck here. Napagastos ko siya ng wala sa oras.

Lumabas na ako na bathrobe lang ang damit ko ng makita ko siyang nakaabang sa akin sa may door. She's still here? Are we going to spend the night here together? Right. Baha rin pala yung daanan papunta sakanila siguro naman pag gising namin huhupa na iyon. Hindi naman malalim yung baha eh.

"Where's your clothes?" tanong niya sa akin at tinuro ko ang loob ng CR. Ngayon ko lang napansin na naka bathrobe din pala siya at may dalang white na basket.

"Wala ng open na mall o kaya convenience store na pwedeng pagbilihan ng damit na pwedeng gamitin natin kaya ipapalaba ko na lang ang damit natin. Don't worry we'll get it after an hour or two." sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako.

"Nagshower ka na?" nagtatakang tanong ko naman na ikinatigil niya sa pagpasok sa CR. "Oo dun sa may room." sagot naman niya ng matauhan ako sa gagawin niya.

"Ako na." pagharang ko sakanya sa may door at sinubukang kinuha ang basket saka pumasok na sa loob ng CR. Come to think of it this is our first time spending a night together.

And this is not just a normal sleepover or something but we're stuck in a hotel with no fucking clothes. Ugh! Why do I even feel nervous huh?

Hinga, Erin! Kalma. So what if we're alone in this big VIP suite? So what, right? Itutulog ko na lang to. Teka! Ilang room ba to? Fuck! I hope it's two because it would be really awkward sleeping beside her.

Teka— awkward?

At bakit?

Nagtatabi din kami nila Yanna, Rielle at Tori matulog ah?

Hays. Bahala na!

Pagkalabas ko nakita ko siya kinakausap siya ng isang staff at napatingin sila sa akin ng maramdaman ako. Kinuha niya yung basket at binigay dun sa babae na kausap niya saka na ito umalis.

"Kain na tayo. I am pretty sure you're hungry right now." ngiting sabi niya sa akin at sumakto pa talaga na tumunog ang tiyan ko. What a nice timing. Kakain sana kasi kami pagkatapos namin ng disneyland pero hindi natuloy dahil sa panirang ulan na yan.

Naiilang naman akong sumunod sa kanya papunta sa may dining area. She's so sexy with her wet hair with plain gold and white bathrobe. Hindi pa makapal ang bathrobe ng Hotel na to. Manipis lang kaya kitang kita mo ang hubog ng katawan niya.

Why am I acting like a pervert right now? She really has a good body line. I bet a lot of girls or even models would be insecure with her body. Does she work out though?

"Hon." tawag niya sa akin na ikinabalik ko sa realidad. Napatingin ako sakanya at sa may table. There's a lot of food. Steak, seafood, wine and sweet deserts. Hmm. Naganahan ako bigla kumain.

Tahimik kaming pareho na nagsimulang kumain. I don't know if I'm the only one who feel awkward right now. Ni hindi ko nga alam kung paano simulan ang simpleng conversation sa kanya eh. Ano nga bang pag uusapan namin?

Nakakabingi tong katahimikan ngayon na nakapalibot sa amin. Napatingin ako sa kanya at mukhang wala rin naman siyang balak magsimula ng pag uusapan. She's just calmly eating her food. Minsan mapapatingin sa akin at kapag titingin ako sakanya, iiwas naman siya. Gosh! I'll just eat then.

I really can't bear this fucking silence anymore.

"Nagpaalam ka ba kila Manang baka nag aalala na sila?" pagsisimula ko at napatingin naman siya sa akin. Hindi ko alam pero pag napapatingin din siya sa akin parang ako rin yung nawawalan ng lakas para titigan siya pabalik.

Faded Memories [Book I]Where stories live. Discover now