Twenty Seven

88 6 0
                                    

Diary #27
I felt relieved to see her but I am still anxious.





Hanggang ngayon litong lito parin ako kung aalis na ba ako o hihintayin ko na lang na umuwi muna kami. I tried tracing my point finger from her forehead until her nose. "What should I do, Hans?" I softly whispered to her even though I know she won't be able to hear me because she's sleeping peacefully.

Bakit ba ang hirap hirap mong iwasan? Bakit ba ang hirap hirap mong itaboy? I tried my best to avoid you for Sabrene. I wanted to avoid because I am not Sabrene. I am not the one you really need.

Naramdaman kong gumalaw siya ng onti saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kaya mas napalapit ang mukha ko sakanya. Huminga na lang ako ng malalim at pinilig ang ulo ko. I wanna throw away those negative thoughts in my mind right now.

Bahala na.

Siniksik ko ang ulo ko sa may leeg niya at ipinikit ang mga mata ko. I'll just try to sleep for now.

Nagising ako ng maramdaman kong wala na siya sa tabi ko, halos maramdaman ko ang kaba at panlalamig sa buong katawan ko kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto. "Hans?" tawag ko sakanya pero walang sumasagot.

Fuck. Where did she go?

Where are you, Hans?

"Hans?" I checked her in the kitchen but she's not there also. "HANS?" I can even feel my voice trembling. Shit. Paano kung alam na niya ang totoo? Paano kung nagising siya tapos nakita niyang hindi ako si Sab? Paano kung gusto niyang gumanti sa pang iiwan ko sakanya?

"Hans??" I called her as my voice almost broke down. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Ganito ba yung nararamdaman niya tuwing iniiwan ko siya?

Kasi nakakatakot.

Sobrang nakakatakot. Mas lalo na kung kinakain ka ng mga masasamang iniisip mo.

Nagulat na lang ako ng biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito si Hans. She's holding a food tray and smiled at me as soon as she saw me. Mabilis naman akong lumapit sakanya para yakapan siya. "Woah. Hon, wait lang... baka mahulog tong breakfast natin." sabi niya sa akin pero mas hinigpitan ko ang pagkakayakap.

Bakit ako kinabahan dun?

Bakit ako natakot?

"Are you okay?" malambing niyang tanong sa akin at tumango na lang ako sakanya. Binigyan ko siya tipid na ngiti kahit hanggang ngayon ramdam ko parin ang kaba at lamig sa buong katawan ko. I felt relieved to see her but I am still anxious.

Pagkatapos namin kumain nag ayos na kami para bumalik na. "This is our first trip that you haven't took any videos." biglang sabi niya ng pababa kami ng hotel.

Kabado naman akong tumingin sakanya. "Ah... ano kasi... biglaan kaya hindi ko naidala yung camera." sagot ko naman sakanya. "You have your phone with you and you like to record more the unplanned trips." dagdag niya at tumango na lang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Can I borrow your phone?" tanong niya at napahawak naman ako ng mabuti sa phone ko. "Why?" nagtatakang tanong ko. "I wanna watch our old diary vlogs." sagot niya sa akin.

Shit.

"Uh... lowbat eh." sagot ko naman na ikinatingin niya sa akin saka sa phone ko na hawak ko. It's as if she's watching my reaction. Kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi pero tumango na lang din siya.

Tahimik ang naging byahe namin at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako saka ko naramdaman ang pag gising sa akin ni Hans.

"Nasaan tayo?" tanong ko sakanya at inilibot ko ang tingin ko. This not a familiar place. Where are we? "May nadaanan kasi tayong simbahan kaya naisipan kong dalawin natin." sabi niya sa akin at bumaba na ng pagbuksan niya ako ng pinto.

Faded Memories [Book I]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin