Sixteen

73 6 0
                                    


Diary #16
Her hot as hell kisses felt like heaven and at the same time, a sin.





I opened her cabinet to get the medicine kit while she's quietly watching my moves. She's staring at me as if I'll disappear if she blink her eyes. Now I really feel bad for not visiting her in two weeks.

Dahan dahan akong lumuhod sa harap niya para gamutin ang paa niyang naka apak ng mga babasaging plato o vase. Mabuti na lang walang pumasok sa loob mismo ng paa niya o baka natanggal niya.

"You really perfectly fit to become a doctor." biglang sabi niya sa akin kaya napatigil ako sa pag gamot sakanya. If only I can achieve that dream, Hans. Sadly the only thing I can reach is to be a nurse but I already accepted my fate. Masaya naman ako bilang nurse eh.

Pinagpatuloy ko ang paglilinis sa sugat niya hanggang sa tinakpan ko ito ng gauze. "I remember the day you tried to clean my wound too." sabi niya sa akin ng maalala ko ang kwento niya sa diary niya nung napaaway siya sa Club kaya ginamot ito ni Sab.

It's like a dejavu huh?

Pagkatapos kong ginamot ito hinaplos ko ang paa niya. I don't know but whenever I'm done treating someone's wound there's just a satisfactory feeling in my heart. I smiled as I stand up and started cleaning her mess.

"Ako na..." rinig kong sabi niya sa akin ng makita kong tutulong siya sa paglinis pero pinigilan ko siya. "May sugat ka at baka masugatan ka ulit." sabi ko sakanya ng may tinawagan siya at tumaas ang ibang maids niya para maglinis.

"That's not your job." sabi niya sa akin ng may makita akong nagprepare ng mga damit niya at pangligo niya sa may CR. "Can you help me wash my hair?" biglang pagpacute niya sa akin ng tumayo ulit siya at umakbay sa akin na parang nakasandal.

Ano daw?

"Let's go." rinig kong bulong niya ng itulak niya ako kaya naman hinawakan ko siya at baka matumba siya ng makita ko ang pagngiti niya. Why is she suddenly smiling? She looks so grumpy awhile ago.

What's with the sudden change of mood?

Pagkapasok namin sa loob ng CR umalis na yung isang maid niyang nag ayos ng gagamitin niya sa pagligo. Buhok lang ba talaga o baka naman buong katawan?

"I can't take off my pajama." hirap niyang sinabi na ikinagulat ko. Bakit may tangalan ng pajama dito? Akala ko ba buhok lang? Buhok lang, diba?

"Yung paa mo lang naman may sugat." I said in my awkward tone of voice while looking at the bathtub or at the floor. Shit. I can't look at her.

Ipinakita niya sa akin ang palad niyang may sugat. May onting dugo pero tumigas na. Seriously? Ano na naman bang ginawa niya?

"I'll go get the medicine kit." sabi ko at tatalikod na sana ng hawakan niya ang kamay ko. "Pero maliligo ako... mababasa lang yung gauze. You can just treat me after my bath." casual niyang sinabi sa akin.

Maliligo daw siya? Pero nandito ako?Kasama ako?

Papaliguan ko?

Ganon?

I tried bathing my blockmates because of our return demonstration but that was a bed bath. She's still wearing her own clothes while I am just wiping her upper and lower extremities. And that was it.

Iba yung sitwasyon ngayon.

Ibig sabihin tutulungan ko siyang maghubad?

Shit.

Ipinakita niya ang kamay niya sa akin. It's as if she giving me signal to take off her clothes. Dammit!

Lumapit naman ako sakanya, ramdam ko ang tingin niyang ayaw niyang putulin kaya tumingin ako sa may floor at sinubukang abutin ang pajama niya hanggang sa mahawakan ko ang butones nito.

Faded Memories [Book I]Where stories live. Discover now