Kabanata 12

207 22 17
                                    

Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Cristina dahil may lakad daw kami ni ina. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya hanggang ngayon halatang inaantok pa rin ako. Pero wala naman akong nagawa kundi ang bumangon at maligo.

As usual, pagkatapos kong maligo, meron na agad na nakahandang damit sa ibabaw ng higaan. Pero medyo napasimangot ako nang makita ang isang asul na baro't saya. Hindi pa ba pinapanganak ang nag-imbento ng pantalon na pambabae?

Don't get me wrong. Komportable na akong magsuot ng baro't saya ngayon. Hindi naman kasi ganon kainit dahil iba naman ang klima sa panahong to. Di pa uso ang climate change at global warming. Pero minsan, may mga araw talagang gusto mo na lang magsuot ng pantalon. Ilang beses na kasi akong natisod at muntik madapa dahil sa haba ng saya.

"Señora, hinihintay na po kayo ni Doña Esperanza sa labas. Nakahanda na rin po ang kalesa na inyong sasakyan patungo sa tahanan ng mga Villavicencio," sandali akong natigilan nang marinig yon mula sa isa pa naming tagasilbi.

"Sa mga Villavicencio?" paglingon ko kay Cristina nang matapos niyang ayusin ang buhok ko.

"Opo, Señorita. Isa raw po kayo sa mga inimbitahan ni Doña Victoria sa kanilang tahanan. Madalas po itong ginagawa ng asawa ng gobernadorcillo. Iniimbitahan niya po ang iilang kababaihan sa bayan upang magburda at makipagkuwentuhan habang nag-tatsaa," paliwanag ni Cristina na para bang napaka-big deal ng pupuntahan namin ni ina.

"Mas mabuti po kung magtungo na po tayo sa ibaba. Paniguradong nasa kalesa na po naghihintay ngayon ang inyong ina," napansin ko namang suot pa ni Cristina ang luma niyang baro't saya. Ito kasi ang palagi niyang suot kung buong araw lang siyang mananatili at tutulong sa paglinis ng bahay.

"Hindi ka ba sasama?" mabagal na umiling si Cristina at napangiti lang ng kaunti sa harap ko. Pero sa kabila ng ngiting yon, napansin ko ang konting lungkot sa kaniyang mga mata.

"Paumanhin, Señorita. Ngunit hindi po ako makakasama sa inyo. Tanging mga kababaihan lang po galing sa pamilya ng mga principales at illustrados ang karaniwang iniimbita ng asawa ng gobernadorcillo," paliwanag niya.

Dahil sa pagiging abala sa misyon ko para makapabalik sa kasalukuyan, tila nakalimutan ko ang sitwasyon ng karamihan dito sa nakaraan.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang matandaan ang diskriminasyong nararanasan ngayon ng mga katulad ni Cristina dahil sa caste system na umiiral ngayon sa bansa.

Mga 'indo' ang tawag sa kinabibilangang estado ni Cristina at ng karamihan sa mga Pilipino. Sila ang mga mamamayang walang lahing Espanyol.

Dahil sa pananatili ko sa El Sueño, nalaman ko rin na ang lola ni Don Karlos Alferos ay isang dating tagasilbi sa tahanan ng isang pintor na galing sa Espanya. Despite their differences, nahulog daw ang loob nila sa isa't-isa at nagpakasal.

Pero hindi naging madali ang buhay nilang mag-asawa. Nag-umpisa sila sa pangangalakal ng mga murang paintings hanggang sa tuluyan ng nakilala ang pangalang Alferos sa larangan ng sining. Malaki rin ang kontribusyon ng pagiging Espanyol ng lolo ni Don Karlos, at isa ito sa mga dahilan kung bakit tuluyan ng nagkaroon ng mataas na estado ang pamilya Alferos sa lipunan.

"Ako'y mauuna na po sa ibaba. Ipapaalam ko lamang po sa inyong ina na pababa na rin po kayo," magalang na pagyukod ni Cristina at nauna na ngang lumabas ng kwarto.

Tinignan ko naman ulit ang mukha ko sa salamin bago sundan si Cristina sa baba. Pero agad akong natigilan nang madaanan ang katabing kwarto. Sa pagkakataong yon, naalala ko bigla ang pag-uusap namin ni ama. Hanggang sa makasakay ako sa kalesa, hindi nawala sa aking isip ang mga nalaman ko tungkol kay Karina.

May kinalaman ba talaga siya sa painting na nagdala sa'kin dito? At kung tama nga ang hinala ko, bakit wala ang painting na'yon sa art room kung saan sila madalas na nagpipinta ni Don Lorenzo? And if that painting really exists dito sa El Sueño, kailangan ko 'tong mahanap sa lalong madaling panahon. That mysterious portrait might also be the key para makabalik ako sa kasalukuyan.

El SueñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon