Cerra POV
Dito na kami ngayon ng anak ko sa kwarto na nilaan samin ni Agatha. Kadarating lang namin kaya naisipan ko munang magpahinga bago namin ikutin ang resort.
Mahaba din kasi ang naging byahe namin kaya nakatulog si Cassey sa byahe, kawawa naman ito kung gigisingin pa niya para lamang maglibot. Isang linggo pa naman silang mamamalagi duon kaya madami pa silang oras para maglibot. Saka napagod din siya sa naging byahe nila kaya mabuti pang tabihan niya nalang muna si Cassey sa kama.
Hinalikan niya muna ang noo ng nahihimbing niyang anak bago niya ito tinabihan. Agad naman siyang nakatulog.
Nagising siya sa mahihinang tapik sa kanya ni Cassey.
"Mama gising na ikaw, swimming na tayo."
"Anong oras na ba?" tanong ko saka ko tiningnan ang orasan na nakasabit sa pader. Tatlong oras din pala akong nakatulog.
"Kanina kapa ba nagising Cassey?" tanong ko saka ako bumangon.
"Opo naglaro na nga po kami ni Barbie, inip na nga po siya eh!" sagot nito habang hawak ang manika na si Barbie.
"Ganun ba, sandali lang papalitan lng kita ng damit at magpapalit narin ako, pagkatapos lalabas na tayo.
"Yehey!"excited na sabi ni Cassey.
Mabilis kaming nagpalit ng damit saka ko dinala si Cassey sa labas.
"Cerra tamang tama gising na kayo tara kumain na tayo ng tanghalian, nagpaluto ako ng mga masasarap na pagkain. Nandun narin sila Rose kayo nalang ang inaantay namin." Sabi ni Agatha.
"Hindi niyo na sana kami inantay" nahihiyang sabi ko.
"Ok lng yon noh! Tara na!" Sabi nito sabay akay sakin.
"Cerra halika dito kayo maupo sa tabi namin" aya ni Rose katabi nito ang asawa nito.
"Sige" sagot ko saka ko inupo si Cassey sa tabi ko.
" Mabuti naman at nakasunod kayo dito Cerra, ang ganda ng resort na to."masayang sabi ni Rose.
" Muka nga, mukang hiyang kayong mag asawa dito ah!" puna ko sa kanila, napansin ko kasing naging mas close sila at mas naging sweet.
"Hahaha oo nga!"kinikilig na sabi ni Rose.
" Eh panong hindi mahihiyang yang dalawa na yan eh parang mga teenager di mapaghiwalay. Sa ganda ba naman ng resort kong to ewan ko nalang kung hindi pa magustuhan ni Rose to. Baka nga this year magkaroon na tayo ng inaanak sa kanya."tatawa-tawang sabi ni Agatha.
"Hahaha oo nga" sang ayon ko.
" Naku wag niyo na kaming pansinin, kumain nalang tayo ang sasarap ng pagkain dito." sabi ni Rose.
"Oo nga ang galing magluto ng chef niyo dito." puri ko habang kumakain.
"Syempre pumili ako ng magagaling na chef para sa resort kong toh! Ayoki namang mapahiya sainyo.
"Naku kahit ikaw lang yung nagluto masaya na kami don."nakangiti kong sabi habang tinutulungan kong kumain si Cassey ng hipon.
"Hahaha kaya love na love ko kayo eh, kahit pinag eksperimentuhan ko lang yung niluto ko kinakain niyo parin.
"Ganun talaga pag magkakaibigan"nakangiti kong sabi ky Agatha. "Oo nga pala nasaan ang asawa mo?" Tanong ko.
"Nasa meeting siya ngayon, kasama niya ang lalaking ipapakilala ko sayo.
"Oo Cerra, isang beses ko palang nakita yung guy na yun pero grabe ang gwapo." kinikilig na sabi ni Rose, agad naman na napasimangot ang asawa nito.
"Naku tigil-tigilan niyo nga ako sa pagiging cupid niyo. Rose asikasuhin mo nalang yung asawa mo."mejo inis na sabi ko.
"Ikaw naman masyado kang pikon." "Sweetheart wag kang magselos para sakin ikaw parin yung pinakagwapo sa lahat." suyo ni Rose sa asawa nito na nakasimangot. Tinangka nitong subuan ng steak ang asawa nito pero umiwas lang ito. "Sweetheart naman wag ka ng magtampo love na love kaya kita."
Natatawang pinagmasdan nalang namin siya.
..........................................
Nandito kami ngayon sa dagat, kasalukuyan kaming nagsuswimming.
"Mama pwede ba kong pumunta dun"tanong ni Cassey sabay turo sa gawi ng mga bata na gumagawa ng sand castle.
"Ok sasamahan nalng kita."sabi ko.."Iwanan ko muna kayo ha!"paalam ko kila Rose.
"Sige, ako din aalis muna baka tapos na yung meeting ng asawa ko saka siguradong pauwi na ngayon ung anak ko galing sa mga lola niya." Sabi naman ni Agatha.
" Sige kami nalang muna dito ng sweetheart ko."
"Sige "magkasabay naming sabi ni Agatha saka ko sinundan si Cassey na nauna nang umahon.
"Mama gawa din tayo nun"sabi sakin ni Cassey habang nakatingin sa mga batang gumagawa ng ibat ibang hugis mula sa buhangin.
"Oh sige,anu ba gusto mong gawin natin?"tanong ko saka ako umupo sa buhangin.
"Castle po."
"Oh sige yung nalang gagawin natin."sabi ko saka ko inumpisahang gumawa ng castle.
Ilang minuto ang lumipas pero paulit ulit lang na gumuguho yung ginagawa namin.
"Naku anak kahirap palang gumawa nito." Pinagpapawisang sabi ko. "Sigurado kabang Castle ang gusto mong gawin natin?
"Opo mama, yun po gusto namin ni Barbie. Para po may bahay si Barbie."sagot ni Cassey.
"Naku e mabuti pa siguro pumunta muna ko dun sa hotel manghihiram muna ko ng gamit para sa pag gawa nito."sabi ko sabay tayo. "Halika muna Cassey balikan nalang natin yan mamaya.
"Ayoko mama, iwan mo nalng muna kami dito ni Barbie. Laro nalang muna kami."
"Sigurado ka?"
"Opo"
"Ok sige pero promise mo sakin ha dika aalis sa pwesto mo, saglit lang ako promise!
"Opo mama."
"Ok"sabi ko sabay lakad paalis.
Medyo natagalan din bago ako nakabalik, tumawag kasi si Nanay tinatanong ako kung ok lng daw ba kami dito. Nagpunta din kasi ako sa kwarto nmin ni Cassey para kumuha ng sunblock.
Pagbalik ko sa pinag iwanan ko ky Cassey ay nagulat ako sa aking nakita. Hindi nag iisa ang anak ko, my kasama siyang matangkad na lalaki sa pag gawa ng sand castle..Ang mas nakakagulat pa nung humarap ito.....Agad na nalaglag ang bitbit ko ng makilala ko ang matangkad na lalaking yon..
Oh no! Bat dito pa siya nagpakita? Bakit niya kasama ang anak ko? Alam na ba niya? Yan ang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanila.
Bitinin ko muna kayo sa next update ko malalaman niyo na kung sino yung lalaking nakita ni Cerra.
sarahjoy00