This chapter is dedicated to robierocampo, tnx sa pag vote at sa comment!
Cerra POV
Napatitig ako sa lalaking ngayon ay nakatingin sakin. Lalapitan ko ba siya at yayakapin o tatakbo ako at iiwanan ko ang anak ko na kasama niya.
Hindi pa ko nakakapagdecide kung anu yung pipiliin ko sa dalawa nang biglang lapitan ako ni Cassey.
"Mama! Mama! look oh! Ok na yung castle ko." excited na sabi ng anak ko habang hinihila ako palapit sa lalaking nakatingin sa amin.
"Hahaha oo nga" kinakabahang sang ayon ko.
"Mama tinulungan niya po ako" sabi ni Cassey sabay turo sa lalaking matamang nakatingin samin.
"Salamat"sabi ko sabay akay sa anak ko. "Halika na anak, dun na tayo sa hotel." nagmamadaling sabi ko.
"Pero lalaro pa po kami ni barbie." reklamo ng anak ko.
"Next time ka nalang maglaro dito, dun nalang kayo maglaro ng barbie mo sa room natin, ok!"masuyong sabi ko sabay hila sa kanya.
Nagpahila naman ang anak ko. Malayu layo narin ang nalalakad namin ng maramdaman kong my humawak sa kamay ko..kinakabahang nilingon ko kung sino yon.
"Cerra!"hinihingal na sabi ng lalaki.
"Bitiwan mo ko."
"Let's talk"sabi nito.
"Wala na tayong dapat pang pag usapan, lumayo na ko sa inyo kaya please kalimutan mo ng nakita mo ko dito."mariing sabi ko sabay hila ng kamay ko na hawak niya. Muli kong hinila ang anak ko palayo sa kanya ngunit muli akong pinigilan ng lalaki.
"My dapat tayong pag usapan."galit na sabi nito
"Wala na sabi eh!" Inis na sabi ko.
"Meron! Bat di mo sakin sinabi ang tungkol sa kanya!" galit na sabi nito.
"Anung tungkol sa kanya?"kinakabahang tanong ko.
"Wag ka ng mag maang maangan pa alam kong alam mo kung anu ang ibig kong sabihin."sabi nito habang mariing hawak ang kamay ko.
"Bitiwan mo nga ako, nakakasakit kana ah!"sabi ko habang pilit hinihila ang kamay ko.
"Hindi kita bibitawan hangga't di mo sakin pinapaliwanag kung bakit umalis ka, kung bakit di mo sakin sinabi ang tungkol sa anak natin!" mariing sabi nito.
"Anu bang sinasabi mo? Wala tayong anak!" kaila ko.
"Wag ka ng magsinungaling pa, kahit ikaila mo pa ang katotohanan ay kitang kita naman ang ebidensya na anak ko siya" sabi nito saka binitawan ang kamay ko.
Agad nitong nilapitan si Cassey sabay yakap dito." Anak ko!" Mababakas sa mukha nito ang kasiyahan at pangungulila.
" Mama!" nagtatakang tumingin sa akin ang anak ko. Nagtataka siguro ito kung bakit ito niyakap ng lalaki at tinawag pa itong anak.
"Bitawan mo siya" inis na sabi ko sabay hatak sa anak ko.
" Cerra!"inis na sabi nito sakin.