Chapter 48

2.9K 51 4
                                    

        This chapter is dedicated to ladyleedeece dahil nagrerequest siya ng update. Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag update. Ah sa totoo niyan di q pa sure kung ilang chapter yung aabutin nito mahirap naman kasing magsalita ng tapos. Ang masasabi ko lang po ay malapit na talaga itong matapos. Sisikapin ko nalang na bilisan ang update.


Cerra POV

  Gumagayak ako ngayon, inaya kasi ako ni Lance na mag dinner. Medyo late na nga ako dahil ngayon lang ako nakauwi. Ang dami ko kasing ginagawa ngayon sa shop kaya hindi ko maiwan iwanan. Kanina pa nga nagtetxt at tumatawag sakin si Lance para itanong kung nasan na ko.

"Hello honey nasan kana?"tanong sakin ni Lance.

"Dito pa ko sa bahay."sagot ko habang nagsasapatos.


"What! Bat nandyan kapa? Kanina pa ko nag aantay sayo."inis na sabi ni Lance.


"Sorry naman hayaan mo palabas na ko sa bahay."sabi ko habang nagmamadaling isara yung pinto ng kwarto ko.


"Ok hintayin nalang kita dito. Bilisan mo ha!" Inis na sabi ni Lance saka pinatay ang tawag.

"Anong problema non?"bulong ko.


"Ikaw kaya ang pag antayin ng matagal ewan ko nalang kung hindi ka mainis!"sagot ng konsensya ko.


"Hmmm kaya nga nagmamadali na ko e."bulong ko saka ako naglakad napahinto ako ng madaanan ko yung kwarto ni Cassey.


"Masilip nga muna saglit ang anak ko."bulong ko saka ko binuksan ang pinto ng kwarto niya.

   

   Pagkabukas ko ng pinto ay nagtaka ko sa aking nakita, wala ang anak ko sa kanyang kama maging ang yaya nito ay wala rin.


"San kaya nagpunta yon, gabi na hindi pa kaya sila natutulog?"nagtatakang tanong ko saka ako pumunta sa kwarto ni Nanay.


     Kumatok ako ng ilang beses pero hindi lumabas si Nanay, idinikit ko ang tenga ko sa pinto pero wala akong marinig na ni anong kaluskos sa loob.


"Tulog na kaya si Nanay?"


"Aaaay ate Cerra wala po dyan si Maam.."sabi ng dalagitang anak ng katulong namin.


"Ha nasan si Nanay saka nasaan din ang anak ko?"


"Ah umalis po, isanama ni Maam si Cassey.


"San naman sila nagpunta?"nag aalalang tanong ko.

"Ah hindi ko alam ate, wala pong sinabi si Maam. Naku Maam mukang late na po kayo sa pupuntahan niyo."


"Aaaay oo nga pala"napakamot na sabi ko, nakalimutan kong nagmamadali nga pala ako. "Pag dumating si Nanay paki sabi inaya akong kumain ni Lance sa labas."bilin ko.


"Ah sige ate, ingat kayo."


"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon