Cerra POV
"Masaya ako para sayo Cerra sa wakas makakamit mo narin ang happy ending mo."masayang sabi sakin ni Agatha.
"Thank's hanggang ngayon nga di parin ako makapaniwala na nagpropose na sakin si Lance."
"Dapat lang naman na ikasal kana noh! May anak na kayo ni Lance saka panahon na para lumigaya ka naman. Ang dami nang hirap na nangyari sayo kaya ngayon mukang bumabawi na ang kapalaran, gagawin na niyang happy ending ang love story mo" sabi ni Agatha.
"Hahaha ganun, sana nga magtuloy tuloy nato."
"Mangyayari yon basta iwasan mo lang yung Cloe na yon."singit ni Rose sa pag uusap namin. "Oo nga pala anong pinag usapan niyo ng bruhang yon?"nakasimangot na tanong ni Rose.
"Wag mo namang tawaging bruha si Cloe, kinongratulate niya lang ako saka sinabi niya na sasamahan niya ko sa kakilala niyang wedding planner."paliwanag ko.
"At sasama ka naman?"nakataas ang kilay na tanong ni Rose.
"Why not? Wala naman sigurong masama kung magpatulong ako sa kanya diba?"
"Anong walang masama? Masama yon noh! baka mamaya isabotahe pa niya yung wedding mo."inis na sabi sakin ni Cloe.
"Eh kanino ako magpapasama? Ayoko namang abalahin pa si Lance dito."
"Eh anong ginagawa namin, pwede ka naming tulungan ni Agatha sa pagpaplano ng wedding niyo."
"Rose baka naman nakakalimutan mo na buntis ka na, hindi maganda sayo ang magpagod dapat nga hindi ka muna mag trabaho."sabi ko.
"Oo nga Rose."segunda ni Agatha.
"Kahit na, gusto ko paring tumulong saka ayoko namang tumigil sa trabaho dahil siguradong maiinip lang ako sa bahay."tanggi nito.
"Kulit mo talaga!"napapailing nalang na sabi ko.
"Honey mukang nagkakasayahan kayo ah!"sabi ni Lance sabay akbay sakin.
"Hahaha medyo." naiilang na sabi ko, hindi parin kasi ako sanay sa mga gesture ni Lance.
"Buti pa kumain muna tayo, kumakain na sila don."aya samin ni Lance.
"Sige kanina pa nga nagugutom ang baby ko."sabi ni Rose sabay hipo sa tiyan nito.
"Buntis ka?"gulat na tanong ni Lance kay Rose.
"Oo"ngiting ngiti na sagot ni Rose.
"Kelan niyo pa nalaman?"tanong muli ni Lance.
"Kahapon lang, tuwang tuwa nga ako ng malaman ko na nakabuo na ulit kami ng sweetheart ko, sa wakas masusundan narin namin si Hazel."
"Wow nakakainggit naman kayo, honey gayahin natin sila."nakangiting baling sakin ni Lance.
"Anong gagayahin natin?"
"Gumawa na rin tayo,hehehe"
"Baliw! dalawa na ang anak mo wag muna nating sundan saka maliit pa si Cassey."namumulang sabi ko.