Cerra POV
Mabilis na naasikaso ang kasal namin ni Lance sa tulong ng mga bff ko. Ilang araw nalang ang hinihintay bago ang kasal namin kaya sobrang excited na ko.
Grabe ganito pala yung feeling pag malapit ka nang ikasal, halo-halong saya at kaba ang nararamdaman ko. Super excited narin si Lance sa nalalapit naming kasal. Pati sila Nanay masaya rin para samin.
Nandito ako ngayon sa restaurant sa loob ng mall. Inaantay ko si Cloe dahil hiniling niya sakin na magkita daw kami bago siya umalis papuntang ibang bansa. Nagulat nga ako ng malaman ko na hindi siya makakarating sa kasal ko.
"Cerra kanina kapa ba? Pasensya na medyo nahuli ako."paumanhin ni Cloe. Naupo ito sa tapat ng upuan ko.
"Naku ok lang, medyo nawili naman ako sa pagtingin tingin dito kaya di ko napansin na wala kapa."
"Ganun?"nakataas ang isang kilay na sabi ni Cloe. "Umorder kana ba?"biglang tanong nito sakin.
"Hindi pa"
"Waiter!"tawag ni Cloe sa waiter na nasa malapit..agad naman itong lumapit at inabot samin ang hawak nitong menu.
"Umorder kana"utos ni Cloe sakin pagkatapos nitong umorder.
"Hindi pa naman ako nagugutom, juice nalang ang sakin."sabi ko sa waiter.
"Dagdagan mo pa ng isa pang salad yung order ko."utos ni Cloe.
"Ok Maam, yun lang po ba?"magalang na tanong nito samin.
"Oo yun lang bakit may iba paba kong sinabi bukod don?"inis na tanong ni Cloe sa waiter na tila nagulat sa katarayan ng customer."Alis na!"taboy ni Cloe sa waiter with matching kumpas pa na waring may binubugaw na langaw.
"Cloe hindi mo dapat siya ginanun, nagtatrabaho lang naman yung tao."naaawang sabi ko.
"Eh tatanga tanga kasi, wag mo na ngang ipagtanggol yun."inis na sabi ni Cloe.
"Ah! Cloe ba't mo nga pala ko pinapunta dito?"pang iiba ko sa usapan.
"Gusto lang kitang kamustahin kaya inaya kitang magkita tayo dito
Ayoko naman nasa shop mo pumunta dahil alam ko naman na bantay sarado ka ng dalawang aso..ah este ng friend mo pala. Ano nga bang pangalan ng dalawang yon?"
"Rose and Agatha."sagot ko hindi ko na pinuna ang pagkakasabi nito ng aso kila Rose mukang hindi naman nito sinasadya yon.
"So Rose and Agatha pala ang pangalan nila, matanong lang kita ganun ba talaga sila?"
"Anung ganun sila?"naguguluhang tanong ko.
"Yung laging nakabantay sayo tapos kung makatingin akala mo babalatan ako ng buhay.
"Mababait ang mga kaibigan ko hindi ko nga lang alam kung bakit ang init ng dugo nila sayo. Siguro dahil hindi kapa nila kilala."sabi ko sabay inom ng juice na kaseserve lang samin.