This chapter is dedicated to noemi_ira dahil nilagay niya sa reading list niya yung story ko, thank you very much noemi_ira.
Happy reading!
Cerra POV
Kanina pa ko kinakabahan dito ano na kayang nangyayari sa baba, gustong-gusto ko nang bumaba kaya lang baka magalit sakin si Lance. Kabilin bilinan pa naman niya sakin na wag na wag akong bababa.
Kalahating oras din ang lumipas bago may kumatok!
tok! tok! tok!
Agad ko namang binuksan ang pinto sa pag aakalang si Lance yung kumakatok pero nagkamali ako dahil si Maria ang napagbuksan ko.
" Ma'am Cloe... ah este Ma'am eto na po pala yung breakfast niyo. Pasensya na po kung ngayon ko lang nadala yung pagkain niyo. Nagkagulo po kasi sa baba."
" Ha anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.
" Mukang inatake po kasi si Senyora" sagot ni Maria na halatang naiilang sakin. Dahil siguro sa nalaman niya na hindi ako si Cloe.
" Bakit muntik nang atakihin si Mama?"
" Eh hindi ko po masyadong naintindihan yung pinag uusapan nila. Narinig ko lang po na nag aaway sila tapos po tinawag ni Sir Lance si Manang para madala si Senyora sa hospital.
" Ganun ba, pwede ba kong pumunta sa hospital na pinagdalhan kay Mama?
" Naku Ma'am kabilin bilinan po ni Sir Lance na wag kayong paaalisin baka po kasi mamaya makita na naman kayo ni Ma'am Cloe baka sabunutan na naman kayo nun."
" Si Cloe nasan na siya?"
"Umalis na po siya pagkaalis ni Sir Lance. Ma'am pwede ko po ba kayong tanungin?" nag aalangang sabi ni Maria.
" Ok lang mag kaibigan naman na tayo. Ano ba yon?" nakangiti kong tanong sa kanya.
" Nagtataka lang kasi ako kung hindi ikaw si Cloe, sino ka?" naguguluhang tanong niya sakin.
Huminga muna ko ng malalim bago ko nag salita. " Ako si Cerra" umpisa ko saka ko kinuwento sa kanya kung pano ko napunta kila Lance.
" Ganun pala, ang hirap naman pala nang nangyari sayo." sabi ni Maria pag katapos kong magkwento. " Ano nang balak mo ngayon?" tanong niya sakin.
" Hindi ko pa alam, hinihintay ko pa kasi si Lance. Mag uusap pa kasi kami tungkol sa ginawa kong pagpapanggap siguro pagkatapos nun aalis na ko dito."
" Ha bakit naman?"
" Hindi naman kasi talaga ako para sa lugar na to, probinsyana lang ako na napadpad dito."
"Pero mahal mo si Sir diba?"
" Oo inaamin ko mahal ko siya pero ngayong nagbalik na ang tunay na Cloe, hindi na ko kailangan dito.
" Eh pano kung mahal karin pala ni Sir?
" Malabo yan, sa tingin ko si Cloe parin ang mahal ni Lance saka kung mahal niya ko hindi parin kami pwede dahil may asawa na siya." nanghihinayang na sabi ko.
" Napaka salimuot naman nang lovelife mo tama lang pala ang ginawa kong hindi muna mag boyfriend sakit lang naman kasi ng ulo yon eh! Ay mabuti pa iwan na kita baka hinahanap na ko ni Manang, sige Cerra kumain kana lalabas na ko.
" Sige"
Lance POV
Nasa hospital na kami ngayon ni Mama nag aalala ako ngayon baka kasi kung ano ang mangyari kay Mama.