Chapter 22

3.7K 91 2
                                    

This update is dedicated ulit sa cousin kong maganda na si Cecille. Ayan tinupad ko na yung promise ko na isasama kita sa story na to. Always support my story.

Happy reading......

Cerra POV

Magkakaharap kaming nakaupo ng  Mama ni Lance sa sala. Kaming dalawa lang ang tao dito sa sala dahil pumasok na si Lance at Lexie. Ang mga katulong naman ay busy sa gawaing bahay.

"Cloe" untag niya sakin.

"Ano po yon"

"Next week ay birthday na ni Lance. At gusto kong tulungan mo ko sa preparasyon. Ok lang ba sayo?" sabi ng Mama ni Lance.

"Ok lang po" sagoy ko.

"Ok ako nang bahala sa mga guest. Alam ko naman na wala kang idea kung sino ang iimbitahin" nakangiting sabi ng Mama ni Lance.

"Sige po"

"Magpalit ka na ng damit, pupunta tayo sa flower shop ng anak ng amiga ko, oorder na tayo ng flower para siguradong may makuhanan tayo ng magagandang bulaklak. Sikat na sikat sila sa flower arrangement kaya dinudumog ang shop niya.

"Ganun po ba, sige po magbibihis na ko para makaalis na tayo kaagad" paalam ko, excited na kong magpunta sa shop na sinasabi ng mama ni Lance, mahilig kasi ako sa mga bulaklak.

Nandito na kami ngayon sa flowershop.Pumipili na kami ng fower na gagamitin sa birthday party ni Lance.

"Ano  tita may napili na po ba kayo" tanong ni Cecille sa amin. Siya yung anak ng kaibigan ng Mama ni Lance,siya yung may-ari ng shop na to.

"Yes! meron na, ito,ito,saka ito" turo ni donya Martina.

"Ang gaganda ng napili nyo tita, ang galing nyo talagang pumili" puri ni Cecille. Ito mismo ang nag assist samin dahil family friend sila nila Lance.

"Hahaha magaganda din naman kasi yung mga flower nyo dito" sagot ni Donya Martina."Saka puro imported na bulaklak ang nasa shop nyo kaya mabiling mabili kayo. Lahat ng variety ng bulaklak nandito na, saka ang ganda pa nang may ari"

"Hindi naman tita" nahihiyang sabi ni Cecille.

Mariin ko siyang tinitigan, tama naman ang mama ni Lance na maganda ang may ari ng shop nato.Para siyang dyosa sa Greek mythology na bumaba sa lupa.

"Invited ba ko sa party ni Lance tita?" nakangiting tanung ni Cecille.

"Yes! hindi pwedeng hindi ka invited, childhood friend ka ni Lance, siguradong matutuwa yon pag nakita ka niya"

"Ako din tita, masyado naman kasing busy si Lance sa company nyo, ako naman dito sa shop ko kaya tuloy di manlang kami magtagpo". natatawang sabi ni Cecille

"Ou nga eh, wait lang ha sasagutin ko lang to" paalam samin ni Donya Martina saka nito sinagot ang tawag.

"Hi!" nakangiting sabi ni Cecille.

"Hello" sagot ko.

"Hindi mo na nga talaga ako naaalala" sabi nito habang nakatitig sakin.

"Ha nagkita na ba tayo dati?" maang na tanung ko.

"Hahaha ou, inaway mo pa nga ako noon eh!" natatawang sabi nito.

"Ba't naman kita inaway?"

"Pinagkamalan mo kasing may gusto ako kay Lance" 

Napatitig ako sa kanya, gusto kong tanungin kung may gusto nga sya kay Lance pero nahihiya ako kaya tiningnan ko nalang  yung mga bulaklak.

"Hahaha... wala akong gusto sa kanya parang kuya lang ang turing kosa kanya noh" sagot ni Cecille na parang nabasa yung iniisip ko ."Alam mo malaki talaga yung nagbago sayo mula nung naaksidente ka"

"Pano mo naman nasabi?" kinakabahang tanung ko, wag niya sanang mahalata na hindi ako ang Cloe na kilala niya.

"Friendly kana kasi ngayon hindi katulad ng dati" sagot nito."Feeling ko ngayon magiging friend na tayo" nakangiting sabi nito saka hinawakan yung kamay ko."Ok lang ba na maging friend tayo?"

"Ou naman noh!" nakangiti ko ring sagot.

"Oh! mukang close na kayo ah!" sabi ng Mama ni Lance, mukang tapos na itong makipag-usap.

"Yes tita, friend na nga kami, diba Cloe?' baling ni Cecille sakin.

"Ah! ou"

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nagpa alam na ang Mama ni Lance.

"Cecille we have to go na, paki sabi nalang sa Mommy mo na kinakamusta ko siya ha"

"Yes tita"

"Saka wag mong kalimutang umattend sa birthday ni Lance, ayain mo na rin yung Mommy mo, pag tapos nang gawin yung invitation ipapadala ko nalang dito"

"Sige po tita, hindi ko po kakalimutan, ingat po kayo. Bye Cloe"

"Bye" paalam ko.

..............................

Vote!

Comment!

Be a fan!

sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon