Chapter 37

3.2K 48 3
                                    




This chapter is dedicated to my new follower bhabybadgirl tnx po sa pag follow!



Cerra POV




" Mama di ka pasok today?" tanong sakin ng baby girl ko na si Cassey.



" Ah hindi eh! dito nalang muna ko sa bahay, si Ninang Rose mo muna yung magbabantay sa shop" nakangiti kong sagot.




"Mama play tayo tatlo ni Barbie" aya nito sakin habang hawak ang barbie doll nito.





" Oh sige pero wait lang ha! tatawagan ko muna yung Ninang mo, promise pag katapos nito mag pe-play na tayo."




Agad namang tumango ang anak ko.




"Yaya ikaw muna yung makipaglaro kay Cassey, may tatawagan lang ako."




"Sige po Ma'am"




Agad kong tinawagan si Rose.




"Hello!" sagot ng nasa kabilang linya.



"Hello Rose, na receive mo ba yung text ko sayo kanina?"




"Ah oo, nasa shop na nga ako inagahan ko ang pasok para mai-display agad yung mga bagong dating na damit.




"Ah ok nandyan na ba lahat yung mga empleyado?"




"Oo nag aayos narin sila, may mga customer na rin tayo"





" Mabuti naman, tumawag nga pala ko dahil may hihilingin ako sayo"




"Ano yon?"





"Ah hihilingin ko kasi sana sayo na kung may magagawing tao sa bahay niyo na hinahanap ako, kung maari sana eh sabihin mo na hindi mo alam."





"Bakit sino ba yung naghahanap sayo?"






"Ang totoo niyan nagkita kami kahapon ng father ni Cassey, eh naisip ko na baka hanapin niya ko mabuti na yung handa diba?"




" Oo sige sasabihin ko din kay Nanay Tilda para kung may pumunta nga dun e maitatanggi niya na dun ka tumira dati."Sabi ni Rose.




"Salamat"




"Wag ka ng magpasalamat maliit na tulong lang yon noh! kumpara sa naging tulong mo samin. Wag mo nalang intindihin yon mag enjoy nalang kayo dyan ng inaanak ko"




"Oh sige salamat ulit bye!" paalam ko saka ko pinatay ung tawag.





Agad kong binalikan si Cassey sa sala, nakikipaglaro parin ito sa yaya nito.





" Sige na yaya, mag day off ka muna, ako nalang muna bahala kay Cassey"



" Talaga po Maam! Salamat po!" tuwang-tuwa na sagot nito.





" Oh ayan pumunta ka sa Mall manood ka ng sine para malibang ka naman." sabi ko sabay abot ng pera.





" Naku salamat talaga Ma'am, aayain ko yung boyfriend ko na mag date kami, naku siguradong matutuwa yon!" na eexcite na sabi nito.





"Oh sige pero pag inaya ka niya kung saan wag kang sasama ha! Baka naman pag balik mo dito ay may pakwan kana sa tiyan"





"Hinding-hindi Ma'am!Hanggang sinehan lang kami noh! Hindi siya uubra sakin dahil pag may ginawa siya sakin sisigaw talaga ko."





"Gagawin mo ba talaga yon?" amaze na tanong ko.





"Aba'y oo Ma'am, may mga pinag aaral pa kong kapatid sa probinsya hindi pa ko pwedeng mag asawa ngayon. Siguro pag napagtapos ko na silang lahat.




"Eh diba 8 kayong magkakapatid saka 5 years old yung bunso

niyo. Baka naman matanda kana e hindi pa sila tapos lahat.





"Hindi naman siguro Ma'am, pero gagawin ko po talaga ang lahat guminhawa lang ang pamilya ko."





"Matupad mo sana yang pangarap mo, sige na tawagan muna yung boyfriend mo para makaalis na kayo"





"Sige po Ma'am" sagot nito saka umalis. Napapailing ko siyang tiningnan.




"Mama play tayo" aya sakin ni Cassey.





"Oh sige" sagot ko saka ko kinuha yung isang barbie.




.....................................................





" Sigurado kabang yung lalaking yon, yung pumunta sa inyo?" naniniguradong tanong ko kay Rose.




"Oo Cerra, sinigurado ni Nanay na yun nga yung lalaki na dating pumunta samin para iupa ka ng matitirhan.




" Pero bakit naman kaya niya ko hinahanap?" naguguluhang sabi

ko.




"Hindi kaya pinapahanap ka ng asawa ng daddy ni Cassey?"




Hindi na ko nagulat sa sinabi niya dahil naikwento ko na sa kanya ang naging buhay ko kila Lance. Ang hindi ko lang sinabi ay ang buong pangalan ni Lance.





"Maaaring siya nga ang nagpapahanap sakin pero bakit naman kaya?"




"Mabuti pa Cerra mag ingat nalang kayo ni Cassey.




"Oo gagawin ko yan, ano ba sinabi ni Aling Tilda nang may nagtanong sa kanya?"




" Ayun tinatanong nga daw kung dun ka parin nakatira. eh ang sabi ni Nanay e saglit ka lang tumira don at umalis karin kaagad. Tinanong pa nga raw siya kung alam ni Nanay kung san ka nakatira. Eh tulad nga nung ibinilin mo sinabi niya na hindi niya alam. Nagtaka pa nga si Nanay dahil nung tinanong niya yung lalaki kung bakit ka hinahanap e agad umalis yung lalaki.





"Hmm hindi kaya hanggang ngayon e galit parin sakin si Cloe. Pero ginawa ko naman yung gusto niya na lumayo ako. Bakit kailangan pa niya kong hanapin?"




"Eh baka naman di talaga sila nagkabalikan ni Lance."




" Rose sigurado ko sa nakita ko na nagkabalikan sila, tandang-tanda ko pa yung araw na yon, yun yung araw na sasabihin ko sana kay Lance yung tungkol sa pinagbubuntis ko pero dahil sa nakita ko ay nagbago ang desisyon ko.







Nakita ko kasi silang...




Bitin!!!!!



A/N:

Sa next chapter po yung flashback ni Cerra. Mag uumpisa po yung flashback niya mula nang magkita sila ng Nanay niya hanggang sa puntahan niya si Lance.

vote!


comment!


be a fan!



.........sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon