Chapter 5

4.7K 86 2
                                    

Kasalukuyang bumabyahe sila patungong Tagaytay nasa backseat siya kasama si Lexie na nakatulog na...at nakapatong ang ulo sa kandungan niya.

Si Lance naman ang nagdadrive, maya't maya ang pagtingin nito sa kanya.

"May problema ba? tanong ko kay Lance

"Ha wala bakit?

"Kanina kapa kasi tingin ng tingin sakin, baka maaksidente tayo!'

" Wag kang kabahan hindi ko ipapahamak ang dalawang babaeng mahal ko" sabi nito saka tiningnan siya sa salamin.

Napayuko nalang siya sa hiya..

"Cloe hindi kapa ba nangangawit dyan, kanina pa kasi tulog si Lexie baka nangangawit kana.."

"Naku hindi okey lang ako, mukang napuyat si Lexie noh!

"Ou nga ang sabi ng yaya niya hindi daw nakatulog ng mabuti si Lexie sa sobrang excited niya" sagot ni lance

""Bakit naman? madalang lang ba kayo...ah este tayong mag bakasyon?

"Ah ou mas gusto mo kasing kasama ang mga friend mo, ako naman busy sa work"sagot ni lance

"Ganun ba" kawawa naman pala si Lexie, naisip ni Cerra..Anong klaseng ina kaya si Cloe, bat mas inuuna pa niya ang lakwatsa kesa sa sarili niyang anak.

" Ah ba't natahimik ka " tanong ni lance

"Ha.....ah wala inaantok na kasi ako, pwede bang matulog muna ko?" tanong ko kahit hindi naman talaga ko inaantok..naghikab pa ko..para maniwala siya.

"Sige gisingin nalang kita pag malapit na tayo"

" Ok " agad akong pumikit, ilang minuto rin ang lumipas saka lang ako nakatulog....

Nang magising ako nasa kwarto na ko. mabilis akong bumangon, madilim na pala mukang napasarap ang tulog ko! 

Dali-dali akong lumabas hinanap ko si lexie.........nakita ko siya sa sala.

"Mommy gising kana pala!

"Where's your dad?" tanong ko sa kanya saka ko siya tinabihan..

"Kinausap lang niya mommy si mang ador, ung nagbabantay dito sa bahay" sagot ni lexie

"Ano yang ginagawa mo? 

"Naglalaro lang po ako ng candy crush" sagot nito saka pinakita sa kanya yung nilalaro nito..

"Mukang maganda yan ah!

"opo ma, gusto niyo laruin niyo din? alok nito

"Naku wag na titingnan ko nalang yung paglalaro mo"

"Cloe! Lexie tara kain na tayo!" aya sa kanila ni lance

"halika na lexie mamaya mo nalang laruin yan"

"Cloe siya si Mang Ador, siya naman si Nanay Maring sila ang nagbabantay ng resthouse natin" pagpapakilala sa kanya ni lance

"Hello po"  nakangiting sabi ko..   "kamusta po kayo?" 

"Ok naman kami maam" nakangiting sabi ni nanay Maring..

"Tara kumain na tayo" aya sa kanila ni lance..pinaghitak pa siya nito ng upuan

" thanks " 

........................................

" Mommy tabi tayo sa higaan ha!" sabi sa kanya ni lexie

"oh sige"

" Eh panu naman ako sino katabi ko? nagtatampong tanong ni lance

"Dad tumabi ka nalang samin ni mom malaki naman ung kama" mungkahi ni lexie

"ok lang ba sa mom mo? 

" Ha.....ah....ehhhhh......

"Please mom tabi na natin si dad..."pakiusap sa kanya ni lexie

Nakatingin sa kanya ang mga ito habang hinihintay ang sagot nia

"Haaay sige na nga" napipilitang sabi ko

" yehey...dad higa kana sa gitna niyo ko ni mom"

"Oh sige" 

Humiga na silang tatlo nsa gitna nila ni lance si lexie

"good night mom" humalik ito sa kanya.."good night dad" hinalikan din nito si lance

"good night" magkasabay naming sabi ni lance

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon