The Greek Gods and Goddesses of Olympus set a new sacred rule for them: Committing any romantic relationship with mortals is highly forbidden.
When Chanel Valistine committed a sinful crime by helping Dolos in stealing Hera's necklace, Apollo came d...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Uod nalang kaya ipapakain natin sa kanya? "
"O butiki kaya? "
"Masyado namang harsh yung uod tsaka butiki, mas maganda kung palaka. "
Kanina pa ako nagtitimpi sa tatlong 'to. Pinag-uusapan nila kung anong klase ng putahe ang ipapakain nila sakin ngunit hindi ko inaasahang puro maduduming insekto ang nasa isipan nila. They're talking as if I'm not walking right behind them.
"Kailangan pa talaga manghuli ng baboy-ramo? 'Tol lagot tayo sa kambal mo nyan, alam mo naman sasabog yun sa galit 'pag may ginawa tayong masama sa mga alaga niya. "
"Papanain ni Artemis bunganga mo pre. "
"Tumahimik ka, ikaw papanain nun eh. Badtrip kaya palagi 'yun sa'yo. "
Ang dami nilang satsat habang naghahanap ng pwede kong kakainin. Gutom na gutom na ako, pakiramdam ko nga I lost a few pounds eh.
"Look, there's dozen of nymphs over there. Puntahan natin! " biglang may itinuro si Hermes di-kalayuan mula sa kinatatayuan namin.
Wala akong alam kung anong klaseng hayop ang tinutukoy nilang nymphs but whatever, as long as it's clean and taste good then I'm in. I'm desperate for food right now.
Nakahalukipkip ang aking braso habang sinusundan sila. Hinawi ni Dionysus ang malaking branch ng tree na nakaharang sa dinadaanan at biglang bumungad sa'min ang malakas na tawanan at ragasa ng tubig.
Sumiksik ako sa pagitan nina blondie at Dionysus upang tignan kung saan galing ang boses na aming naririnig. Turns out, the voices came from a stream where five young ladies are chit-chatting and playing with the rushing water. Although they may resemble a human figure, their clothes and aura speaks the opposite.
Kumikinang ang kanilang makukutis na balat na parang diyamante. Some of them have olive greenish hair color and some are platinum blonde. Sumasayad sa tubig ang kanilang mahahabang kadamitan na kulay puti. Isa pa, yung tenga nila ay medyo patulis sa dulo katulad ng mga duwende.
"E-engkanto?! " bulalas ko habang nakatitig sa limang babae na naglalaro at nagtatawanan sa tubig.
Napaatras ako ng bahagya. A-ano ba 'to, bakit kung anu-anong klase ng mga nakakatakot na mythical creatures ang nasasalubong namin?!
"Let's go now b-before they see us. " bulong ko kina blondie tsaka hinila ang manggas ng damit niya.
Gusto ata ng mga 'to maulit ang nangyare kahapon. May balak pang gambalain ang mga engkanto. 'Pag kami inulam ng mga 'to, naku ewan ko nalang.
"Wait hold on, " nanatili pa rin silang tatlo sa kinatatayuan.
"Hey ladies! "
What?! Ba't nila tinawag?
Sabay-sabay na nagsilingunan yung limang engkanto, noong una ay kumunot ang kanilang noo ngunit kalaunan ay napalitan ito ng malawak na ngiti. Kumaway sila pabalik at magiliw na lumapit sa'min.