GAMBLE 1: Ante

4.2K 83 28
                                    

Mga Alagad ni Andre
2:11 PM

Cyd:
Hoy hinahanap na kayo ni Ma'am Jude anong palusot sasabihin ko?

River:
Sandali ang kupad nito ni Avan sinesermonan pa ng nanay niya

Baka mamaya pa kami

Cyd:
Umuwi-uwi pa kasi

Dous:
Sabihin mo tumatae ako

Andre:
Dous naman may kumakain dito o

Gab:
Nasa canteen ka na naman? Bilisan niyo samin kayo hinahanap e

English pa naman next sub lagot tayo kay kalbo

Dous:
Last subject naman na di na ako papasok

Gian:
Gago ka talaga paano ka pumapasa

River:
May practice tayo sa cheer dance malalagot ka nanaman

Gian:
Nasa arcade ka na naman no dos?

Dous:
Di, bibili akong drumsticks nasira  yung isa

River:
Sinong niloko mo nadaanan ka namin ngayon-ngayon lang nasa arcade ka naninigarilyo

Gab:
Ilang beses ka na namin sinabihan diyan dos baga mo yung kawawa sa ginagawa mo

Dous:
Lola ko nga 20 pa lang naninigarilyo na, ngayon 93 na buhay pa rin

Andre:
Grade 10 ka pa lang ugok

Travis Avan:
Saka napapansin ko napapadalas pagsasama mo diyan sa nixon a

Gian:
Nixon? Frat yun diba?

Cyd:
Frat na walang kuwenta, buti pa sana kung maayos

Gab:
May balak ka bang sumali don?

Andre:
Huy dos sali rin ako

Gab:
Tanga ka ba

Dous:
Di ako sasali

Naabutan ko lang naman sila dito

Nakisali ako magpoker

Cyd:
Sunogbaga na nga sugarol ka pa

Di ko hiniling na maglibing ng tropa ng maaga

Dous:
Nagtry lang naman ako kung kakalma ako

Baka huli na to

Gab:
River balikan niyo nga yan saka niyo na hilahin pabalik dito sa school

River:
Sige

2:22 PM

Dous:
Sino ba yon bakit ang taray-taray?

Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya?

Travis Avan:
Mabait yon

President ng AP club

Dous:
Saan banda yung mabait don, nakatakip yung ilong na nakatingin sakin saka umirap

Parang hinusgahan na ata non pati ninuno ko

Travis Avan:
Sayo lang siya masama

Andre:
Sino?

River:
Paanong hindi ka susungitan di mo ba nakita sa flyers na pinamimigay nila

Sa ap club anti-smoking campaign tapos ikaw makikita ka may hawak kang sigarilyo nasa sugalan ka pa

Dous:
Wala naman ako sa loob ng school

Travis Avan:
Naka-uniform ka naman

Gab:
Bakit anong nangyari?

River:
Nakuhanan ng i.d si dos

Dadaan pa kaming disciplinary office bago makapunta diyan sa room

Gab:
Sinong nakahuli sa kaniya?

Travis Avan:
President ng Ap club

Lalandiin pa niya dapat ayon sinupalpal siya

River:
Kinuha sa bibig niya yung sigarilyo saka inapakan sa harapan niya tapos binigyan siya ng candy para daw di mangati bunganga niya

Andre:
HAHAHAHAHA

Travis Avan:
Gusto ko rin ng potchi yung isusupalpal din sa bunganga ko

Gian:
Ay wild si ate HAHAHAHA

Cyd:
Pahiya tayo ng konti don dos a

Travis Avan:
Ang dami pa namang taga school na nakapanood

Andre:
Si dos? Kumain ng potchi? Hahahahahahaha

Gab:
Ayan tigas kasi ng ulo

Dous:
Saang ulo?

Andre:
Pareho gago

Dous:
May araw din sakin yung babaeng yon

GamblerWhere stories live. Discover now