GAMBLE 13

2.1K 49 5
                                    

"Hindi ka pa hinahanap sa inyo?"

Tanging iling lang ang naisagot ko kay Rush

Akalain mo nga naman, ito pa lang pagtambay namin dito sa rooftop ng building sa school tuwing gabi magiging madalas.

After nung una, madalas kasabay ko siyang umuwi dahil mapilit. These days lumalala yung away ni mommy and daddy, kaya hindi ako umuuwi sa bahay ng maaga. I'd always end up here, with him. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na.

Madalas lang tahimik kami, hindi naman ako mahilig magsalita. Minsan nga lang napipilit ako magsalita nitong lalaking to.

It somehow feels good, to have someone beside you during these times.

Katulad ngayon, nakatanaw lang ulit kami sa ibang buildings. Nakasandal ang mga braso ko sa railings at sumasalubong sa mukha ko ang hangin, nililipad tuloy yung buhok ko.

"Ikaw hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

"No, malamang naglasing nanaman si daddy madaling araw na yon uuwi. Mom's probably playing mahjong with her friends."

"Samahan pala to ng mga loser. Alam mo minsan hiniling ko na sana may kapatid din ako para hindi ganito kalungkot, may kasama ako but then I realized I shouldn't wish for that. Kawawa naman pala yung magiging kapatid ko kung sakali, ayos na ako na lang mahirapan."

Kahit nasa harapan ang tingin ko alam kong nakatitig nanaman sakin si Rush, I know him.

"Why do you think like that? Parang sa sobrang lalim mong mag-isip ni hindi mo na nagawang sunaya. You're too selfless."

"I'm not. Selfish ako kung tutuusin, palagi ko na lang sinasarili lahat na nagiging unfair na sa mga kaibigan ko. Sabi mo nga I have walls."

"But what was the reason kung bakit mo sinasarili? See? Not selfish at all. But genuine question.."

I looked at him and raised my brows, signaling for him to continue

"Do you sometimes wish you're not too observant?"

"Always, i hate it. I hate being so sensitive and being able to detect the slightest things about people, kasi madalas masakit yung malalaman mo. I wanted to experience being carefree, the emotion-driven-decisions of teenagers, I want to make mistakes, I want to be just like any other teenager. Pero hindi e."

There was a beat of silence again.

"Hmm, tara?"

"Saan?"

"Let's make bad decisions and not regret being too uptight while we're young." He said.

"Saan tayo rush?"

"Kung nasaan lahat ng bawal."

Hawak niya ang kanang kamay ko at marahang hinatak pababa sa building. Basta ang alam ko na lang nasa isang private property kami.

What's this place?

"Hey no! Mapapahamak tayo."
Kaagaran akong nagpanic pagkakita sa hawak ni Rush na spray paint.

My God no, don't tell me?

Kaya andito kami sa tapat ng dingding?!

Pumuslit lang kami kanina sa bakod at may guard na nagbabantay.

"Loosen up, peach."

Hindi ko alam kung paano niya ako nauto pero ang alam ko na lang pareho kaming nagpinta sa dingding.

This is vandalism! But it's fun

I was able to smile, a genuine one.

Not until we heard a loud whistle.

May ilaw ng flashlight na papunta sa direksyon namin kaya naman mabilis namin tinapon at iniwan yung mga spray paint doon at sabay kaming tumakbo ni rush palabas doon.

It was the guard. Muntikan na kaming maabutan.

We're both laughing and panting as soon as we reached the bridge just outside the private property that we just trespassed.

"Next stop? Where to?" Excited na tanong ko sa kaniya, he just smirked at me. Napatalon pa ako ng kaunti. I'm sure I look like a child na bibilhan ng toys.

"You look so much more beautiful when you're excited."

"What? I didn't hear you."

"Wala sabi ko do you wanna have more fun?" He said emphasizing the word 'more'

Unti-unti parang nakikita ko yung kagandahan ng mga bawal.

Slowly.. I'm starting to like risky things

Danger

Why does it feel good?

********

A/N

🥳🥳🎉🎉

Happy new year everyone! Have a great and healthy year ahead!🤍🤍

Let's be fucking rich and wealthy this 2022 my lodsss!

GamblerWhere stories live. Discover now