GAMBLE 75

1.8K 47 16
                                    

Pagtapos magpahinga dahil nabusog sila, well especially andre- they eventually went with their own ways of enjoyment.

Karamihan sa game station, magkaharap lang ang area ng game station at ng mini stage nila that's why kitang-kita nila ang isa't isa lalo na kung gaano kalapit si River na tinuturuan mag-gitara si Brandy doon.

It's like they have their own world na hindi nila napansin sila via na kanina naglalaro ng videogame, nakatitig na sa kanila. Napansin lang nila nung binato na sila ni Via ng napulot niyang bote ng disinfectant sa gilid.

"Sandali nga putangina niyo tatawagan ko yung doktora ko papupuntahin ko dito nang-iinggit kayo." Irita na lumabas si Gian at nagdial sa phone niya.

"Nagpapaturo lang ako sa gitara e." Irap ni brandy.

"Di ka marunong?" It was Andre, "gitarista jowa mo ng ilang taon di ka tinuruan?"

"Her patience is like her height, hinahampas niya sakin yung gitara pag di na niya gets tapos ayaw na niya." Sabi ni River kaya nakatikim siya ng kurot at iniwan ni Brandy doon sa mini stage kaya sinundan niya.

"Hirap naman kasi kahit ako tinry tinuruan ni Gab saka Gian sinukuan ko e sakit sa daliri, si Xochitl lang nga marunong samin mag-gitara." Via said kaya namangha naman sila Andre.

"Marunong ka Chil?" Gulat na tanong ni Avan.

"A bit." Tipid na sagot nito na may ngiti.

"She can even play the drums." Di tuloy nila alam pano pipigilan yung ngiti sa sinabi ni River, nasa malapitan lang kasi si Dous, lahat sila nakaharap sa stage habang nag-uusap and the stage was empty.

"Narinig niyo na kumanta si Xochitl?" Although Xochitl glared at Via hindi niya matigil ang bunganga niya, "Maganda rin boses niyan, malamig kaso ayaw na ayaw parinig samin kasi tinatamad." Bago siya malapitan ni Xochitl dahil alam niyang di siya makakaligtas pag naabutan siya nito sumiksik siya kila Gi sa couch.

They were all curious because of what Via said, except for Brandy because she knows and the seemingly indifferent Dous.

"Tugtog ka nga Chil, tignan natin. Kami muna judge ngayon." Si Andre na nauna na umupo sa gitna sa tabi nila Via at binaba na ang hawak niya sa game controller at tumalikod sa screen para sa mini stage naman siya nakatutok. Na sinundan gayahin ni Gian.

"Yeah sing for us, di ka pa namin naririnig kumanta. I wanna hear it, dali parang di tropa to." Avan also said.

Dumagdag pa sila Brandy sa pangungulit sa kaniya.

Xochitl doesn't really think she likes singing, she just sings when she wants and if being honest to herself she thinks her voice is not that good, it's just not bad that's why it seems okay to hear.
Actually alam niyang walang wala yung boses niya kumpara sa mga lalaking kasama niya ngayon.

Akala nila tatanggi pa siya but then kinuha niya yung gitarang binitawan kanina nila River at dahan-dahang naghila ng upuan papuntang mini stage.

Mabilis naman na nagkilusan ang nakatayong si Gab, Avan, saka Brandy para mag-agawan ng puwesto sa couch sa harapan.

Nakapuwesto na si Xochitl, and was about to strum the guitar nung biglang tumayo si Andre at sinabing "HEP!" nakataas pa ang isang kamay kaya natigil si Xochitl at napatingin lahat sa kaniya.

"..h-hooray?" Di sure at mahina na sagot ni Via. Isang 'tanga' lang ang sinabi sa kaniya ni Brandy.

"Wait." Sabi pa nito bago may kinuha sa gilid, turns out it was a microphone, mabilisan niyang sinet up at nilagay sa harap ni Xochitl, while Xochitl gently tapped it, checking if it is working, then di pa nakuntento si Andre pinatay niya yung ilaw sa mini stage and binuksan yung purple lights on the 4 edge of the mini stage. It looked like a gig sa isang high end bar and Xochitl sitting there in the middle wearing her grey (not exactly hers) hoodie and black fitted pants with the lights reflecting through her pale skin looked elegant yet cool. Wala silang nagawa kundi manood lang sa ginagawa ni Andre hanggang masatisfy na siya.

GamblerWhere stories live. Discover now