GAMBLE 2

2.8K 58 13
                                    

Mga Alagad ni Andre
1:12 PM

Travis Avan:
Dos nag-iikot si ma'am Cecil sa mga rooms saka nagkakalkal ng bag

Gab:
Sinabihan ka na kasi namin tigilan na paninigarilyo

Dous:
Chill

Magagawan ko ng paraan to

Hindi naman kayang pagsabay-sabayin ni ma'am kalkalin lahat ng section for sure may mga officers lang na mauutusan

Kakausapin ko na lang

Andre:
O diba ssg yung gusto mong pormahan?

Gago paano pag siya napunta sa room niyo

Gab:
Sino yon bakit hindi ko alam 'to

Cyd:
Ah si Trisha

Gian:
Yung mataray?

Andre:
Oo crush niya yon kaso hindi siya pinapansin

Dous:
Curious na curious kayo sa lovelife ko

Andre:
Hindi na namin mahintay na pagtulungan ka pag naging corny ka na

Travis Avan:
May mga officers na dito samin

Gab:
Dos umayos ka pangatlong beses mo na sa guidance yan kapag nahuli ka pa

Cyd:
Pagagalitan ka ng daddy mo

Ulit

Gab:
Baka saktan ka nanaman

Dous:
Wala namang bago

Cyd:
Hindi pa rin magbabago offer ko na apartment pagtungtong ng senior high

Dous:
Di na

Ayos lang ako

Hindi ko pwedeng iwan si mommy sa taong 'to

Isa pa daddy ko pa rin yon

Travis Avan:
😔😔

1:17 PM

Dous:
Oh shit

Gab:
Anong nangyari?

Gian:
Nahuli

Hindi niya nadaan sa pagpapacute yung officer

Andre:
Lagot sa office nanaman bagsak mo pag nasumbong ka

Gian:
Nakuha nanaman id niya😔

River:
For sure tatawagan yung number ng guardian mo na nasa i.d

Dous:
Edi tawagan nila

Bold of them to assume i wrote the right number

Andre:
Gago ka talaga dos

Ewan ko bakit barkada kita

Cyd:
Crush mo kaya siya

Andre:
Ano ka ba secret lang natin yan

Dous:
Bro..

Andre:
Bro..

Gab:
Pumatol naman yung isa

Travis Avan:
Buti pa sila may progress si river pakipot sakin

Cyd:
Hahahahha

Gab:
Avan hahampasin kita ng gitara

Gian:
Ewan ko sa inyo

*****

Hi guysss Dous is back!

GamblerWhere stories live. Discover now