GAMBLE 4

2.5K 51 5
                                    

Mga Alagad ni Andre
11:12 AM

Gab:
Aren't we supposed to be practicing?

Battle of the bands na next week

Cyd:
Oo nga sabi niyo 3 pa pasok nila Gi?

Wala na kaming klase e

Travis Avan:
Andito na kami nila rivs sa hideout

Gian:
Paano makakapractice ngayon nahuli nanaman si dous nagsusugal don sa likod ng school saka naninigarilyo

Papunta na sana kaming hideout kaso nasa guidance office ngayon

Andre:
Detention nanaman

Dous:
Una na kayo

Sunod ako mamaya pagtapos dito

Gab:
Dous magbagong buhay ka na

Malapit ka na bumingo sa guidance ilang violation na lang

Gian:
Gab nasa school pa ba kayo ni cyd?

Gab:
Oo paalis pa lang

Gian:
Sa inyo na ako sasabay wala akong mapapala kung hihintayin ko pa si dous baka paglinisin pa yan ng cr

11:33 AM

Dous:
Mamaya na talaga ako makakapunta sa hideout

Travis Avan:
Ano daw sabi sayo?

Pinatawag ba sila tito?

Dous:
Nope

As usual

Sa field magpupulot ng kalat

I guess I'll be doing this for 3 straight days every after last period

Andre:
Ikaw? Magpupulot ng kalat?

Di ka nga naglilinis sa bahay niyo

Gab:
Nag start na kami

Punta ka na lang dito pag tapos mo diyan

Travis Avan:
Dous seriously, stop doing things that'll harm you in the future

Take care of yourself

Dous:
I'm good

You don't have to worry about me

Andre:
Ang tigas ng ulo ng tropa niyo

---•---
Ma'am Garcia (guidance)
11:31 AM

Ma'am Garcia:
Ms Alsogaray alam mo naman siguro na nadentention nanaman yung suki ko kanina

I'm assigning you na magbantay sa kaniya at tignan mo kung ginagawa ba ng tama ang paglilinis sa field, ikaw lang ang maasahan ko sa officers ngayon

Xochitl:
Yes po ma'am

Si Mr. Santillan po right?

Ma'am Garcia:
The one and only

Ikaw na ang bahala don ha

Xochitl:
If you don't mind pwede po bang malaman ko yung violation niya po this time?

Ma'am Garcia:
Gambling, smoking in the school premises

Sa totoo lang nagsasawa na rin akong nakikita dito sa office ang batang yan

Hindi ko na nga pinapatawag ang magulang dahil wala namang dumadating kaya detention na lang

Basta't bantayan mo, maglinis siya at least hanggang 2 pm

Gusto kong tulungan ang batang yon

Xochitl:
Ano po bang matutulong ko?

Ma'am Garcia:
Better if we can help him quit smoking and gambling

Alam kong hindi na ito kasali sa responsibilities mo bilang vice president pero ikaw lang ang inaasahan ko baka naman matulungan mo ako

Xochitl:
Yes ma'am, on it

Ma'am Garcia:
Salamat Xochitl


GamblerWhere stories live. Discover now