Kabanata 3

644 39 1
                                    

“Anong libro ba?” Tanong sa akin ni Caelus. Nasa library kami para mag-review sa midterm next week. Halos dalawang buwan na ata kaming lumalabas ni Caelus. Hindi ko akalain na magtatagal ako ng dalawang buwan sa iisang lalaki.

“Ito na,” sabi ko nang makita ang librong kanina pa namin hinahanap. Kinuha ko na iyon at bumalik na kami sa pwesto namin kanina ni Cae.

Nakita ko din kanina sila Naih at Zymon na nag r-review. May something na din akong napapansin sa kanila. Hindi ko alam kung anong namamagitan pero ang sabi sa akin ni Caelus ay may gusto daw si Zymon kay Naih. Si Troy at Venn din naman ay lagi kong nakikita na magkasama. Alam ko naman na magkaibigan sila at natural lang sa kanila ang pagiging sweet sa isa’t-isa pero may something din sa kanila eh. Alam ko din naman na gustong-gusto ni Troy ang kaibigan niyang si Venn.

Napatingin ako kay Caelus na nakatuon ang pansin sa hawak na libro. Sa dalawang buwan naming magkasama ni Caelus ay napansin ko ang pagiging iba niya pagdating sa pag-aaral. Seryoso siya kapag nag-aaral siya at ibang-iba sa Caelus na nakikita ko kapag nasa bar o lumalabas kami.

Iba lang talaga ang ugali niya kapag nag-aaral. Gusto niya talagang taposin ang law. Pagkatapos naming grumaduate sa college ay mag-aaral naman siya sa law school.

“May dumi ba sa mukha ko?” Napakurap ako nang magsalita si Caelus. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot ko.

“Wala,” sabi ko at umiwas ng tingin. Bakit ba kasi ang tagal kong tumitig sa kaniya? Mamaya kung ano pa ang isipin ng lalaking ‘to. Hindi ko nga alam kung anong namamagitan sa amin. Madalas kaming lumabas at pinapagalitan pa nga ako ni tita dahil hindi niya alam kung bakit gabi na akong umuwi. Hindi ko naman sinasabi sa kaniya na lumalabas ako kasama si Caelus.

“Ba’t ka nakatingin?” Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatitig pa din siya sa akin ngayon. Minsan talaga ang kulit ni Caelus. Hindi ko nga alam kung bakit nagtagal ako sa lalaking’to. Hindi nga ako sanay na mag-focus lang sa isang tao tapos ngayon dalawang buwan na kaming labas nang labas.

“Wala lang. Masama bang tumingin sa ‘yo?” Tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin at umiling.

“Hindi naman, kung ikaw ang titingin,” hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Ang lalaking ‘to, kung ano-ano na lang talaga ang sinasabi kaya minsan hindi ko na lang din siniseryoso dahil hindi naman talaga siya seryoso. Kelan pa magseseryoso ang lalaking’to? Puro kalokohan lang naman ang alam niya sa buhay.

“Gago. Tumahimik ka na diyan para makapag-review na tayo,” sabi ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin kaya umirap ako.

Umayos ako ng upo at tinuon na ang tingin sa libro na kinuha ko kanina. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Nakita ko ang text ni Ethan na ikinalaki ng mata ko. Ang kapal talaga ng mukha ng gunggong na ‘to. Bakit ba ang kulit-kulit niya?

Ethan:
Chelsie. Can we meet? I have something to tell you please.

Ano bang sasabihin niya? Akala ko ba malinaw na sa kaniya ang sinabi ko na may boyfriend na ako. Hanggang ngayon nga ay si Caelus pa din ang cover photo ko dahil ayoko na, na kinukulit ako ni Ethan at ngayon nga ay naguumpisa na naman siya. Nakakainis talaga ang lalaking ‘to.

Me:
Tumigil ka na pwede? Hindi na kailangan na mag-usap pa tayo. Wala na tayong pag-uusapan Ethan. Kaya pwede ba wag ka ng mangulit pa sa akin.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Where stories live. Discover now