Kabanata 17

551 35 1
                                    

“Namumutla ka,” ani Caled sa akin. Kakatapos lang ng class namin at papunta na nga kami sa cafeteria para mag lunch.
   
“Masakit ang ulo ko at saka ‘di din maayos ang pakiramdam ko,” sabi ko sa kaniya. Wala akong ganang kumain kaninang umaga, hindi ko nga naubos ‘yung hinandang breakfast ni Caelus sa akin.
   
“Buntis ka?” Tanong ni Jeramae sa akin. Nanlaki ang mata ni Caled at napatingin naman ako sa kanila. Hindi kami nagco-condom ni Caelus pero hindi naman ako buntis no.
   
“Hindi!” agad na sabi ko sa kaniya.
   
“We?” Tanong ni Caled. Umirap ako sa kaniya. Hindi talaga nila ako titigilan, kilala ko na ang mga ‘to.
   
“Hindi nga,” sabi ko sa kanila.
   
“Bakit ganiyan ka?” Tanong ni Jeramae.
   
“Hindi ba pwedeng masama lang ang pakiramdam ko?” sabi ko at umiling sa kanila. Napahinto pa kami sa paglalakad dahil dumaan sila Eirha sa gitna namin.
   
“Excuse me,” sabi niya pa. Hindi ko ba alam sa babaeng ‘to, may problema talaga siya sa akin. Nung una ay pinagbintangan niya kami na ninakaw namin ang idea nila sa pagluluto. Gusto lang talaga niyang gayahin ang paraan ko nang pagluluto dahil hindi naman niya kaya iyon.
   
“Malawak ang daanan. Talagang sa gitna ka pa talaga namin dadaan?” Walang ganang sabi ko. Masakit talaga ang ulo ko at gusto ko na lang matulog ngayon pero mukhang mapapaaway muna ako bago mangyari iyon.
   
Tumaas ang kilay sa akin ni Eirha. Pinagtitinginan na din kami ng mga studyante na nakatambay sa may corridor at ang iba naman ay papunta na din sa cafeteria.
   
“Nakaharang kasi kayo sa daan eh,” aniya. Umirap ako at lumapit ng kaunti sa kaniya. Matangkad ako ng kaunti sa kaniya kaya napaatras siya sa paglapit kong iyon.
   
“Bulag ka ba? Anong nakaharang eh nasa gilid nga kami. Tanga mo naman,” sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Caled at Jeramae sa gilid ko nang sahihin ko iyon.
   
Nanliit ang mata ni Eirha sa sinabi ko at hindi agad nakapagsalita. Wag mong sabihing magsusumbong na naman siya, katulad nang ginawa niya nung nauna. Sumbong nang sumbong hindi naman totoo. Siya tuloy ang naparusahan.
   
“Tara na nga girls,” aya ni Eirha sa mga kasama niya. Tingnan mo na, hindi din pala gusto ng away. Pasalamat siya masama ang pakiramdam ko, kung hindi kanina ko pa siya sinabunotan.
   
Umiling na lang ako at dumiritso na nga kami sa cafeteria. Wala pa din sila Caelus doon, siguro ay hindi pa tapos ang klase nila. Muntik pa akong matumba dahil sa sobrang nahihilo na talaga ako, mabuti na lang at may sumalo sa akin. Nang tingnan ko iyon ay nakita ko si Caelus.
   
“Babe are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
   
“Kanina pa ‘yan, ganiyan. Masama ang pakiramdam,” sabi ni Jeramae. Inilapat ni Caelus ang kaniyang palad sa akin noo.
   
“Ang init mo! Dadalhin kita sa hospital,” aniya at binuhat ako. Hindi na ako nakaangal dahil ang sakit talaga ang ulo ko at gusto ko na lang matulog.
   
“Grabe, hospital agad?” rinig kong sabi ni Caled.
   
“Oo nga, may clinic naman tayo ah. Doon na lang,” sabi naman ni Jeramae. Kahit nakapikit ako ay naririnig ko pa din ang mga boses nila.
   
“Anong nangyari?” Tarantang tanong ni Venn.
   
“May lagnat, dadalhin ko sa clinic,” sabi ni Caelus. Ilang saglit pa ay narinig ko an din ag mga boses nila Zymon na nag-aalala din sa akin. Hindi pa naman ako mamamatay ah, bakit masyado silang natataranta. Naramdaman ko ang paglapag sa akin ni Caelus sa malambot na kama at narinig ko din na pinalabas ang ilang naming kasama. Si Caelus lang ata ang naiwan kasama ko.
   
Nagising ako dahil sa kirot ng tiyan ko, nagugutom na ako. Tiningnan ko kung nasaan ako at nakita kong nasa clinic ako. Tumingin ako sa gilid ko at nakita sila Caelus sa may sofa na natutulog.
   
May nakita na akong paper bag ng Jollibee sa mesa at natakam agad ako doon. Dahan-dahan akong bumangon para makakain na.
   
“Babe!” nagulat ako nang sumigaw si Caelus at dali-daling pumunta sa akin. Nagising din tuloy sila Caled dahil sa kaniya.
   
“Shit! Akala ko kung ano na,” kinakabahang sabi ni Caled. Inalalayan pa ako ni Caelus para makaupo ako ng maayos. Kinuha na din niya ang Jollibee na nasa mesa para makakain na ako.
   
“Thanks babe,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at hindi tinanggal ang tingin sa akin. Medyo okay naman na ang pakiramdam ko at gutom na lang ang nararamdaman ko.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Where stories live. Discover now