Kabanata 22

1.2K 44 1
                                    

“Potangina kelan ka ba uuwi?” Nakangusong tanong ni Jeramae sa akin. Hindi niya talaga napansin na nasa pinas na ako.

“Bukas ata or next week,” sabi ko sa kaniya. Mas lalo lang siyang ngumuso at napatingin sa kaniyang gilid. Bigla kasing sumulpot si Caled. Ang anak nila ni Caled. Hindi kami makausap nang malaman namin ang nangyari kay Caled. Sobrang stress at puro iyak lang si Jeramae noon. Gusto pa nga niyang magpakamatay para masundan na daw niya si Caled.

Mahirap sa amin ang lahat, hindi ko nga alam kung bakit ba nangyari sa amin iyon. Hindi man lang namin napansin na may problema na pala si Caled. Akala namin ay maayos siya. Sobrang saya namin noon, kamukha ni Caled ang bata at may pagkakahawig din naman si Jeramae sa anak nila.

“Ang tagal, miss na kita,” sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya.

“Saan ka ba pupunta at na sa sasakyan ka?” Tanong niya sa akin. Sa wakas, ay napansin niya na. Nasa pinas na ako dahil a-attend din ako ng kasal ni Jaica at Carlos.

“Shopping,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil naramdaman ko na, na magigising ang kambal ko. Pahirapan pa kami kanina para maitago si Ashton at Alistair sa mga media kanina. Mahirap na kasi kapag nalaman nilang may anak ako, syempre itatanong nila kung sinong ama at ayokong malaman nila iyon lalo na siya.

2 years old na ang kambal ko. Grabe din ang pagtatago ko nung pinagbubuntis ko pa lang sila. Mabuti nga at tinulongan talaga ako ni Albert, hindi niya ako pinabayaan. Walang nakaalam na may anak na ako.

May sariling restaurant at coffee shop na si Jeramae. Kahit na naging mahirap sa kaniya ang pagkawala ni Caled ay naging matatag pa din siya. May bahay na din siya at dalawang sasakyan.

Magpapatayo pa lang ako ng bahay dito sa pinas dahil ngayon lang din ako nakauwi, matapos nang pagiging successful kong model sa Thailand at Singapore.

Sa ngayon ay sa condo na muna kami tutuloy ng mga anak ko. Gusto nga din ni Albert na sa kanila muna ako pero hindi na ako pumayag dahil alam kong makakaistorbo ako sa kanila at saka may sarili na siyang pamilya. Dito na din kasi nila naisipan ng asawa niya na tumira kaya may bahay na sila dito.

Kapag hindi na ako busy ay bibili din ako ng sasakyan ko. Pinahiram lang kasi ‘to sa akin ni Albert at kasama ko nga din ang driver nila. Sinabi ko ang address nila Jeramae. Gusto kong sorpresahin ang gaga, sigurado akong magugulat iyon.

Sinigurado na muna namin na walang mga nakasunod na media sa amin para malaya kaming makapasok sa loob. Baka mamaya ay biglang may kumuha ng litrato at agad nilang ipost iyon sa internet. Kakalat na naman ang iba’t-ibang chismis.

Pinagbuksan naman agad kami ng guard dahil kilala naman nila ako. Bumaba na ako sa sasakyan at pinahawak ko muna si baby Ashton kay Mariel, kinarga ko naman si baby Alistair. Hindi pa kami nakakapasok sa loob ay bumungad na sa akin si Jeramae. Gulat na gulat ang mukhang habang nakatingin sa akin at nasa tabi naman niya si baby Caled.

“Omg girl!” aniya at niyakap ako. Namiss ko talaga ang babaeng ‘to, tatlong taon na din ang nakakalipas. Miss ko na din Caled, alam ko naman na masaya na siya ngayon kung nasaan siya. Maayos ang kalagayan ng mag-ina niya.

“Namiss kita,” sabi ko nang kumalas kami sa yakap. Nagising si Alistair pero hindi naman aiya umiyak. Binaba ko siya para makapaglaro sila ni Caled. Hindi naman mailap sa tao ang mga anak ko, ang dami nga din nilang kalaro sa states eh. Nagising din si Ashton kaya binaba na din siya ni Mariel. Pumasok na kami sa loob, malaki ang bahay ni Jeramae. Ngayon ko lang ‘to nakita ng personal dahil nga sa ibang bansa ako namalagi ng ilang taon.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon