Kabanata 9

534 36 7
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa inuupoan ko. Kanina ko pa din tinitingnan ang pangalan ni Caelus, inaabangan ko kasi ang green na kulay doon. Gusto ko nang sahihin sa kaniya na gusto ko siya. Sila Caled din kasi ay nagtatanong na sa status namin ni Caelus. Sinabi ko na wala namang bago dahil hindi ko din naman alam kung mutual ba ang feelings naming dalawa.

Napangiti ako nang makitang online na si Caelus. Nanginginig pa ang kamay ko sa kaba. Huminga ako ng malalim bago pindotin ang pangalan niya para imessage siya.

Chelsie Tadeo
Caelus?

Caelus Salazar
Yes?

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magreply siya agad. Bakit ang bilis niyang magreply? Inaabangan niya ba ang message ko? Chelsie ang assuming ah. Umiling ako at nagtipa ulit.

Chelsie Tadeo
I just want to say….
Gusto kita.

Nilayo ko ang cellphone ko para hindi muna makita ang kaniyang reply. Nanginginig pa din ang mga kamay ko dahil sa kaba.

Kinain ko talaga ang mga sinabi ko dati na hinding-hindi ako magkakagusto sa kung sino man at hindi ako magseseryoso pero ano ‘tong ginagawa ko ngayon. Hindi ko alam na mahuhulog ako sa lalaking ‘to. At ito na nga umamin na nga ako sa kaniya.

Tiningnan ko ang reply niya at pakiramdam ko ay maiiyak ako ano mang oras ngayon.

Caelus Salazar
Sorry but…
There’s someone else I care about.
There’s someone who owns my heart.
Inshort, I’m inlove with someone.

Punyeta, may iba nga siyang gusto! Sabi ko na nga ba at iba ang gusto niya. Kapag magkasama kasi kami ay parang may iniisip siya at hindi din siya makausap ng maayos. Nagtataka na nga ako sa kaniya eh, hindi ko naman matanong dahil ayoko ding pangunahan ang lalaki.  Humaba ang nguso ko  sa nabasa. Bakit ba ako naiiyak? Ano ba Chelsie? Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo!

Chelsie Tadeo
Ay sorry haha.

Caelus Salazar
No worries.

Mas lalo akong ngumuso at tumulo na nga a v luha sa maya ko. Io-off ko na sana ang cellphone ko pero muntik ko nang mabitawan iyon dahil sa nabasa.

Caelus set your nickname to someone.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Hindi ko alam kung namalik-mata ba ako o ano. Hindi agad ako nakapag-reply sa kaniya at sinigurado muna kung totoo ba ‘yung nabasa ko. Inayos ko ang sarili ko at nilagay sa sofa ang cellphone. Huminga pa ako ng malalim bago ulit kunin ang cellphone.

Binasa ko ulit iyon para makasigurado ako. Nang makitang totoo nga ay nagtatalon ako sa sofa. Bakit ba ganito ang epekto sa akin ng lalaking ‘to? Sinabi ko na nga sa sarili ko na kahit kelan hinding-hindi ako magkakaganito sa isang lalaki tapos ngayon para na akong mababaliw.

Nakita kong hindi na siya online pero may bago ppa siyang chat. Nakita ko din ang text niya sa akin.

Caelus:
Nasa baba ako.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Bakit nasa baba siya? Hindi naman ako nagsabi na pumunta siya ah. Sumilip ako ng kaunti sa may bintana at nakita kong nandoon nga ang sasakyan niya. Maya-maya ay lumabas na siya sa sasakyan niya at tumingala. Agad naman akong umatras para hindi niya ako makita.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz