Kabanata 12

519 38 2
                                    

“Pokpok!” Hindi ko pinansin ang mga bata sa daan nang sabihin nila iyon. Palibhasa mga chismosa ang mga nanay kaya nakukuha ng mga anak nila. Hindi nila tinuturoan ng magandang asal ang mga anak nila.

Kapag ako nagkaanak, hinding-hindi ko hahayaan na gumala siya sa kalye na para bang walang magulang. Ibibigay ko sa kaniya ang lahat, ang pagmamahal at pag-aalaga na hindi ko naranasan.

“Oh Chelsie? Saan ka galing? Ang gara ng suot ah at saka ano ‘yang binili mo? Umaasenso ka na ah,” sabi nung isnag chismosa naming kapit-bahay.

“Ang dami mong tanong. Tapos kapag sinagot kita iibahin mo ang kwento at ichi-chismis sa buong baranggay,” sabi ko sa kaniya at bahagyang tumawa. Hindi siya nagsalita at umirap na lang sa akin.

Mga tao talaga dito sa amin puro chismosa. Kelan ba ako makakaalis dito? Nagsasawa na ako eh. Sabagay ilang taon na lang at gagraduate na ako. Makakaalis na ako at hindi na din ako aasa pa kay tita dahil hindi naman talaga niya ako itinuring na kapamilya eh.

Pagpasok ko sa bahay ay wala si tita. Lagi naman, hindi pa ba ako sanay. May bago na naman kasi siyang boyfriend, business man daw iyon at lagi nga siyang pinapadalhan ng kung ano-ano dito sa bahay.

Galing ako sa mall dahil bumili ako ng regalo para kay caelus. Anniversary na namin bukas. Hindi ko alam kung anong ibibigay ko sa kaniya, hindi ko naman kasi alam kung anong pwedeng iregalo sa lalaki ano. Siya ang first boyfriend ko kaya hindi ko alam kung ano nga ba ang mga gusto ng lalaki. Mahirap regalohan ang mga lalaki, lalo na si Caelus. Nasa kaniya na kasi ang lahat.

Relo at polo shirt ang binili ko sa kaniya. Nagtanong pa ako kila Caled at puro kalokohan nga lang ang sinagot nila sa akin, kaya balewala din pero nung huli naman seryoso na ang mga suggestion nila. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung nagtext ba si Caelus. Sinabi ko kasi sa kaniya na aalis kami nila Jeramae. Hindi ko sinabi na ako lang dahil  baka sumama pa siya, edi nalaman niya iyong binili ko.

Babe<3:
Nakauwi ka na?

Me:
Yes, kakarating ko lang.

Babe<3:
Good, saan ka ba galing?

Me:
Sa mall, nagpasama sila Jeramae eh tapos kumain din kami.

Babe<3:
Oh, okay. Call ako.

Hindi pa man ako nakakapag-reply sa kaniya ay tumunog na ang cellphone ko.

“Is your tita home?” Tanong niya. Nakarinig pa ako ng ingay sa kabilang linya.

“Wala pa siya, hindi ko alam kung kelan siya uuwi,” sabi ko.

“Sinong kasama mo mamaya diyan?” Tanong niya. ‘Yan naman ang lagi niyang tanong kapag wala si tita sa bahay, wala akong kasama at nag-aalala siya dahil madami ang mg adik dito sa amin. Kung minsan nga ay dito siya natutulog kaya laging nakabantay ‘yung mga chismosa sa labas.

“Pupunta sila Jeramae dito,” sabi ko. Sinabihan ko na kanina sila Jera, madalas ay ganun naman kami. Minsan nga ay doon na lang muna ako sa kanila kapag medyo matagal na hindi umuwi si tita. Hindi naman kasi siya nagsasabi kung uuwi ba siya or kung kelan ba siya uuwi.

“Okay, that’s good,” aniya. “Tangina mo Yosef!” sigaw ni Troy. “Tangina mo din.” “Gago ako nauna dito, akin ‘to.”

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Where stories live. Discover now