Wakas

1.1K 34 2
                                    

“Anak, kakain na,” boses ni mom ang narinig ko. Ilang araw na simula nung nakipaghiwalay si Chelsie at iwan ako para sa career niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I can’t even think properly because of her and Siobhan. Nag-aalala ang lahat sa akin, lalo na si mom.

“Wala po akong gana,” sabi ko. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni mom sa akin. Parang may gustong sabihin sa akin pero parang may pumipigil sa kaniya.

“Cae, ilang araw ka nang ganiyan. Please naman, ingatan mo ang sarili mo,” saad ni mom sa akin.

“Tapos na ako sa ganiyan kaya dadamayan kita,” sabi ni Troy sa akin. Nasa bar kami at umiinom.

May nakita pa akong ilang babae na gustong lumapit sa amin. Hindi na lang namin pinapansin ni Troy dahil ayokong mag entertain ng ibang babae.

Walang araw na hindi ko iniisip si Chelsie. Dagdag pa ang araw-araw na nakikita ko siya sa TV at mga mukha niya sa billboard.

“Sa tingin mo may boyfriend na kaya siya?” Tanong ko sa pinsan. Napapansin ko kasi na iba-iba ang mga kasama niya sa mga pictures. Iniisip ko na lang na mga katrabaho niya lang iyon at wala lang iyon sa kaniya.

“Siguro, pwede, ewan, ata,” saad ni Troy. Sinamaan ko siya ng tingin. “Oh, chill lang. Ito naman masyadong high blood,” sabi niya sa akin.

Umiling ako sa kaniya at uminom ulit ng black label. Galit ako sa kaniya dahil pinili niya ang career niya kesa sa akin. Kaya ko naman siyang buhayin na hindi siya nagtatrabaho ah. Bakit ba kailangan niya pa akong iwan dito?

“Sa tingin ko, wala pa naman at saka kung meron man dapat sinabi na niya iyon sa mga fans niya or sa mga interview,” sabi pa niya at nagsindi ng isang sigarilyo.

“Pwede namang hindi sabihin diba? May mga ganun naman, tinatago ang relasiyon,” sabi ko. Tumango sa akin si Troy bilang pagsang-ayon.

“Eh bakit? Gusto mo bang may boyfriend na siya?” Kunot noo niyang tanong sa akin. Agad naman akong umiling sa kaniya.

Syempre ayoko!

“Cae!” Nilingon ko si Troy na bigla na lang sumulpot sa office ko.

“Why?” I asked him. Abala ako sa mga kaso ngayon lalo na’t ang daming kliyente. Araw-araw ay puno ang law firm namin.

“Nandito na si Chelsie!” Nanatili ang tingin ko sa kaniya nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya. Hindi naman kasi siya nag post sa Facebook at Instagram. Siguro, gusto niyang sorpresahin ang mga fans niya.

“Sino?” Tanong ko sa kaniya.

“Si Chelsie nga!” aniya.

“Nagtanong,” saad ko at umiwas ng tingin sa pinsan. Hindi ko alam kung bakit ba apektado pa din ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. I still mad at her, hindi iyon mawawala.

“Kunwari ka pa, lagi mo ngang tinitingnan mga post niya sa social media. Bumili ka pa nung mga magazine na siya ang cover!” Sinamaan ko ng tingin si Troy at kinuha ang isang libro na nasa gilid ko para ibato sa kaniya.

“Tangina— wag naman ganiyan,” sabi niya at tumawa sa akin.

“Shut up, Troy,” saad ko.

“Oo na nga, tatahimik na,” aniya at nag-peace sign sa akin.

“Saan mo ba nakuha ang balitan na ‘yan?” Nakita ko ang pagngisi sa akin ni Troy at humagalpak na nga siya ng tawa.

“Tangina mo! Hahaha, ampota. Sabi walang paki,” aniya at tumawa nang tumawa.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Where stories live. Discover now