Kabanata 19

659 35 2
                                    

“Hala girl!” Nilingon ko si Jeramae sa aking gilid na bigla na lang tumili. Nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch. Absent si Caled dahil may pinuntahan pa daw, hindi ko alam kung papasok ba siya bukas.

“Ano?” Tanong ko sa kaniya.

“Look,” aniya at pinakita sa akin ang cellphone niya. Nakita ko ang pictures ko doon, nagphotoshoot kasi kami kahapon. Naisipan lang namin mag photoshoot tapos inedit ni Caled, nakasuot ako ng dress at swimsuit doon.

“Oh? Anong meron diyan?” Tanong ko. Umirap si Jeramae sa akin.

“Nagcomment si Albert!” Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa kaniya.

“Albert?” Tanong ko.

“Albert Vihokratana, sikat na fashion designer sa Thailand! Hindi lang ‘yan, asawa din siya nung thai actor na si Tay Tawan Vihokratana!” Nakangiting sabi niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone niya at nakitang nagcomment nga ang fashion designer.

Albert_vihokratana
Omg! She’s stunning! Can you give me her email so that I can message her. I want her to be my model.

Maraming naglike doon at nagreply. Bigla tuloy akong kinabahan sa nabasa. Hindi ko naman gusto na maging model pero kung may kukuha sa akin, hindi naman ako tatanggi. Wag lang ngayon kasi ayokong mahiwalay kay Caelus, gusto ko na nasa tabi niya ako kapag nakagraduate na siya at isang ganap na Attorney na siya.

“Tingnan mo na email mo,” exicted na sabi ni Jeramae.

“Hindi ko pa nga nabibigay email ko eh paano ko makikita email niya sa akin?” sabi ko sa babae.

“Binigay ko na nga kanina,” aniya. “Bilis na, tingnan mo na!” sabi niya sa akin. Umiling ako sa kaniya at kinuha na ang cellphone ko.

Nakita ko agad ang pangalan ni Albert at pinindot ko na ang email niya sa akin.

Hi this is Albert Vihokratana. I’m a fashion designer here in Thailand. I saw your picture on Instagram and you caught my attention. Can we meet? I will give you my number or reply to this email so we can talk where we can meet.

“Anong sabi?” Hindi pa ako nakakapagsalita ay kinuha na agad ni Jeramae ang cellphone ko at nanlaki ang mata niya habang binabasa ang nasa cellphone ko.

“Omg! Sige na replyan mo na!” excited na sabi niya.

“Ano na mang sasabihin ko?” Tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang irereply ko.

“Pumayag ka! Bagay kaya sa ‘yo maging model! Excited na ako!” aniya at pumalakpak pa.

“Hindi naman ako papayag eh. Makikipagkita na lang ako sa kaniya para makapag-usap kami,” sabi ko.

“Ha? Bakit? Sayang ah,” aniya.

“Hindi ako sanay sa mga pagmomodel. Bakit mo pa kasi pinost ‘yung picture ko? ‘Yan tuloy nakita niya,” sabi ko at umiling.

“Ano naman? Matutotonan naman ‘yan ah at saka sayang girl! Sikat ‘yan tapos ikaw pa talaga napili. O baka naman may iba ka pang dahilan,” aniya  at tinitigan ako.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon