Kabanata 8

563 34 2
                                    

“Wala pa ba si Caelus?” Tanong ni Caled. Hindi ko alam kung bakit hindi na niya tinatawag na daddy or papa si Caelus, nag iba ata ang ihip ng hangin.

“Wala pa, ‘di pa tapos klase nila,” sabi ko sa kaibigan. Magb-bar kami at si hinihintay ko si Caelus. Nauna na si Jeramae at Brian sa bar habang sasabay naman si Caled sa amin pero gagamitin niya ang sasakyan niya.

Hindi nagsalita si Caled at kinuha na lang ang cellphone niya. May recitation kasi ngayon sila Caelus kaya medyo matagal matapos ang klase nila. Alas singko na din kaya siya na lang ang hinihintay namin.

Nag-text ako sa kaniya na hinihintay namin siya dito sa baba ng building nila, hindi pa naman siya nagreply siguro ay hindi pa talaga sila tapos. Napatingin ako sa may hagdanan nang makarinig ng ingay. Nakita ko sila Yosef na pababa na at may pinag-uusapan sila na tungkol ata sa klase nila kanina.

“Hi Chelsie!” bati ni Caiden. Tumango ako at ngumiti sa kanila. Nakita ko din na nilapitan ni Caiden at Yosef sila Aria at Sienna.

“Let’s go?” ani Caelus. Tumango ako at naglakad na kami palabas. Sumunod na din sila Caled sa amin. Napatingin pa ako sa mga studyante na nakatitig sa amin.

Alam ko naman na sila Caelus lang ang tinitingnan nila. Sanay na ako diyan, sa halos araw-araw ba naman naming magkasama ni Caelus ay ganiyan ang nakikita ko. Minsan nga ay may nagpapapicture pa sa kaniya.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Caelus at pina-andar na niya iyon. Tumingin ako sa labas para silipin ang tanawin.

“What’s wrong?” Tanong ni Caelus. Tumingin ako sa kaniya at umiling.

Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Umiwas na ako ng tingin dahil nagmamaneho siya. Ilang araw na akong ganito, kaya nga minsan ay iniiwasan ko ang tumitig kay Caelus dahil parang mababaliw ata ako.

Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking ‘to pero mukhang nangyayari na nga ngayon. Hindi naman kasi mahirap gustohin si Caelus, hello isang Caelus Salazar. Lahat ng babae siya ata ang type, kahit nga mga kaibigan ko ay napapansin siya. Ako pa kaya?

Gusto ko mang iwasan si Caelus pero hindi ko din naman magawa. Sigurado akong magtataka ang lalaking ‘to kapag nangyari ang bagay na iyon. Hindi ko pwedeng gawin iyon dahil hindi na din naman ako sanay na hindi kami magkasama. Marami na ngang nagtataka kung kami na ba daw, madalas na talaga kaming magkasama. Si Naih nga ay nagtataka na din sa amin, pati si Venn na girlfriend ni Troy.

Hindi ko nga gusto na magkaroon ng boyfriend dahil hindi ko talaga nakikita ang sarili ko doon. I don’t believe in love. Matagal na. Dahil sa mga magulang ko na iniwan ako.

Tapos biglang dumating sa buhay ko ‘tong lalaki na ‘to. Biglang babagohin ang pananaw ko. Tumingin akong muli kay Caelus na nakapokus sa pagmamaneho. Umiwas ako nang tingin at bumaling sa labas, mamaya ay mahuli niya pa ang pagtitig ko sa kaniya.

Pagdating namin sa bar ay marami na ang tao. Nakita ko na din si Jeramae at Brian sa isang table ‘di kalayuan sa amin. Sila Naih at Venn ay medyo lasing na dahil sa namumula na ang kanilang mukha. Panay naman ang tawa ni Troy at Zymon.

Lumapit na si Caled kila Jeramae at kumaway naman ako sa kanila. Naupo naman kami nila Caelus sa table nila Zymon.

“Cigar Aia?” alok ni Caiden. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Caelus sa pinsan.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Where stories live. Discover now