CHAPTER 129

409 24 3
                                    

JAZ'S POV

"Jaz? A-are you still there?" tanong ni Mavis mula sa loob.

"Nandito pa ako. Take your time." sabi sakanya.

Nakasandal ako sa pader habang nakatingin sa cubicle kung nasaan si Mavis ngayon. Hindi ako makapaniwala na ito ang rason niya kung bakit siya uuwi.

May point naman siya. Nakakahiya nga naman na dito pa siya lalaganap ng dilim imbis na sa bahay nalang nila. Pero kung uuwi pa siya tiyak na hindi na siya aabot pa.

"Look who's here!"

Napaayos ako bigla ng tayo dahil sa pagdating ng apat na babae. Mas na-alarma pa ako nang makita si Michelle na kasama nila.

"Jazlyn Cooper." banggit niya sa pangalan ko.

Michelle Evans!

Nakita kong nilock nila ang pinto ng cr. Humakbang naman palapit sina Michelle kaya napatingin ako sa cubicle kung saan si Mavis.

"Jaz? May mga pumasok ba?" tanong ni Mavis mula sa loob.

Nanatiling sa mga babae lang ang tingin ko. Binabalaan nila ako ng kanilang mga tingin. Ayoko na rin namang sabihing may tao pa dahil kakapasok lang din ni Mavis. Malamang hindi pa siya tapos.

"W-walang pumasok. Sumilip lang ako." sagot ko habang ang tingin ay na kay Michelle.

Umatras ako para mapunta kami sa bandang dulo. Ayokong sabihin na nandito sila at ganun rin naman ang intensiyon nila saakin.

Pagdating sa dulo ay lumapit ng bahagya saakin si Michelle habang nakasmirk.

"Alam mo ba kung anong klaseng gulo ang pinasok mo, Cooper? You put yourself in great danger. Nakakaawa ka in the future. Kaya binabalaan kita ngayon...huwag na huwag mong kakalabanin si Jacob Buenaventura."

Ang walang kwentang sabi niya.

Nangunot ang noo ko. "Wala akong ginagawa sa kanya. Pero kapag ako napuno....ako mismo ang hahanap sa pinagtataguan niya ngayon."

Mahina silang napatawa sa sinabi ko.

"Baliw kaba? Binabantayan na ng mga tao ni Julian ngayon si Jacob. At naghahanda na rin si Julian ng parusang ipapataw sainyo at sa Section D."

"Julian is mad right now. Mas mabangis pa siya sa hayop kung hindi mo naitatanong." sabi pa ng isang babae.

Like I care!

"Bakit niyo ba dinadamay ang kapatid ko? Ano bang kasalanan niya sainyo? Inako ko na ang parusa na ginagawa niyo sakanya...hindi pa ba sapat 'yon?!" inis na sabi ko.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon